Serye bente-kwatro

1.3K 38 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggo na laging malungkot si sarah kapag pumapasok ito sa school,parang wala itong gana sa bawat subject at oras na nagdadaan,lagi syang napapatingin sa bakanteng upuan habang nakikita nya doon ang dating si ron noong una silang magkita,bored itong nakatingin palagi sa bintana habang may earphone sa tenga na parang sya lang mag-isa sa mundo nya,,minsan naman'y nakataas ang paa nito sa desk na parang nasa bahay lang nila ito





Kapag papasok sya ay mag-aantay sya mag-isa sa terminal ng jeep,namimiss na nya ang pamba-back hug sakanya ng kasintahan saka ang paghalik nito sa labi nya kapag galit sya at tatadtarin sya ng sweet text message kapag may tampo sya dito





Hindi dumadaan ang mga araw na hindi sila nag-aasaran,kapag gusto ni ron mag-basketball kasama sila drake ay sasama sya at magchi-cheer sa boypren para ganahan ito sa paglalaro,minsan sa garden nila o minsan naman sa tabi ng kalsada sa subdivision




"Sarah,malungkot ka na naman?alam kong si ron nanaman ang nasa isip mo,wag kang mag-alala babalik din sya agad,magpapagaling lang sya doon sa states".alo sakanya ni kikay,nasa canteen sila nila baste at tanging si ron nga lang talaga ang wala kaya hindi sila gaanong masaya





"Oo tama si loves,saka si ron pa,ang siga-siga nun eh,malakas pa yun sa kalabaw,saka babalik din sya ulit dito sa Medrano university kapag galing na sya agad"..nakangiting sabi ni gian




Nagsimula ng kantyawan nila baste si gian





"Asususu,!kaya pala ilang beses ng absent sa sapakan yun pala luma-lovelife na si gian!".ani drake



"Grabe sya!.kung wala pa tayo sa ganitong sitwasyon hindi pa namin malalaman yung estado nila ni kikay!".segunda ni baste




"Hula ko nyan mga pare ah,mamaya iba na yung status ni gian sa fb,in a relationship na yan,",natatawang sabi naman ni art




"Mga gago talaga kayo,palibhasa wala kayong mga girlfriend eh!".sabi ni gian saka napatitig sa kaakbay na babae,nagngitian sila at halos mapaiyak nanaman si sarah ng maalala sila ni ron kung paano sila maging ganun katulad nila kikay.,nabura ang ngiti nila gian na napatingin kay sarah..si kikay naman ay dali-daling pumunta sa babaeng umiiyak saka pagalit na tumingin sa mga kasamang lalaki




"Ayan kasi eh.pinaalala nyo na naman si ron umiyak tuloy si sarah!".sabi ni kikay,naalarma naman ang apat kaya nagpabilog na nag-usap usap




"Mga tsong,.paano 'yan umiiyak si sarah.anong gagawin natin para mapasaya sya?"tanong ni gian




Nagbulungan pa sila,ng mapag-usapan ng maayos ang plano ay sabay-sabay silang nagtanguan sa isa't-isa na parang alam na nila ang nasa isip ng bawat isa




"Okay position number 5 tayo guys,one two three!".sigaw ni baste,maging ang ilang estudyante sa canteen ay napapatingin na sakanila




Nagsimula ng sumayaw si gian na nasa pinakagitna habang sila drake,baste at art ay nasa likuran




"MAY TATLONG BIBE AKONG NAKITA,MATABA,MAPAYAT MGA BIBE NGUNIT ANG PAKPAK SA LIKOD AY IISA,SYA ANG LIDER NA NAGSABI NG KWAK KWAK..
KWAK,KWAK,KWAK,,SYA ANG LIDER NA NAGSABI NG KWAK,KWAK,KWAK,KWAK,KWAK..!"




