Chapter 30: Weird

1.9K 46 2
                                    

Chapter 30: Weird







I put my bag on the couch at umupo katabi ni Ate Hannah.

"Oh, you really look so tired. How's your day?" Tanong ni Ate Hannah.

"I'm tired and kindda guilty." Simpleng sagot ko.

She laughed. "Why?"

"Kasi po I tried to explain to y-Troy what happened, nung pumunta kami ni Jake sa mall. I forgot to tell him. Tapos inuna ko pa ang paglalandi kay Jake kaysa sa rehersal namin. Ang selfish ko diba?"

"At makakalimutin! Oh. Pumunta pala  dito si Troy that same day." Sabi niya sabay snap ng fingers pa niya.

"Huh? Why didn't you tell me?" I asked. Bakit ngayon niya lang ako sinabihan?

"Well, obviously, I am telling you know."

"You know that's not-"

"Okay, sorry. Kasi eh, makakalimutin ako eh hehe." Sabay peace sign niya pa.

Hindi kaya? Baka nagalit sa akin si yabang dahil pinuntahan niya pala ako dito tapos wala na ako. Psh! Kasalanan mo to Trisha eh! Selfish mo masyado!

"And you know what? He's kindda angry. If you just saw his face." Tapos tawa siya ng tawa.

"Baka... baka dahil dun kaya niya ako iniwasan."

"Ano? Bakit ka niya iniiwasan?" Tanong niya.

"Basta." Kinuha ko ang bag ko at umakyat sa kwarto ko.

"Wait. Trisha, sabi mo kanina guilty ka. Bakit?" Aniya.

"Kasi, uhm... nakalimutan ko!" Then I winked at her.

Siya lang marunong makalimot. Ako din kaya! Pero syempre di ko iyon talaga nakalimutan. Gusto ko lang siya asarin. Kasi naman eh, bakit di niya sinabi sa akin na pumunta pala dito si yabang? I lie down in my bed. Ugh. What a day. Ano nga bang gagawin ko para di na magalit si yabang sa akin? Masyado siyang matampuhin eh. Di na 'to first time.

Oo nga pala may rehearsal kami bukas which means makikita ko na naman si yabang at makapag sorry na ako. I get a paper and a pen, para magplano na. Funny right?

I woke up early para sa rehearsals namin ngayon. I checked my clock and ang sobrang aga pa pala. Natulog ako ulit, chineck ang clock, at maaga parin. Hanggang sa pauulit-ulit iyon nangyari. Di ko alam eh, parang di ako makatulog at ang sakit talaga ng tiyan ko. Gutom lang siguro to?

Bumangon na ako and I did my daily routines. I wore a simple grey loose shirt and a skirt. You got it right a skirt, but of course I also wore a short. I checked our clock, and the calendar. Malapit na pala christmas party namin.

Bumaba ako at naamoy ko agad ang luto ni Tita V. Bacon, eggs, and fried rice.

"Good morning Tita!" I greeted her and smiled sweetly.

"Good morning din hija." Sabi niya habang nagluluto.

"Ang bango ng niluluto niyo po ah." Sabi ko while licking my upper lip. "Let me guess... uhm, bacon, egg, fried rice?" I said while pretending to think.

She chuckled. "Yep. Gutom na gutom ka na yata, kaya nahulaan mo."

Naghanda ako ng mga plates. Nagtimpla ako ng hot chocolate drink. Nilalamig kasi talaga ako. And sa wakas ay naluto na rin ang niluluto ni Tita.

Kain lang ako ng kain. Gutom talaga kasi ako eh.

*Burp*

"Excuse me."

I stood up and pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko yung black na jacket ko at nagtoothbrush na rin ako.

"Sige po. Una na po ako." I said while waving at Tita V.

"Sige Trisha. Ingat ka."

"Someone threw a paper at me! Kaya ako tinawag ng principal!"

"Tama na nga iyan Wayne!" Sabi ni Blake. Tapos tumawa na naman sila.

Sorry talaga Wayne. Nagiguilty na talaga ako. Bakit naman kasi siya natulog sa klase?

Nandito kami ngayon sa music room. At di ko alam kung bakit pati barkada ni yabang nandito.

Parang wala lang talaga si yabang. Ugh. Bakit ang dali niyang magtampo?

"Oy yabang! Oy!" Humarap siya sa akin thankfully.

"Sorry na kasi. Nakalimutan ko talaga! Promise! Di ko talaga sinadya."

"Okay lang."

Woah. Did he just say okay lang? Ang bait niya ngayon ah. Pero I smell something fishy.

"Akala ko nagtatampo ka na naman eh." Sabi ko while pinching his cheeks.

"Okay. Stop pinching my cheeks." Sabi niya with a serious face.

O-oh. I know that face. Nagtatampo siya sa akin! Gotcha!

The rehearsal went well. Pauwi na ako ngayon and I'm looking for a tricycle pero wala namang dumadaan. At dumidilim na rin. Di pa naman gumagabi eh. Baka maulap lang.

"Sabay ka na sa amin, Trish!" May sumigaw, lumingon ako at nakita si Wayne na nakasakay sa isang black sports car. Si Peter ang nagda-drive.

"Huwag na! Okay lang ako." Then I gave him a thumbs up and a smile.

"Uulan na! Halika na!" Aniya.

"Okay lang talaga. Huwag na, baka may pupuntahan pa kayo tsaka-"

"Get in Trisha!" Sabi ni Peter.

"Kaya ko sumakay mag-isa
At hindi pa naman uulan eh." Sabi ko and I smiled assuringly to both of them.

Eh kasi, nagi-guilty ako sa ginawa ko ni Wayme without him knowing na ako pala ang nagtapon sa kanya ng papel. Second, nahihiya talaga ako. Baka kasi mayroon pa silang puntahan tapos maging sagabal lang ako.

*Thunder*

"Are you sure about that?" Sabi ni Wayne with a teasing smile.

Mukhang uulan na talaga. At wala talagang tricycle na dumadaan. Nasaan na ba ang mga tricyle?! Tss. Ano pa bang magagawa ko?

Sumakay ako sa back seat at katabi ko si Wayne na ngayon ay todo smile sa akin. Si Peter ay ang nasa driver's seat at ang katabu niya as si yabang?

"B-Troy!" Sabi ni Wayne tapos tawa siya ng tawa. And Troy is glaring at him. Weird.

Perfect Harmony (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora