Serye dyis

1.8K 55 0
                                    

Sabado ngayon at dahil walang pasok ay naisip ni ron na mamasyal nalang muna sa mall para magpahangin at tumingin-tingin,



Napadaan sya sa isang toy magic,hindi nya alam ang dahilan pero para syang hinihila ng kusa ng mga paa nya kaya pumasok na sya sa loob at tumingin-tingin ng mga laruan at stuffed toys




Dinampot nya ang isang octopus na stuffed toy,tinitigan nya ito saka napangiti



"Kamag-anak siguro ni skab ito!",sabi nya sa sarili saka binalik sa lalagyan ang laruan,(A/N:yung octopus stuffed toys po yun ni sab na binigay sakanya ni sky kung natatandaan nyo:)



Naghanap-hanap pa sya hanggang sa napahinto sya at nakita ang isang cute na keychain,babae ito na naka-uniform at isang tao agad ang unang pumasok sa isip nya



Agad nya itong kinuha saka binayaran,



"Akin na pogi,babalutin na natin!",,nakangiting sabi ng lalaki sa counter




"Wag na,sayang lang sa plastik eh ang liit lang naman nito saka isa lang!",sabi ni ron saka na nilapag ang isang libo at umalis



"Pogi sukli mo..100 lang yan!".sigaw ng lalaki pero wala na si ron




Bumili pa sya ng frappe sa starbucks na nakapangalan na 'sarah'.biglang tumunog ang phone nya kaya tinignan nya ito at nakitang text ito ni sab




Ron uwi na,may bisita tayo!




Naisip nyang baka si sarah iyon kaya agad na syang pumunta sa escalator,halos hinahawi na nga nya ang mga naroon dahil sa pagmamadali,buti nalang at may taxi na sa tabi kaya nakasakay sya agad



"I'm home,!"masiglang sabi ni ron,nakita nya ang isang babae sa sofa na nakaupo,nakatalikod ito sa direksyon nya kaya napangiti sya,napatingin naman si sab sakanya saka sya isinama papunta sa sofa



"Anong ginagawa mo dito panget!?",,nakabungisngis pang sabi ni ron pero ng makita ang muka ng bisita ay nawala ang ngiti nya




Ngiting-ngiti ito saka sya niyakap kaya naramdaman pa nya ang lambot ng dibdib nito sa muka nya




"Hi ron,it's been a while since i last saw you,ang laki mo na at napaka-gwapo pa,!"




"H-hi po ninang!".asiwang ngiting sabi ni ron,umupo na ulit sila



"Naku angelie,mas lalo ka pa atang nahiyang sa states,so kamusta ka na?!",ani sab




"Ayun,busy parin sa modelling career,hindi na nga ko nakakapasyal sa kahit saan eh,binigyan ako ng 2 weeks leave ng boss ko kaya break muna ko sa modelling at gusto ko namang mag-enjoy dito sa pilipinas".nakangiting sabi ni angelie




Kwento ng kwento ang dalawa pero hindi naman nakikinig si ron sakanila,nasa iba ang utak nya,.nakapa nya sa bulsa nya ang keychain na binili kanina saka nya ito tinitigang muli,napangiti sya sa isiping magugustuhan ito ni sarah at ang muka nitong nakangiti sakanya,napakagat labi sya habang napapangisi





"Ang cute naman nyan anak,para kanino ba yan?".bigla syang nagulat sa tanong ng mama nya,ngumiti sya dito na parang nangingislap ang mga mata



"Para kay sarah,yung panget na dinala ko dito!",sabi nya


"Panget?type mo ba mga panget ron?",tanong ni angelie



Tumawa si sab."hindi angelie.tawag lang siguro nya yun kay sarah,dinala nya yun dito nung isang gabi,naku kung nakita mo lang sila,para silang couple,saka maganda si sarah eh",