pinaulit-ulit nila gian ang steps pati ang kanta kaya tawa ng tawa ang lahat ng nasa canteen,si sarah ay natigil sa pag-iyak saka na humalakhak,pati si kikay ay natawa ng ubod lakas




"Oh diba mga tsong..okay ng magmuka tayong tanga basta basta napasaya na natin si sarah.!",,sabi ni art



"Pero nakakawala ng kapogian!"..bulong ni baste

*******************************************




Mag-isang umuwi si sarah,isasabay pa sana sya nila kikay kaso nagtago sya dahil gusto nya munang mapag-isa kahit ngayong uwian lang,.nagpapasalamat naman sya sa mga ito at ginagawa nila ang lahat para mapasaya sya pero si ron lang talaga ang makakagawa noon




Nagulat sya ng biglang bumagsak ang malakas na ulan,ang ilang kasabayan nyang umuwi ay tumakbo papunta sa waiting shed habang ang iba naman ay may kanya-kanyang dalang payong,,napapatingin sya sa mga mag-syotang magkasalo sa iisang payong at nalulungkot nanaman sya




"Nananadya ata 'tong ulan na to at talagang nakikita ko pa ang mga magsyota ngayon,!"paiyak na sabi ni sarah sa sarili




Naglalakad sya sa malakas na ulan.napahinto sya sa pinakagitna ng highway saka napaiyak,yumuko sya habang umiiyak



My life is brilliant

My life is brilliant,my love is pure
I saw an angel,of that i'm sure
She's smiling me at the subway,she was with another man
But i won't lose some sleep that nigth cause i've got a planned

You're beautiful,you're beautiful
You're beautiful it's true,
I saw your face,in a crowded place
And i don't know what to do.
Cause i'll never be with you~~

May biglang kumakanta sabay yakap sakanya



"Tahan na ms,beautiful,.bakit kasi wala kang payong,magkakasakit ka nyan,gusto mo na ata akong patayin sa pag-aalala sayo..buti nalang may dala akong payong.halika dito nagdadrama ka na naman,sabi ko kasi sayo wag kang masyadong nanonood ng mga drama sa hapon!".




Ng may yumakap sakanya ay natigil sya sa pag-iyak saka dahan-dahang nag-angat ng muka.,nakita nya ang nakangiti ngunit nakapikit na si ron,halos sumaya ng husto ang puso nya





"R-ron you back?!",naiiyak nanamang sabi ni sarah



"Yes baby,diba sinabi ko sayo noon i'll be back for you,,!",nakangiting sabi nito pero kumalas sa pagkakayakap si sarah




"Baka mabasa 'yang damit mo kapag niyakap mo 'ko,saka hindi ka ba nambabae doon sa states?baka naman nagkaroon ka na ng bagong crush!"..galit na sabi ni sarah pero all she hear is ron's laughter




"Okay lang kahit mabasa ako basta kung ikaw ang kayakap ko kahit maputik ka pa,.kahit may dumi ka pa basta yayakapin kita,,saka hindi ako nambabae roon,ikaw nga lang ang nasa isip ko every hour every minute,nagpagaling talaga ako agad para makauwi dito kasi miss na miss na kita!"





"Kuhhh!.pasalamat ka mahal na mahal kita,,!",sabi ni sarah kaya nagyakapan ulit sila





"I love you too to the nth times!".ganting sabi ni ron sakanya."Pero bago ang lahat iuuwi na muna kita sainyo..basang-basa ka na ano ba kasing pumasok sa kokote mo at nagpapaulan ka?!".




Napangiti nalang si sarah saka umakla sa braso ng lalaki.bigla nitong hinawi ang payong kaya nabasa na pati si ron





"Diba sabi mo mahal mo 'ko?,,eh di damay-damay na,,!",natatawang sabi ni sarah sabay takbo





"Aish!.ikaw talaga humanda ka sakin!",,natatawang sabi ni ron saka na sila naghabulan sa ulanan

Inlove Si Siga(MCH series#1)Where stories live. Discover now