Chapter 22: Raindrops

1.9K 54 3
                                    

Chapter 22: Raindrops








Dapat kasi nag-isip ka muna.



Iyan lang ang tumatatak sa isip ko ngayon. Iniiwasan ako ni yabang. Bakit parang malungkot ako? Dapat nga maging masaya ako diba? Habang tumatagal, si Carla din ay hindi na pumapansin sa akin. Bakit? May sama ng loob ba siya sa akin? Habang tumatagal din, di ko na kaya. Parang ang sakit lang, walang nagtutukso sa akin ng 'baboy', walang mayabang, kahit na ganyan, nakakamiss rin pala. Mali nga yata ang naging decision ko. Mali. Tama si Camille. Hindi ako nag-isip ng mabuti. Paano kung di niya tanggapin ang reasons ko? I'm so stupid. What have I done? What was I thinking?

"Oh. Hija, ang aga mo yata." Sabi ni Tita V, habang kumakain kami.

Pagod na pagod ako. Di ko alam bakit. Wala namang masyadong activities.

"Uhm, opo kasi maaga kami dinismiss." I said.

"Napansin ko lang, di na kayo madalas magkasama ni Troy ah?" Tanong ni Ate Hannah.

"Ah, kasi po... Busy siya sa mga a-assignments niya?" I obviously lied. Tss. I suck in this.

"Classmates kayo. Bakit siya lang ang busy. At diba pag may assignments kayo, sabay kayo gumagawa?" Aniya. Ay, oo nga pala. Yep, she knew I'd lie.

"K-kasi-"

"May sakit ka ba Trisha?" Tanong ni Tita V.

"Wala po." Sabi ko.

"Matamlay ka din hija." Sabi ni Tita V.

"May nangyari ba?" Ate Hannah asked.

"Ho?"

"I mean, nag-away kayo no?"

Honestly, di ko talaga alam. Di naman kami nag-away diba? Ako lang naman itong malabo. Para akong ewan minsan eh. Nadamay pa tuloy siya. Ang sama ko lang. Ang gusto ko lang naman na magkatuluyan silang dalawa ni yabang eh. Pero parang pati friendship namin ni yabang, nawasak.

"Let me guess, break na kayo?" Tanong ni Ate Hannah.

"Ho? Break? Friends lang po talaga kami."

Break agad? Bestfriends tapos break? May ganun ba?

"Anong problema Trisha? You can share it with us." Sabi ni Tita V.

"Kasi po... Marami ang nagjujudge sa amin ni ya-Troy kasi daw ang gwapo niya, may-ari ng school at etc. Eh ako naman po, simple, pangit, at etc. Kaya ganun nalang kung makapanghusga sila."

Yun lang ang sinabi ko. Di ko sinabi sa kanila ang part na tungkol sa romance nila Carla.

"Yun lang?" Parang di makapaniwala si Ate Hannah sa sinabi ko.

Oh no. Alam kaya niya?

"K-kasi di namamansin si yab-I mean Troy sa i-iba eh."

"Ah, ganun ba. Baka hindi na yan friendship ah. Baka-" -Ate Hannah

"Ate, We. Are. Just. Friends."

"Okay. Chill ka lang. Hahaha!" Tapos tumawa sila ni Tita V. Mother and daughter be like.

Namiss ko tuloy si Mama.

Paano mo siya mamimiss? Hindi mo nga siya nakita eh.

I mean, ano kaya ang feeling kung may nanay kang nag-aalaga sa 'yo. Kung nandito sana siya...

Di ko na namalayan na lumuluha na pala ako.

"'Wag kang umiyak Trisha. Ang dapat mong gawin ay hindi ka dapat sumuko sa kanya. I know he's a good friend. Huwag mong seryosohin ang sinabi ko kanina. Joke lang yun, para tumawa ka. Don't worry. Nandito kami." Sabi ni Ate Hannah.

Tama siya. I have to do something.

"Yabang!"

Dismissal time na namin ngayon. Nasa labas ako ng classroom namin. Kasi naman eh, lumabas agad ng classroom namin si yabang.

"Yabang!"

At nakita ko siya. Kasama niya si John, Clint, Peter, James, at walo pa na lalake na kasama niya. Nakikipag-usap siya kay Peter.

"Yabang!" He heard me but he continued talking to Peter. In short, he ignored me. Ouch.

Ngayon, di ko na alam kung itutuloy ko pa ba ito.

You have to do this.

"Yabang!" He told something to those boys and umuwi na sila.

Nag-iisa nalang ngayon si yabang. Dumidilim na at ang mga estudyante ay nag uuwi-an na.

"Yabang, can we talk?"

Patuloy parin siyang naglalakad. Parang wala lang siyang narinig. Oh no.

"Yabang, please. Pansinin mo naman ako oh."

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad ngunit ngayon mas bumagal.

"Troy. I'm sorry."

He faced to me nang bigla nalang...

*thunder*

"Aaaaah!" I hugged him.

Yep. Tama ang hinala niyo. Takot ako dyan. Raindrops started to fall. He looked at me seriously. Oh. I immediately let go. Oo nga pala, galit pa pala siya sa akin. Then a smile formed on his lips.

"I'm sorry Troy." I said sincerely.

"For what?"

"For ignoring you."

"Why did you?"

Sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung di niya tanggapin ang reason ko.

"I wanted to live a peaceful life."

"Isn't this a 'peaceful life' for you?"

Yeah. Alam ko ang nonsense ng reason ko. Pero di ba? Dati walang nag-aaway sa akin, tulad ng ginawa ng fans niya at ang psycho niyang ex girlfriend. At tulad din ngayon, sagabal lang ako sa kanilang dalawa ni Carla. Ako ang problema dito. At gusto ko ring maayos ang buhay ko. Kaya lumayo ako. Pero mali pala ang naging desisyon ko. Di ko kaya mawala ang pinakamayabang na tao na nakilala ko. Di ko kaya. Alam kong nangako ako kay Carla na sa kanya lang si yabang. Yep, di ko yun nalilimutan. Gagawa ako ng ibang paraan para maging sila parin. Ang dami na palang pagsubok na dumaan...

Di ko na namalayan na I was crying so hard. Akala ko raindrops yun. Ang basa ko na. Para akong basang sisiw. He cupped my cheeks and he wipped my tears with his fingers.

"You're such a pig."

Perfect Harmony (COMPLETED)Where stories live. Discover now