Chapter 64.5 - Shower

190K 2.7K 233
                                    

So, I made an executive decision, after 7 years haha, to put all the excluded BS chapters within the book. Yes, nakahiwalay siya before into a separate private chapter so kung may makita kayo na fan me first. Iyon ay dahil fan pa ang tawag sa followers circa 2011, at mayroon pang private chapters. Nililimitahan ko kasi itong BS for wattpad members which is understood to be 13 years old and above dahil hindi dati ito nababasa without signing in. I'm just protecting the minors.

Inilabas ko lang ito ulit ito sa date na nasa ibaba dahil tinanggal ng wattpad ang private feature at mawawala ang mga chapters. RIP Private chapters. 2006-2018 lang haha. So heto na siya ulit. Goodbye na lang sa comments doon haha.

- Glimmer 08/22/18

_______________

PHOEBE'S POV

Marami akong naiisip habang umaakyat kami sa hagdan. He's still holding me. Carrying me delicately as he take his steps on the way up. It still feels so awkward, naalala ko talaga yung kanina... Yung mga pinagtatatanong ni Kent sa doktora.

"Hang on..." sabi nya ng nasa tapat na kami ng kwarto niya.

He pulled his keys from his pockets while supporting me singlehandedly. He didn't bother turning on the lights. Dirediretcho lang siya. Bagong linis yata ang kwarto niya, naamoy ko kasi ang airfreshener... Airfreshener ba yun? Basta... ewan...

"Bakit?" tanong ni Kent sa akin. Maybe he saw me crinkling my nose.Di ko alam kung pano niya nakita ang ekspresyon ko eh medyo madilim. Yung liwanag lang sa poste sa labas ang nagiilaw pati sa loob.

"Wala... Ambaho..."

Nalukot ang noo niya.

"Ako na naman ang mabaho?" nagsusungit na naman siya. Hiniga niya ako sa kama niya. Tapos tumabi siya sa akin. Pero nakaupo lang siya. At nakasimangot. Akala niya na na naman siya ang sinasabihan ko nang mabaho.

"Sige tawanan mo pa..."

"Hindi naman ikaw eh!!!" natatawa talaga ako.

I can see face.Nakaupo pa rin siya. Marahil naanis dahil na naman sa mabahong sinasabi ko. Hindi ko alam pero ang gwapo niya talaga. Parang kahit saan mo tignan. Kahit anong angle. Kahit ngayong madilim. Grabe lang... Lumaki siyang ganito... Parang lagi-lagi ka na ang maiinlove sa kanya.

"Nakarating na tayo kung saan saan, ngayon mabaho na naman ang sinasabi mo!"

Ewan ko bakit ganito siya. Ang sungit niya palagi... At palaging hindi nakikinig. He's a ranting machine. Basta may masasabi, magsusungit. Hindi ginagamit ang tenga... Kaya palagi kaming nagaaway. Palagi na lang may misunderstanding. Pero kahit pa ganoon. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya pwedeng itapon nuh.

"Hindi naman ikaw eh... Amoy airfresher! Ambaho ng nilagay ni manang. Ang tapang. Parang amoy gamot."

"Huh? Kahit yun naamoy mo? Lagi namang yun ang nilalagay ni manang pag nililinis niya kwarto ko eh. Di naman kaya matapang ah... Grabe yung ilong mo Phoebe. Halimaw!"

"Ewan ko sayo."

Tapos nun hinawakan niya na yung kamay ko. Kinakabahan talaga ako.

"Miss mo na ako diba??"

Ayan na naman siya eh. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Mahilig sa ganun?

Humiga na rin siya... Yumakap siya sa akin at syempre. Niyakap ko rin siya. Ang sarap kaya ng feeling ng ganito. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Sa totoo lang may naamoy pa rin akong pabango eh!!

"Baby ko... narinig mo naman yung sinabi---"

"MABAHO KA PA RIN PALA!!!" tinangga ko yung mukha ko sa pagkakasubsob. Ayoko talaga sa amoy pambabae na yun!

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon