Chapter 21: Wrong Decision

1.9K 54 7
                                    

Chapter 21: Wrong Decision







Ang sakit isipin pero dapat tanggapin. Dapat ko na siyang layuan. Alam kong gulong-gulo na ang utak niya ngayon.

Napansin ko rin na si Carla laging tulala. Si yabang naman, hindi niya ako tinitigilan sa mga tanong niya. How can I stay away from him? Eh lagi nga siyang buntot ng buntot sa akin.

P.E namin ngayon. And we are wearing our P.E attire. White t-shirt, blue jogging pants, and rubber shoes. ^o^

"Carla, namumutla ka yata. Linalagnat ka ba?" Tanong ko.

Worried na kasi ako eh. Napansin ko lang kasi na namumutla siya, at laging tahimik this week.

"Okay lang ako. Salamat." Aniya.

Our teacher demonstrated what to do. Games. I love games.

"Ang ating unang lalaruin ay basketball..."

Hinati ang klase namin into two groups. Red and blue. Blue team ako. Yeees! Favorite color ko. Yabang is Red and so as Carla. Bale boys vs. Boys and girls vs. Girls.

Nag-start na ang laro. Boys ang nauna. At ang galing pala talaga ni yabang. Siya nga lagi nakakashoot eh. Every before shoot naman niya, lagi siyang sumusulyap sa akin. Gusto talaga niya malaman kung bakit ako ganito. Si Jake naman magaling din. Of course. Basketball player nga eh.
Ang mga babae naman dito todo tili. Ang sakit na sa tenga!

Nag-tie ang both groups but ang nanalo ay . . . ang red team. Group nina Troy.

"Blue team girls. We need to win. Para ito sa grades natin. Ang blue team na boys natalo. Magpapatalo din ba tayo?" Sabi ni Catherine.

May nakapagsabi sa akin kanina na magaling din daw si Carla. Tapos red team siya. We need to give our best. Kailangan.

Girls na. Okay let the games begin! Kinuha ko ang bola tapos may humarang sa akin then I passed the ball to Catherine then to Jamie to Camille. I raised my hand para makita niya ako then she passed it to me but then hinarangan ako ni Carla. I throw the ball to the ring and . . . shoot!

Carla has the ball, kinuha ko and I'm about to shoot nang ... hinimatay si Carla. Nalaglag ang bola.

"Carla, carla!" I said while shaking her.

***

Dinala siya ni yabang sa clinic. Buti nalang. Kinausap siya ng nurse.

"Okay lang ba siya yab- I mean Troy?" Tanong ko.

"Yeah. She's fine." He said seriously.

He seems to really care. The whole time nandoon kami, hindi na siya muling nakig-usap sa 'kin. He was just staring at Carla for the whole time.

"Trisha, sabay tayo umuwi ah? May sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Carla.  Bumalik na kami sa classes namin kasi okay na daw siya.

"Sure. Anong pag-uusapan natin?"

"Basta."

No'ng dismissal time na naglalakad na kami ni Carla patungong gate sa school.

"Bakit close friends kayo ni Troy?" She asked all of a sudden.

"Dahil sa'yo."

"Huh?"

"Ang daming tanong no'n eh."

Naalala ko bigla noon. No'ng close na close kami, noong wala pa akong mga kaaway. I suddenly miss him. Pero naalala ko rin kung gaano katahimik ang buhay ko noon. Bakit ba kasi sa kadami-daming tao dito sa mundo, siya pa ang naging bestfriend ko? Ang yabang kaya niya, ang bad boy kaya niya, ang yaman kaya niya, ang bait kaya niya, ang pogi kaya niya... Erase, erase, erase. Pero honestly, miss na miss ko na siya. Sobrang miss ko na siya.

"Ah, okay. Bakit inagaw mo sa 'kin kanina...?"

Huh? What does she mean by that? Inagaw? Di ko inagaw sa kanya ai Troy. Bestfriends lang kami at talagang hanggang don lang iyon.

"I mean bakit mo inagaw ang bola sa akin kanina?" Sabi niya sabay tawa.

"Syempre. Dapat eh. Kalaban tayo. Haha." I said. Whooo! Akala ko kung ano na.

"Hahaha."

We talked and talked hanggang nasa tapat ng kanilang bahay na kami. Hindi kasi masyadong malayo ang sa kanila sa amin eh.











Days passed. Weeks passed. Months passed. Hindi kami nag-uusap ni yabang. Kung magkita man kami, lagi siyang umiiwas ng tingin. So narealize na talaga niya. Ang mga lagi niyang kasama ngayon ay sina Peter, James, Clint and John lang. Si yabang naman ay mas naging bad boy at mas naging mayabang. As in mayabang na mayabang. I've heard din na girlfriend na rin daw niya si Carla. Masaya ako para sa kanila. Finally.

Ako naman lagi kaming magkasama ni Jake. Yep Jake, my crush. Pero hindi pa kami ah. Nanliligaw siya pero di ko pa sinasagot. Crush ko siya. Di ko inakalang nangliligaw siya sa akin. And many girls are jealous. Geez. Ikaw ba naman ang ligawan ng gwapong lalake.

"Napansin ko lang, bakit parang hindi na kayo nagpapansinan ni Troy?" Tanong ni Camille.

Nasa music room pala kami ngayon. May rehearsals na naman para March.

"Nagpapansinan naman kami ah." I lied.

"You suck at lying girl. Halatang halata ka." She said.

Wow. Ganon ba ako ka halata?  So I explained it all to her. From being bestfriends with yabang to bakit iniiwasan ko siya ngayon reasons.

"Para lang yun?" Tanong ni Camille.

"Oo. Hindi para lang yun. Hindi lang yun 'lang' Camille." I said.

"Hindi. What I mean is you'd rather sacrifice?"

"Di naman talaga sacrifice yun. Kung magiging okay na ang lahat, gugustuhin ko maging close kami ulit. Pansamantala lang naman 'to." Sabi ko.

"Paano kung hindi ka na tatanggapin ni Troy bilang bestfriend? O kaya friend? Paano kung para sa kanya iniwan mo siya for nonsense reason? Paano kung di ka na talaga niya pansinin?" Aniya.

Napaisip ako. Paano na nga kaya?

"Dapat kasi nag-isip ka muna."

Perfect Harmony (COMPLETED)Where stories live. Discover now