Chapter 39: A Trip To Remember pt. 1

1.8K 34 6
                                    

Chapter 39: A Trip To Remember pt. 1



"Pig!"

"..."

"Gumising ka na!" Sabi niya pa, "nandito na tayo."

At dahil dun napabangon ako, nasa lap pala niya ako nakatulog? O_o

"Ang hirap mo palang gisingin! Baboy talaga!"

"Anong sabi mo?!"

"Wala hehe. Wala!"

"Ewan ko sa'yo yabang -_-" lumabas ako sa kotse and wow ang ganda pala ng island nila!

"Halika na nga pig! Nandoon na sila sa room nila." Sabi niya sabay hila sa akin.

"Room?"

"Oo. Room. Yung stastayhan nila. Pupunta din tayo sa atin."

"Atin? O_O"

"Oo. Sabi kasi ni mom na ako daw ang mag-aalaga kay Jade. Eh di ko naman kaya ako lang mag-isa kaya share tayong tatlo sa room. Hehe!" Paliwanag niya.

"So, sinadya mong sinama ako dahil lang pala gusto mong may kasama kang mag-alaga kay Jade?"

"Di no!"

"Akala ko... Psh! Akala ko na--"

"Hindi! Bestfriend kita kaya ininvite ka ng parents ko."

"At sinama mo ako dahil gusto mong may mag-alaga--"

"Tch! Halika na nga!" Tapos hinila niya ako. Ang lakas niya!

"Ayaw!" Sumimangot ako.

"Alam mo, para kang bata!"

"Bata na kung bata basta di ako--" napatigil ako, "hoy! Ibaba mo ko! Yabang!"

Eh? Binuhat lang naman niya ako -__-

"Ibaba mo ko yabang!"

"Ayaw." Tumawa pa siya. Sinunod lang niya ako kanina ah!

"Ah ganun ah! Hinahamon mo ako? Gusto mo bang... Wahaha!"

Binitawan na niya ako agad-agad. Yun lang pala eh bwahaha.

"Basta sige na! Huwag ka ng magtampo!" Sabi niya.

"Eh? Sino bangnagsabi sayong nagtatampo ako?"

"So, hindi ka nagtatampo?" Tanong niya with a bright smile.

"Hindi."

"Really?"

"Oo! Di ako nagtatampo kasi galit ako!" Sumigaw ako tapos nagwalk out. Akala ko pa naman sinama niya ako dahil bestfriend niya ako pero dahil lang pala gusto niyang may kasama siyang mag-alaga kay baby Jade tapos binuhat niya pa ako, nakakahiya kaya! Tch!

"I'll explain later." Sabi niya.

"Later mo mukha mo! Tsee!"

"Halika na! Di ka ba nagugutom?" Tanong niya.

I checked my watch and... Oh my, 9 na pala? Gutom na gutom na gutom na talaga ako.

"Gutom!"

"Eh? Ayun pala eh? Tara! Ang mahuhuli ay pangit!"

Kaya ayun, nagtakbuhan na kami. Takbo. Takbo. Takbo.

Siya pa rin ang na una! Ang daya! Alam niya kung saan kami papunta eh! Tapos ako kahit nauna ako sa kanya kanina, di ko alam saan ako tatakbo eh. Unfair. >____< sige na nga lang! Pagbigyan na natin! Tch!

"Talo ka! Hahaha pangit!" Asar niya pa. Sige lang yabang asarin mo lang ako!

"Wala akong pake!"

"Hahaha! Oh? Galit lang?"

"Tch!"

Kami pa pala nandito sa isang room eh. Akala ko kami nalang hinihintay tapos kain agad. Ang nandito lang naman ay ang malaking mesa, mga plato, upuan etc. Gutom na kaya ako! Akala ko pa naman kakain na agad kami :(

"Gutom na ako." I whispered to myself.

"Pangit!" Nang aasar na sabi ni yabang. Oo, hanggang ngayon di pa siya tapos sa pang-aasar sa 'kin.

"Eh? Ikaw, gwapo ka ba?!"

"Why are you asking me? Ikaw ang inaasar ko! Bleee :P"

"Ewan!"

"Oh? Bakit? Galit ka pangit?" Sabi niya. Seriously? Bestfriend ko ba to? Bakit lagi niya akong inaasar? Parang noon lang? Ang dami ko na talagang nickname. -____-

"Seriously? Anyare? Anong nakain mo yabang?" Tanong ko, "ang dami ko ng nickname ah? Nasapian ka?"

"Di naman."

"Then why are you pissing me off?"

"'Coz I want to." Tumawa na naman siya, "pangit!"

"Asarin mo lang ako! Alam ko namang di ako pangit eh!" Then I smirked.

"Hahaha! You're joking?"

"Di ako maiinis kahit ano pang sabihin mo." Sabi ko in a calm tone and smirked. Siya lang marunong magyabang?

"I know you're already annoyed. And you're ugly and so just deal with it. :P" at dahil dyan naiinis na naman ako! Grrh! Anong problema niya? Wala naman akong ginawa sa kanyang masama ah?

"Ikaw talagang kumag ka! Ang yabang--"

"Sorry kung late, halika na hija! Umupo na tayo para makakain na tayo." Sabi ni tita Kate.

Saka ko nalang aawayin si yabang. Nagugutom na ako eh! Pero di pa ako tapos, yang kumag na mayabang na yan! Humanda siya sa akin! Grrrh!










TROY'S POV

Ang hirap pa lang gisingin ng bestfriend kong ito. Kanina nung sumandal siya sa balikat ko, di na ako nakatulog ulit. Tapos parang di siya komportable sa posisyon niyang iyon, kaya sa lap ko nalang siya pinatulog. And guess what? I couldn't sleep anymore because the whole time I was staring at her face. Ang ganda lang niya pag ang kalma niya. Kahit hindi! Lately kasi napakabait at sweet na niya sa akin na bestfriend. Kaya gusto ko siyang asarin ng todo. Di ako nakatulog kagabi, tapos di pa ako nakatulog kanina dahil nadidistract ako sa kanya, at namiss ko din yung lagi siyang naiinis. It might sounds weird but I find her cute when she's pissed off.

We're currently eating right now. At alam kong inis na inis na talaga siya sa akin. Kasi alam kong gutom na gutom na siya kanina pa. Tapos iniinis ko pa siya? Hahaha! She's really cute. Kaya ngayon, todo kain lang siya.

"Oh? Trisha. Dahan-dahan lang." Sabi ko. Katabi ko siya ngayon.

"Whatever." Tapos kumain lang siya.

Binigyan ko siya ng glass of juice, "eto oh." Di niya parin ako pinansin. Kaya ako nalang ang nagpainom sa kanya.

She glared at me. Wala man lang bang 'thank you'?

*ehem* -si Jade yun.

Naiinis na talaga si pig sa akin. Minsan lang to sa buhay ko kaya hayaan niyo na nga lang ako.

"Di pa ako tapos yabang." Pabulong na sabi ni pig.

Is she really that pissed off?

Well, di pa din ako tapos. Hahaha.

Perfect Harmony (COMPLETED)Where stories live. Discover now