(Gian and Kikay chapter)

1.2K 32 0
                                    

[Here's the chapter song for these two love team KayGi]♥

Mabuhay ang mga sisiga-sigang inlove.wohoo!!

********************************************************

Nakaupo si gian malapit sa stretcher kung saan nakahiga parin ang walang malay na si ron,nag-aalalang dumating kanina si sab pati na si jessie,kinakausap pa ni sab ang school nurse pati na ang principal,pinauwi narin muna nya sila drake,si gian kasi ang nagprisintang magbantay muna habang kinakausap ni sab ang mga member of faculties



Bumukas ang pintuan at tumambad si kikay na malungkot din ang itsura,umupo sya sa tabi ni gian na hanggang ngayon ay tulala parin at parang may malalim na iniisip





"Gian,,anong iniisip mo ngayon?",




"Malalim..kahit sarili ko hindi ko mahuhukay"..ani gian habang nakatitig parin sa barkada na nakahiga.tumabi pa lalo si kikay sakanya




"Alam mo gian,naaalala ko yung mga masasayang time namin ni ron,ang sweet pala talaga nya kapag nakilala mo na ng lubos,kasi akala ko dati isa syang ubod sa samang tao.alam mo na dati kayo madalas mambully at wala kayong pakialam kahit may nasasaktan na kayo"



Napangisi si gian





"Oo tama ka dyan..hindi kasi lubos na kilala ng ilan si ron kaya akala nila masamang tao sya dahil sa pananamit nya saka pananalita pero mabait syang tao at kaibigan samin"





"Haha..oo nga sya pa nga ang nagiging tulay sa panliligaw mo sakin.torpe ka kasi hindi ikaw yung lumalapit"..natatawang sabi ni kikay





Napatingin na ng tuluyan ang lalaki sa katabi



"Gusto kong sumaya kahit ngayong araw pero hindi ko alam kung paano,may naiisip ka bang paraan para naman mapasaya mo ngayon yung manliligaw mo kahit ngayon lang!".





"Mag-date tayo,yung tayong dalawa lang.,malay mo baka sagutin na kita!",makahulugang sabi ng babae,saglit na napangiti si gian habang may kumikinang na mga mata,





"Gusto ko 'yan..hindi ko na nagagawa 'yan eh pero i'll do my best this time".anito kaya napangiti na si kikay dahil sa paggaan ng mood ng katabi
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
LUMIPAS ang gabi,pinaghandaan ni gian ang first date nila ni kikay kaya talagang nagpa-gwapo pa sya,kahit sila drake ay walang kaalam-alam roon,,nag-renta pa sya ng dj para sa kanta habang nagdi-date sila ng babaeng nililigawan



Naka-semi formal syang suot at talaga namang nakikita ang ka-gwapuhan nito,naiisip palang nyang maiinlove sakanya ang babae ay hindi nya maiwasang hindi mapangiti sa loob-loob



Nakita nyang may dumating na kotse at ng bumaba ang sakay ay halos matulala sya ng makita ang naka-ayos na si kikay na naka-red dress pa,simple lang ito kung titignan pero nakaka-lingon ito ng ulo




Agad syang nilapitan ni gian saka bineso,inalalayan na nya itong maupo at sya naman ay naupo narin..



"Aba!ang gwapo natin ngayon ah.ganyan pala itsura mo kapag hindi pang-gangster ang suot mo,,"



Nahiya ng konti si gian dahil sa pagpuri sakanya ng babae



"Ikaw rin kay,napakaganda mo kapag naaayusan,parehas kayo ni sarah na maganda"..napairap si kikay kaya nagtaka si gian


"Galit ka ba,may nasabi ba kong masama?"



"Eh kasi para kang si ron,binabanggit si sarah kahit ako ang kasama!".kunyari galit-galitan si kikay,ng makitang natatawa ang lalaki ay tumawa narin ito



Maya-maya ay pinatugtog ang lady in red kaya inaya ni gian ng sayaw ang babae.ngiti naman ang sinukli nito saka tinanggap ang alok at nagsayaw sila.



Pinatugtog naman ang lips of an angel ng hinder kaya nagsasayaw ulit sila



"Wow!i love that song,it's one of my favorite"..sabi ni kikay habang nakangiti,nasa balikat ni gian ang dalawang braso ng babae habang nasa bewang naman ni kikay ang magkabilang kamay ni gian



"Talaga?!what a coincidence,ayan din ang isa sa mga paborito ko.kaya nga sinama ko yan sa playlist ni dj eh,".kunyari lang na sabi ni gian..oo nga't gusto nya ang kanta pero ng malaman mula kay sarah na ito ang paborito ni kikay ay halos napangiti sya,,tadhana nga naman oo



Kumalas sa sayawan si kikay saka tinignan ng masama si gian,taka naman itong napatingin sa babae na nakatayo lang ng tuwid habang nakatitig sakanya


"Kay bakit?may problema ba?!"kunot noong tanong ni gian



"Alam mo may kamuka ka?".sabi nito,


"S-sino naman?!"




"Yung magiging future boyfriend ko!",sabi ni kikay sabay ngiti ng matamis,halos mapangiti si gian at akma ulit na hahawakan si kikay ng muli itong umatras



"Alam mo ang problema ikaw,,ikaw ang problema,dahil sa baliw na pag-ibig kaya ganito ako,ikaw ang pag-ibig ko kaya ikaw ang problema ko!",ani kikay na umaatras,patuloy sa pag-abante si gian



"Kahit sisiga-siga ka,ikaw lang sapat na!",kunyari galit na sabi ni kikay sakanya habang panay atras,si gian naman ay aabante,ng mapansin ni gian na parang sinasbi ni kikay ang mga sikat na linya ng mga sikat na artista noon ay seryoso na syang tumitig sa babae habang panay parin sa pag-atras




"Taas na nga kamay ko sayo eh.mahal na nga ata kita sa palagay ko,maging sino ka man,maging gangster ka man!".ani kikay,sa kakaatras nito ay aksidenteng natapakan nito ang halaman kaya muntikan na itong bumagsak buti ay agad na nakatakbo si gian para saluhin sya,naka-heels pa naman ang babae..nasa ganung posisyon sila,nagkatitigan,,nagkangitian




"Catch me i'm inlove!".bulong ni kikay saka sya hinalikan sa labi ni gian at muling pinatugtog ang kanta ng hinder


Inlove Si Siga(MCH series#1)Where stories live. Discover now