Chapter 34: Rescue Me

1.8K 42 1
                                    

Chapter 34 : Rescue me




TROY'S POV

Nasaan na si pig ngayon? Nag aalala na talaga ako. Kanina tumakbo siya, ngayon naman, hindi ko siya mahanap. Pinuntahan ko siya sa room nila pero hindi daw siya pumasok. Nag cucutting classes na siya ngayon? No, this isn't her. Kahit nga magkalagnat yun, pinipilit niya parin pumasok. Dinismiss na kami, kaya mahahanap ko na siya.

Pig, where are you?

Pumunta ako sa tambayan namin dati, sa ilalim ng malaking puno, baka nandoon siya. Napahinga ako ng maluwag. And there I saw here... nakatalikod at may katabi na lalake. No, inaakbayan yata siya ng lalake at... at naghoholding hands sila.


All this time, kaya nagcucuting classes na siya dahil lang pala sa isang lalake? I clenched my fist but I breathe deep. Buti na lang walang nangyari sa kanya. Nawala lang ako saglit tapos may boyfriend na siya.

Ang sakit pala, ang sakit-sakit. I see her as my princess, but she sees me as a friend. At alam kong wala akong karapatan na magselos, pero it breals my heart... seeing her with another guy at naka holding hands pa. I felt pain inside me. At ngayon ko lang naramdaman to.

*Sigh*

Naglakad ako papunta sa kanya, "Pig!"

"Pig!"

Sumisigaw na yata ako pero di niya narinig? Nagbibingi bingi-an ba siya? O nagagalit siya sa akin? O... ewan ko! Ang labo niya minsan.

"Pig!"

Pagharap niya, hindi pala si Trisha yun. Ibang babae pala yun.

Nasaan ka na Trisha? Nag-aalala na talaga ako. May masamang kutob ako. Sana naman mali itong kutob ko.

I felt bad when I thought I saw her with someone else and they were actually holding hands. Pero nung nakita ko na hindi pala siya yun. I feel my world crashing.

Ano bang iniisip ko? Na magcucuting classes ang isang dakilang estudyante katulad ng bestfriend kong si 'Trisha Mendez'? Para lang makipag date? I'm her bestfriend that's why I know her. I know her too well.

Kinakabahan ako, sh*t! What have I done? Kaya nga di ko gusto makipagkaibigan ng kahit sino lang eh! Alam kong delikado ang magiging buhay nila! Sana nga lang mali ang iniisip ko! Just please!

Tumakbo ako patungo... di ko alam. Lilibutin ko pa ang buong school para lang makita siya ng nabangga ko ang isang mabae. Nahulog ang mga dala niyang libro.

"Watch where you're goi-" di niya natuloy ng nakita niya ako. Pinulot ko yung mga libro niya at binagay sa kanya.

"Sorry." Sabi ni Stella.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagtakbo ng nagtanong siya.

"Oh? Are you okay?" She smirked, "you seemed to be worried?"

"Si-si..." Hinihingal kong sabi. I took a deep breath.

Wala akong makukuha sa kanya kahit sabihan ko pa siya kung bakit.

"Si? Who?" Tanong niya.

Di ko na lang siya pinansin. Eh? Wala naman akong mapapala. Ang tanging iniisip ko ngayon... kung okay lang si Trisha.

Pero bago paman ako tumakbo, I heard Stella say something. "Too bad," then she chuckled.

Nababaliw na yata siya.


Perfect Harmony (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu