Serye bente

1.3K 45 0
                                    

"Ron,ron anak gising na,tanghali na!".


Napapakamot nalang si sab sa ulo habang nakatitig sa binatang nakadapa pa habang himbing na himbing ang tulog,sarado ang kurtina nito at kahit na binuksan nya ay hindi parin nagigising ang lalaki,pinagmasdan pa nya ang bunsong anak na mukang anghel na natutulog,magulo parin ang medyo wavy brown hair at ang natural na makakapal na kilay nito at magandang hubog ng pulang labi,.wala ngang duda na mas kamuka nito si sky



Biglang bumukas ng malakas ang pintuan at tumambad si jessie na nakahalukipkip habang may hawak na isang tasang may lamang tubig



"Ma,ako na po ang gigising sakanya".pa-cute na sabi ni jessie,nakunot ang noo ni sab dahil alam nyang aawayin lang nito ang nakababatang kapatid




"Ako na,baka kung anong gawin mo eh",sabi nito pero sa halip ay pumasok na si jessie at hinihila palabas ang mama



"Ma,ako na po kasi,promise magiging gentle with love and care ang paggising ko sakanya".hyper na sabi ni jessie


Hindi parin nakukumbinse si sab pero wala na syang nagawa kundi ang lumabas,biglang sinara ni jessie ang pintuan ng kwarto ni ron,napangiti nalang sya ng maalala ang kapatid noon,ganyang-ganyan din sila dati ni justin



Samantala ng masara ni jessie ang pintuan at ng humarap sya kay ron ay pinagkiskis pa nya ang dalawang palad saka ngumisi ng mala-demonyo..



"Kapatid kooo~~gigisingin kita gamit ang aking tender loving care na pagmamahal sayooo~~"pagkanta nito saka kinuha ang cellphone at pinatugtog ang piano songs na pang-horror movies

Dung dung dung duuuuungg~~




Nagsimula ng tumalon-talon si jessie sa kama saka pinagbabato ng unan ang katawan ng kapatid na ngayon ay nakakunot na ang noo pero nakapikit parin



"Gising naaaaa rooooooonn!"..sigaw nito,ng ginawa na nya ang lahat pero tulog mantika parin ang kapatid ay hinila na nya ang paa nito


"Ron gising na,sasapakin kita kapag hindi ka pa gumising,nandyan sila drake binibisita ka kasama nila si sarah,"



Dahil narinig ang pangalang sarah at mga ka-tropa ay agad syang bumangon sa kama nya saka diretso banyo,ng makalabas ay nakangiti na ito ng ala-mcdonalds sa ate saka na ito lumabas ng walang sabi




"Muka talagang tanga yun!",nasabi nalang ni jessie sa sarili

*******************************************




Ng makababa si ron ay nag-apiran silang lima,si sarah naman ay hinalikan nya ng smack sa labi saka na sya umupo katabi ng girlfriend




"Aba ayos kayo ah!,ako ngang may-ari ng bahay hindi pa nakakapag-almusal samantalang kayo nangangalahati na yung pagkain,".natatawang sabi nya




"Ganun talaga..ang tagal mo talagang magising tulog mantika ka talaga"..sabi ni baste habang puno ang bibig ng pagkain




"Si gian nga pala ba't hindi nyo kasama?",tanong ni ron,nagkatinginan ang tatlo.si drake naman napainom sa juice



"Eh may lakad daw sya ngayon eh.nung puntahan namin sa bahay nya muka narin syang paalis,hindi nagsabi kung saan sya pupunta.may alam ka ba ron kung bakit parang may kakaiba kay gian?"sabi ni art




"Oo nga e,pansin ko rin dun parang may nililihim,minsan nakita ko papunta sa garden may dalang rosas,,"..




Napangiti si ron



"Alam nyo,si gian kasi inlove na kaya ganun,minsan intindihin nyo nalang,alam nyo naman na ang tagal na mula ng huli syang nagka-girlfriend".ani ron




"Ha?ibig sabihin may nililigawan sya?sino?",sabay pang sigaw na bulalas ng tatlo.si baste naman ay pasimple paring kumukuha ng pancake




"Si kikay,,crush nya kaya yun!"sabi ni sarah



Sabay-sabay na nagulat ang tatlo kaya tawa ng tawa si ron




"Mga gago kayo.,ang sarap nyong picturan,"



"Eh bakit ka nga pala tinanghali ng gising?".biglang tanong ni art



Napatingin si ron sa katabi saka ito hinalikan sa pisngi.."sinurprise ko si sarah,noong nakaraan kung napansin nyong nagpuyat ako is because hinanda ko yung birthday gifts ko sakanya,"



"Ay ang sweet!"..sabi ni drake




"Ang sarap mo talagang maging boypren papa ron"ani art



"I love you na talaga!"..sabi ni baste




"Sorry kayo dahil taken na sya at hindi ko sya ibibigay kahit kanino".sabi ni sarah




Pero biglang sumeryoso ang mga muka nila baste




"Ron,si Axel aalis na ulit ng university natin pero may in-announce sya kahapon bago raw sya aalis,meron syang ni-request"




"Ano yun?masyado naman ata kayong seryoso".nakangiting sabi ni ron,napahigpit ang kapit ni sarah sa dibdib nya kaya napatingin sya sa babae




"Gusto ka raw nyang maka-sparing ulit,and this time dapat maraming estudyanteng manonood,".sabi ni sarah

Inlove Si Siga(MCH series#1)Where stories live. Discover now