Ginulo ni angelie ang buhok ng inaanak




"Naku!binata na talaga ang inaanak ko,sana magtagal kayo!",


"Nang hindi ko naman po nililigawan yun eh,sa panget nyang yun".ani ron pero sa isip ay napapangiti sya




Nakarinig sila ng tunog ng kotse,lumabas si sab kaya nagkwentuhan muna sila ni angelie



Pumasok si sky at sab na magka-holding hands pa,pumunta sandali si sky kay ron para halikan ito sa noo,tapos nadako ang tingin nito kay angelie na abot tenga ang ngiti


"Hi sky,,how are you baby?!",,ani angelie



"What the hell,ikaw pala yung sinasabi ng asawa kong bisita dito=___= .!"poker face na sabi nito



Natawa nalang si sab saka na nya niyaya ang dalawa para kumain..naiwan naman si ron mag-isa sa sala na nakahiga sa mahabang sofa habang tinititigan ang keychain,excited na syang mag-lunes at maibigay ito sa babae





*********************************************

"Hindi ka na madalas maglagi dito sa bahay jessie,baka naman laging si francis kasama mo,kapag nalaman ko lang talagang may nangyayari sainyo,.mata nya lang walang latay!".




Pagbaba agad ni ron kinaumagahan para mag-almusal ay yan agad ang sermon ng daddy nya,nakita nyang nakangiti pa si jessie na kumakain ng tinapay



Nagbabasa ng dyaryo si sky habang naka-eyeglass pa,may kaunting bigote na ito at balbas,medyo lumaki ng konti ang katawan nito at naging brusko pero hindi nawala ang appeal at charm nito,madalas kasi naka-focus na ito sa kumpanya nila ng lolo roger nya at kaunti nalang ang time nito para sa singing carrer at mag-guesting sa mga tv shows at endorsements





Si jessie naman ay parang tomboy na hindi maintindihan,pero hindi naman masasabing tomboy ito dahil mahal na mahal nya ang long time boyfriend na si francis na isa sa mga teacher ni ron sa subject at math pa,sabi ni jess noon saka ni sky kay francis na kahit may connections silang dalawa ni ron ay wag nyang ipapasa ito dahil lamang sa boyfriend ito ng ate nya,dapat pumasa ito sa math sa sariling pagsisikap





"Dad,wala naman pong nangyayari and i assure you that,alam nyo naman pong takot si francis sayo eh,",sabi ni jess,sa kanila ay madalas magkakampi si jessie at si sky,si ron naman at ang mama nya ang magkakampi




Tumango-tango ang lalaki saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo,naupo na si ron



"Dad,wala naman po talagang mangyayari sakanila dahil mas lalaki pa kumilos si ate dyan kay kuya fra--aray!"



Piningot ni jessie ang kapatid at sakto namang dumating si sab dala ang kaluluto lang na hotdogs,naupo narin ito at nagsimula ng kumain,nilalagyan nya si sky ng pagkain sa plato nito




"Pupunta pala ko mamaya kila aries at lyka,dadalaw lang ako doon!",sabi ni sab habang kumakain



Mabilis na tinanggal ni sky ang dyaryong nakatakip sa muka at naningkit ang mga mata na tinignan ang asawa




"Baka naman kung sino-sino lang ang puntahan mo,i have eyes everywhere Dear!",sabi nito,napatawa ng malakas si sab saka pinisil ang pisngi ng asawa





"Ayan ka nanaman sa selos mo eh,sila lyka lang promise,namimiss ko na kasi yung luka-luka na yun eh,alam mo na simula ng mag-break sila ni edward yun nalang ang huli kong balita sakanya.tapos ngayon may bago nanaman syang boyfriend,si aries".sabi ni sab sabay lagay ng isang buong tinapay sa bibig





Napangiti lang si ron habang pinapanood ang mommy't-daddy nya at naisip na naman si sarah






Inlove Si Siga(MCH series#1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin