Serye bente-uno

1.3K 39 0
                                    


Tirik na tirik ang araw sa medrano university,nasa taas ng malaking stage si Ron at Axel na nasa magkabilang panig na nakatayo,maraming estudyante ang nasa ibaba ng stage para manood ng sparing,kasama na roon sila sarah kikay gian drake baste at art,kinakabahan sila kikay samantalang nagmamasid at seryosong nanonood ang apat




Nakapamulsa si ron habang may toothpick pa sa bibig habang nakatayo lang si Axel na may nanlilisik na mga mata



"Ron,alam mo naman sigurong ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-transfer dito sa M,U..ngayong dumating na ang araw na pinakahihintay ko ay para akong ginanahan..makakaganti narin ako sayo".




Kumunot ang noo nito.."Ano bang pinagsasabi mo?"





"Naaalala mo pa ba yung sapakan natin dati,mula ng natalo mo 'ko ay sinumpa ko sa sarili kong tatalunin na kita this time sa susunod na magkaharap tayo"





"Alam mong hindi na natin dapat gawin 'to Axel,kung aayaw ka ngayon din ay hindi na natin ito itutuloy,kakalimutan natin ito pareho at hindi mo na kaylangang lumipat sa ibang uibersidad"




Axel smirk.."Himala!isang ron na dati sisiga-siga at kala mo demonyo kung makapagsalita ngayon bumait na,anong nangyari?".





Napatingin si ron sa ibaba at nakita nyang umiling-iling si sarah,pati si axel ay napatingin din sa babae





"So sya pala ang dahilan kung bakit nitong mga nakaraang araw ay hindi na kita masyadong makitang kasama ang mga tropa mo kapag nakikipag-sapakan,love,tss kaylan ka pa naging corny!"





"Palibhasa kasi ikaw wala kang inspiration kaya ka ganyan,.try mo rin manligaw baka mawala na 'yang sama ng ugali mo!"





Dahil sa nainsulto ay agad na sinugod ni axel si ron,,nagulat ang lalaki kaya agad itong napahiga sa sahig,nagkadugo agad ang labi nito





"Infairness to you axel,but not that fast enough!".sabi ni ron saka tumayo,sinugod ulit sya ni axel pero agad nya itong nasipa sa sikmura kaya napaatras si axel habang hawak ang tyan





"Huh!.nakaligtas ka lang ,tignan natin ngayon",nakangising sabi nya saka tumakbo palapit kay ron,bigla naman syang umatras kaya hangin ang nasuntok ni axel pero sinunod-sunod nya ng sugod si ron




"Lumaban ka,,bakit ba ayaw mo 'kong labanan?!"..sabi ni axel na medyo nagagalit narin sa ginagawa ng kalaban,





Sandaling nahinto si axel sa pagsuntok,napatingin si ron kay sarah saka sya ngumiti sa kasintahan,umiiling lang si sarah senyas na itigil na nila ang mapanganib na away




Nakakuha ng tyempo si axel kaya sinugod nya si ron,hindi agad napansin ito ng lalaki dahil nakatingin ito kay sarah,




"Ron sa harap mooooooooo!",napatingin sya kay kikay ng bigla itong sumigaw,huli na ng makailag pa dahil saktong pag-harap nya ay malakas na dumapo sa muka nya ang kamao ni axel.





Sa sobrang lakas ng impact ng suntok nito ay tumalsik si ron pababa sa hagdan ng malaking stage,gumulong-gulong ito sa sementadong hagdan hanggang sa tuluyang mahulog sa lupa ang katawan ng lalaki




Napangisi si axel pero agad syang pinuntahan nila baste,ng humarap sya sa mga ito ay sya naman ang sinuntok ng ubod lakas ni gian kaya sya naman ang natumba sa sahig at nawalan din ng malay.lahat ng estudyante kay ron pumunta.





"Ron,,gising ron,please wake up ron!",.yugyog ni sarah habang umiiyak,nakakandong na sakanya ang lalaki na walang malay,may mga pasa na ito sa muka habang dumudugo ang labi,sila gian naman ay agad na pumunta kasama si kikay





"Dalhin natin sya sa clinic dali!"..sabi ni art kaya binuhat sya nila baste para pagtulungang dalhin





"Paano si axel?".habol ng isang estudyante,




"Hindi naman masama ang tinamo nyan kaya magigising din yan!".sigaw ni baste dito saka na sila pumunta sa clinic




Ng makarating sa clinic ay agad nilang inihiga si ron sa stretcher,agad naman syang sinuri ng school nurse habang nasa isang mahabang silya sila sarah na naghihintay sa resulta.napayakap si kikay kay gian saka umiyak,inalo ito ng lalaki





"We need to tell this to his family,,"sabi ng nurse,kinabahan naman sila baste at sarah.





"Nurse pwede po bang wag nalang po,gagaling naman po siguro agad si ron diba?,nasuntok lang po sya",,ani sarah





"Oo iha madaling sabihin yun pero base sa observations at pagtingin ko sakanya,all i see is some head injuries.,meron syang head serious injury sa part na yun kaya mas mainam sa ospital talaga sya dalhin para mas masuri"..ani ng  nurse





Natutop ni sarah ang bibig sabay punta sa walang malay na si ron,nakabukas na ang polo sa uniform nito at kita ang ilang scratch nito at peklat sanhi ng mga nakaraang pakikipag-away





"Sorry pero hindi ko sya maaaring galawin masyado dahil baka mas lalo lang mapasama kapag ginawa ko yun.dapat talaga doctor ang titingin sakanya so better tell it to his parents as soon as possibe",sabi ulit ng nurse





Pumunta sa sulok si baste saka di-nial ang numero ni sab..phone iyon ni ron na medyo may crack na ng kaunti ang screen pero gumagana pa naman,maya-maya ay may sumagot na






"Yes tita si baste po ito,.he's in our school clinic,opo,sige po hintayin po namin kayo".sabi ni baste saka na binaba ang tawag.





"Anong sabi ni tita?".tanong nila gian at sarah,malungkot ang facial expression ni baste






"Alalang-alala si tita sab,and most of that,naroon ngayon si tito sky sa bahay nila,paano 'yan?!",ani baste,kinabahan silang lahat kaya hindi napigilan ni sarah na magtanong





"Bakit?may problema ba?",kinakabahang tanong nito






"You don't know what tito sky is capable of doing..we all witness about that,,he's so kind man but when he gets mad,,".hindi na naituloy ni art ang sasabihin..




Inlove Si Siga(MCH series#1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum