Chapter Fifteen: Prospect

2.3K 95 27
                                    

Chapter Fifteen: Prospect


Rae's POV



"Baby, I'm sorry di ko na kayo masasamahan" paulit-ulit na sinasabi ni mom habang inaayos yung mga gamit na dadalin nya sa lamesa nya sa opisina nya sa bahay.

"Mom, it's okay, really. We're just going to her first trimester check up. Ano bang dapat nyong ipag-alala" I grab some of the documents and help mom piled it up.

"Baby, it's not that simple. You have to remember every little details the doctor will say. Kung hindi lang kasi nataon na ngayon ang meeting with the expansion sasamahan ko kayo. I really need to be there" natapos na ni mom ang pag-aayos at nilagay na nya ito sa kanyang leather document bag at inabot sa secretary nya.

"Ma'am yung CD po?" casual na tanong ng secretary ni mom.

"Yeah. The CD. San na ba yun? Oh! Here it is" I rolled my eyes. Nagulo na naman yung mga inayos namin kanina dahil sa paghahanap nya ng CD na yun.

"Wala na ba akong nakalimutan?" tanong pa ni mom.

"I believe there's nothing more ma'am" sagot naman nito kay mommy.

"Great. We have to go. Update me okay. Baka malate ako ng uwi" tumango ako kay mom.

Hinatid ko rin sila sa labas ng pinto at pinanuod na sumakay sa sasakyan. Mom opened the window of the car.

"Tell your brother to be at his ninong Danny's office." Paalala pa nya.

"Will do. Mom?"

"Yes?"

"Just relax. That's an easy piece for you. I love you" I saw her face relax and a smile form on her lips.

"Thank you baby, I love you too" I wave my hand to say bye.

Pagpasok ko ulit sa bahay naabutan ko pang pababa ng hagdan si Dee at pupungas pungas pa. Late na kasi ito umuwi kagabi. Nakakagulat nga na gumising na ito agad.

"O bakit ang aga mo? Pumunta ka daw sa ninong mo sabi ni mom" di nya ako sinagot sa halip ay nagpunta lang sya sa kusina. Sumunod ako dahil balak ko ring kumuha ng tubig.

"Ya, coffee" rinig kong sabi nya kay yaya. Pag pasok ko ng kusina nakadukdok na sya sa mesa.

"Bakit ang aga mo naman gumising. Umaga ka na umuwi ah" See? Pati si yaya gulat.

"Ugh. My head hurts. Ya black coffee na lang po"

Umupo ako sa upuan sa tapat ni Dee.

"Bakit di kaya tubig muna ang inumin mo?" tinulak ko papunta sa kanya yung pitsel ng malaming na tubig. Tinaas nya yung ulo nya at tumingin sakin ng masama.

"Shut up. You should be doing what I'll do today!" kumunot yung noo ko.

"Huh? What are you saying?"

"Mom is forcing me to accompany ninong's niece. You know her right?"

"Sino?"

"That annoying Jenica girl in your org back in college"

Hmm? Jenica? Sounds familiar. Sang org ko ba sya naking kasama? Konti lang naman ang sinalihan ko.

"Yung Pet Org whatever that is na sinalihan mo at napagalitan ka ni Dad dahil natakot si yaya nung nag-uwi ka ng gecko" and just like that, parang may umilaw na bumbilya sa sa ibabaw ng ulo ko.

Forgetting CecilleWhere stories live. Discover now