Serye dos

3.3K 111 7
                                    


Hingal na hingal si ron ng makarating sa oval ng gymnasium,napaupo sya saka hinubad ang leather jacket at hinagis sa kung saan


"Langya!.bwisit kasing guard yan tuloy hindi natuloy yung sparing,"sabi nya sa sarili habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay,




"Oh ron anong ginagawa mo dito?"napalingon sya sa pinaggalingan ng boses at nakitang papalapit sakanya ang isang may itsura ding lalaki,nakangiti ito sakanya habang may hawak na mga libro,malalaking ruler at kung anu-ano pang panukat



"Bakit kayo nandito?!.alam nyo naman pong ayaw na ayaw kong nakikita yung mga dala mong ruler at nahihilo ako sa tinuturo mong subject"..nakabusangot na sabi ni ron





Ginulo lang nito ang buhok nya."ikaw talaga,buti nga at hindi tayo sa principals office nagkita,himala hindi ka ata na-guidance ngayon,nagpapakabait ka na ba nyan?".



Tinapik nya ang kamay nito."ginugulo mo lang yung buhok ko eh!"





"Diba mahigpit na pinagbabawal ang may kulay na buhok dito ron,bakit may kulay parin yang buhok mo?"





"Tss,kulay brown naman sya ah.bakit dapat ba puro itim lang ang kulay ng buhok ng mga estudyante dito?ang boring kung ganun".



"Ah naalala ko.kanina habang papunta ako sa isang classroom na tuturuan ko eh nakita ko yung guard na may kasamang sampung estudyante at mukang papunta sila sa office.ikaw ba ang kaaway ng mga yun?".nagdududa nitong tanong




"Haynaku!kuya francis,kapag napupunta sila sa guidance office ako agad ang kaaway!ganun na ba kabasagulero ang tingin mo sakin?".





Natawa ang lalaki saka ulit ginulo ang buhok ni ron."ikaw talaga ron,pumasok ka na sa next subject mo at baka pagalitan ka nanaman at magalit sila tita't-tito,,sige ka isusumbong na kita kay jessie".sabi nito saka na naglakad palayo



Pagkarinig palang sa salitang tito at jessie ay nataranta sya saka hinabol ng salita ang papaalis na lalaki




"Kuya francis.please wag mokong isumbong kila ate at papa..!"lumingon lamang ito sakanya saka ngumiti at naglakad na ulit






Naisipan nalang nyang bumalik sa classroom nya dahil sineryoso nya ang sinabi kanina ni francis na baka isumbong nga sya nito at tiyak na patay sya,,hindi pa naman alam ng mga ito ang katarantaduhang ginagawa nya sa school.nakita nya ang mga estudyante na takot sakanya kaya tinitigan nya ito ng matatalim




"Anung tinitingin-tingin nyo dyan?!baka gusto nyong tusukin ko yang mga mata nyo!"..asik nya sa mga ito,natakot ang mga estudyante kaya nagsialisan sila sa takot na gawin nga nito ang sinasabi.nagpatuloy na ulit sya sa paglalakad na nakapamulsa ng may makabangga syang babae






"Aray!".sabay pa silang napaupo sa sementong lupa,unang nakatayo si ron saka pinagpagan ang pwitan na nadumihan saka pagalit na tinitigan ang babae na ngayon ay pinupulot ang mga nahulog nitong dalang libro




"Ano ba?!tumingin ka nga sa dinadaanan mo!.nadadamay pa ko sa kalampahan mo,bwisit".bulyaw nya dito,ng makatayo ang babae ay isang malakas na sampal ang binigay nya kaya nagulat ang lalaki sa ginawa nito






"Ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo,tapos ako pa ang sisisihin mo,napaka-ungentleman mo,hindi mo na nga ko tinulungan sa mga nahulog kong libro tapos ikaw pa tong may ganang mambulyaw,ang kapal mo!"..



Dahil sa sinabi nito ay nagalit si ron




"Hoy!hindi mo ba ko kilalang babae ka!ako ang hari dito sa scho--





Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sinipa nito ang pagkalalaki nya ng ubod lakas,naduling sya sabay hawak sa pagitan ng hita na nasipa ng babae,nag-belat ito sakanya saka na tumakbo ng mabilis




"Ayan ang dapat sayo,ang yabang mo!".sigaw nito





"H-hoy bumalik ka dito,magbabayad kang babae ka,arghh bwisit ang sakit!"..daing nya habang napapatalon-talon pa"AGHHHHHHH,punyeta kang babae ka!"




Biglang sumulpot si gian at baste saka sya inakbayan




"Bakit ron,anong nangyari sayo!?"..ani baste






"Oo nga,nakita namin yung babae na tumatakbo,ang ganda ron!"..nangingiti-ngiti namang turan ni gian






"Yung itlog,nabasag ata!"..daing nalang nya habang namimilipit sa sakit.."mag-krus lang talaga ang landas namin ng babaing yun humanda sya sakin"

Inlove Si Siga(MCH series#1)Where stories live. Discover now