Serye trese

1.5K 49 0
                                    

Ng makapasok ay agad naupo si ron sa pwesto nya habang hinihintay si sarah dahil wala pa ito at sa malamang ay male-late ito ng dating



Napapangiti sya habang hawak-hawak ang isang pirasong red rose na pinabili pa nya sa dangwa para ibigay kay sarah.kumpirma nya sa sarili na inlove na nga sya sa babae at gusto na nya itong ligawan



Dumating na nga si sarah habang kausap si kikay,naglakad sya papunta sa pinto at sinalubong ito,




"Para sayo panget!".nakangiting sabi ni ron,sandaling tinignan ni sarah ang pulang rosas



"Bakit moko binibigyan nyan?",seryosong tanong nito



"Dahil gusto kitang ligawan,kasi mahal kita!",pag-amin ni ron,muka namang kinilig ang mga babaeng kaklase nila dahil nagtilian ang mga ito,pati sila gian ay nanunudyo narin kay ron



"Woah!inlove na si lider ah!"..si drake




"Ayan may inspiration na sya araw-araw sa pakikipag-suntukan,gaganahan na yan sumuntok!",malakas na buska ni gian




"Ay pinagpalit na ko ni fafa ron sa ibang babae,sabi mo ako lang,bakit ngayon sya na!it's unfair",,pabirong sabi naman ni art




"Ehhhkkk shet kalalaki kong tao kinikilig ako"..ani naman ni baste




Nawala ang ngiti sa labi ni ron ng lagpasan sya ni sarah,sa halip ay si kikay ang tumanggap ng rosas




"Ayaw nya ata,akin nalang"nakangiting sabi nito saka na pumunta sa kanyang upuan






"Okay class open your math books on page 123,!"sabi ni francis pagkapasok palang sa classroom nila,nakatayo parin si ron malapit sa pinto habang nakakuyom ang mga kamao.bigla syang lumapit kay sarah na abala na ngayon sa pagbabasa






"Bakit ka ba ganyan?!ano bang mali sakin at hindi moko makuhang magustuhan?.may dapat pa ba kong baguhin sa sarili ko para lang makita mo ang effort na ginagawa ko para sayo.!isa akong kilalang astig at siga sa school na 'to at kaylan man ay hindi ko pinagmukang tanga ang sarili ko para sa iba,sayo ko lang to ginawa pero bakit parang invinsible lang ako sayo,ano pa bang dapat kong gawin?".hindi na napigilan ni ron na bulyawan si sarah kaya agaw atensyon na sila,maging si francis ay nakikinig lang din



Tumayo si sarah habang may galit sa muka,hinagis nito ang librong hawak kay ron kaya sapul ito sa dibdib,





"Ang problema dito ay ikaw mismo,ang kulit mo,hindi mo pa ba pansin sa bawat kilos ko na ayoko sayo,ayoko sa mga basagulerong gaya mo,iniiwasan na nga kita pero sige ka parin,tapos kapag dinededma kita nagkakaganyan ka,hindi ka lalaki ron!"malakas na sabi ni sarah sabay upo at pulot sa nahulog na libro





Tumulo ang luha sa pisngi ni ron saka ito nagmamadaling umalis na walang salita,napabuntong hininga si francis




"Hayaan na muna natin sya,he needs to burst out his feelings!"sabi nito na nakatingin pa sa nilabasan ng binata






PAGKATAPOS ng klase ay hinanap nila gian ang mga lugar na posibleng puntahan ni ron,wala ito sa gymnasium,sa oval,sa likod ng library sa building ng 4rth year wala rin,nasalubong pa nila si sarah na seryoso lang habang kausap si kikay,nagkatitigan silang lahat




"Kamusta na si ron?!"..tanong ni kikay ng walang ron syang nakita,panay sulyap pa ito





"Hindi namin sya makita,,naaawa nga kami sakanya sige bye na hahanapin pa namin sya!",may bahid ng inis at diing sabi ni drake,umalis na ang mga ito






**********************************************

Ang huli nilang pupuntahan ay ang school rooftop kung saan si ron ang unang naka-diskubre nito na minsan lang nila pagtambayan noon



Nakita nga nila ito na nakaupo sa bench,nakayuko ito at panay galaw ng mga balikat at alam nilang umiiyak ito kaya agad silang lumapit





"Ron,ron ayos ka lang?",tanong ni gian,agad naman syang siniko ng malakas ni baste





"Ano ba yang mga tanungan mo gian,alam mo na ngang brokenhearted ganyan pa tanong mo!"




Nag-angat ng ulo si ron,basa ang muka nito pero nakangiti na sakanila




"Hala!,ganyan ba si ron kapag nabasted?nababaliw na?",bulong ni baste



"Pare anong gagawin natin?mukang nilamon na ng kasamaan si ron,tignan nyo nga ngumingisi na eh!"..sabi naman ni art




Isa-isa silang binigyan ng batok ni ron saka ito nagpunas ng luha sa muka





"Mga tarantado kayo,nagbubulungan lang kayo yung naririnig ko pa.ilakas nyo nalang kaya,.hindi ako susuko,liligawan ko parin si sarah,"sabi nito na may determinasyon sa itsura





"Okay mga repa,position tayo,number 1!",ani ron saka na sila pumwesto na magkakatabi,magkakaakbay






"Okay,katarungan para kay ka,ron!",sigaw ni baste,sumunod naman silang lahat saka na nagtawanan

Inlove Si Siga(MCH series#1)Where stories live. Discover now