Chapter 68 (November 09, 2011)

877K 9.7K 1.7K
                                    

DATE POSTED: November 09, 2011

Chapter 68

"Kantahan mo pa ako..." ungot ni Phoebe nung umaga. Magkasama na naman sila ni Kent na natulog sa kwarto nito. Masyado siyang natouch sa ginawa ni Kent kagabi kaya magdamag niya lang itong yakap-yakap. Naka-unan siya sa braso nito at nakasubsob sa dibdib ng asawa. "Ambaho ng kili-kili ah!"

"Nangangalay na ako Phoebe..." di pinansin ni Kent ang pangaasar ni Phoebe. "Tska paos na paos na ako. Pinagttripan mo lang ako eh." Kagabi niya pa ito paulit-ulit na pinakakanta ng 'You're still the one.' Feel na feel kasi ni Phoebe ang lyrics ng kantang ito.

"Sige na... sige na... pleaseeeee" naglalambing si Phoebe sa asawa. Hindi niya alam ang mga problemang iniisip ni Kent ng mga oras na yun. Hawak-hawak nito ang cellphone sa kabilang kamay palihim na nagtetext ang kamay sa likuran ni Phoebe.

"Ikaw naman ang kumanta..." sagot na lang niya habang nagrereply sa paulit-ulit na text ng manager niya. Kumalat na kasi ang balita sa nangyari sa debut ni Elisa kagabi at nag-aalala si Mel sa kalalagyan ng movie nilang dalawa na kapi-premiere pa lamang.

"Ano ba yun!! Alam mo maganda daw sa baby ang music. Dapat nga daw kinakantahan yung baby sa tyan eh!" sagot ni Phoebe.

"Uy..." sabi ulit ni Phoebe ng hindi sumagot si Kent.

"Tsk..."

"Anong 'tsk' ? Galit ka ba?" napaupo na si Phoebe at napansin na niyang hawak-hawak pala ni Kent ang cellphone nito.

"Ano ba yan nagtetext ka pala diyan! Sinong katext mo?" umaateka na naman agad ang pagkaselosa ni Phoebe. "Patingin nga niyang cellphone mo? Yakap-yakap mo ako iba nasa isip mo?!?!?" inilahad niya ang kamay.

"Phoebe ko..." hinawakan ni Kent ang kamay ni Phoebe. "Si Mel ang katext ko. Madaming problema eh..."

Napansin naman ni Phoebe ang pagkabahala sa mukha ni Kent. Agad siyang nakaramdam ng guilt sa iniasal na selos.

"Sorry..." naisip niyang baka tungkol na naman ito sa kontrata na lalabagin ni Kent sa oras na magpakasal sila sa bansa.

"Aabsent ako today ha..." maya-maya'y sabi ni Kent  sa tanong nagpapaalam. Ngumiti ito sa kanya pero nakikita ni Phoebe ang pamomroblema sa mukha ni Kent.

"Okay ka lang ba? Ano bang n-nangyari?"

"I'm okay... Stressed lang si Mel... dahil nagaalala siya sa movie."

"H-ha?" hindi pa maintindihan ni Phoebe ang patutunguhan ng usapan nila ni Kent.

"Elisa's video? The one that you've been working on with Villaluz and that Philip... was exposed last night..."

Di alam ni Phoebe kung anong mararamdaman niya. Di niya maitatangging natutuwa siya sa mga pangyayari. Debut rin ni Elisa kagabi. Pero kinakabahan naman siya habang itinutuloy ni Kent ang sinasabi nito.

"Our movie went under fire." Sabi ni Kent habang may matipid na ngiti. "... Pero wag kang mag-alala... You are more important than the movie Phoebe..."

Di alam ni Phoebe ang isasagot. Noong nakaraan lang ay sobra ang tampo niya kapag naiisip niyang nate-take for granted siya ni Kent. Pero ngayon, di niya naman maiwasang makaramdan ng guilt. Alam niya kasing importante rin sa asawa niya ang pelikula.

Kung hindi lang sana siya ang kapareha ni Elisa sa pelikula na iyon. Di sana, hindi siya maaapektuhan at madadamay. Nalulungkot si Kent. Alam ko nalulungkot siya. Naisip ni Phoebe. Hindi niya alam ang isasagot niya.

Maya-maya bumalik na rin siya sa kwarto niya para maghanda na sa pagpasok sa eskuwela. Mabilis, pero maingat siyang naligo.Di na niya nagawang iayos ang bag na dala-dala. Kung paano niya ito iniwan kahapon, ganoon niya rin ito kinuha ngayon. Inihatid naman siya ni Kent hanggang sa harapan ng school kahit hindi ito papasok.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon