Serye kinse

1.6K 48 1
                                    

Wala si ron dahil sa nabugbog ito ng nakaraan kaya hindi muna pinapasok ni sab,nanghihina pa ito at maraming pasa sa katawan at may konting galos ito sa muka,noong una ay nagpupumilit itong pumasok dahil daw kaylangan nyang makita si sarah pero hindi talaga sya pinayagan ng mama nya

"Ron papano sasaya si sarah kapag nakita ka nyang pumasok na mahina pa,baka pagalitan ka lang nun!".sabi pa nito sakanya kaya ngayon ay pahinga muna ito ng isang araw

Nagkakatinginan ang mga estudyante lalo na sa lalaking transferee na naglalakad sa corridor,may itsura ito at muka rin itong anak mayaman,pumasok ito sa classroom nila drake

"Okay class,sya ang isa pang transferee dito sa Medrano university,sya si Axel Buenafe,isa syang top sa class nila,".pagpapakilala ni francis dahil saktong pumasok ito sa math time

Walang kangiti-ngiti ito habang nakatingin sa mga kaklase.."hello,i'm axel,nice to meet you"

Nagsimula na ang bulungan sa paligid

"Naku!another badboy nanaman ang pumasok"

"Alam mo na,pugad dito ng mga badboys"

"Pero may itsura naman eh"

"Sus!mas hamak namang mas gwapo at astig si Ron dyan!".malakas na bigkas ni kikay,sumang-ayon ang karamihan sakanila

"Okay Axel go to your seat,kahit saan mo gusto"..ani ni francis,nagsimula na itong maglakad at huminto sa upuang bakante at akma ng uupo ng may kamay na sumulpot doon,nakita nya ang nakangising muka ni gian

"Pre.sorry pero may nakaupo dyan.absent lang ngayon pero bukas nandito na yun,ayaw pa naman ng hari na inaagaw ang trono nya"

"Halika,may bakante pa dito sa tabi ko,dito ka na umupo!",napatingin si axel at nakita nya ang nakangiting muka ni sarah habang tinuturo ang katabi nitong bakante,kaya doon nalang umupo si axel sabay tingin kay sarah,sinuklian lang sya ng ngiti ng babae

"Okay class,sa page na yan may 1 to 50 na tanong dyan about sa polymetrics,kaylangan nyong sagutan yan sa manila paper at ipasa nyo sa class president",sabi ni francis habang may sinusulat pa sa blackboard

"Pero sir,paano po si ron?kung may quiz tayo ngayon wala sya!",tanong ni art,

"Wag kayong mag-alala,excuse na sya,kaya wala na kayong dapat alalahanin",tugon ng lalaking guro

Ng matapos ang quiz at chineck na ni francis ang resulta ay namangha sya dahil perfect ang score ni axel,pumapangalawa si sarah tapos si art,kikay,baste,at as usual si drake ang kulelat na nakakuha ng 29

"Ano ba yan,hindi na ginawang 30 para umabot sa kalahati!",nakabusangot na sabi ni drake,tawa lang ng tawa sila gian sakanya

"Aral-aral kasi sa susunod boy,para maging proud si tita lorraine sayo!".pang-aasar ni baste

"Congrats axel,ikaw ang nanguna!".ani ni sarah habang nakangiti sa lalaki,tipid lang din itong ngumiti sakanya,lihim namang napa-busangot si kikay

"Tss,kung nandito lang si ron mas mataas pa yun dyan sa baguhang yan".bulong nito

************************************************

Kinahapunan ay naisipan ni kikay na bisitahin si ron sa bahay nito,pinagbuksan sya ng mga katulong at pinatuloy sa sala,naabutan sya doon ni sab

"Kaklase po ako ni ron,ako po si kisha key,inshort kikay po,!".magalang na sabi nito kay sab kaya natawa ang babae

"Ahh!,dinadalaw mo ba ang anak ko?",tumango si kikay at maya-maya lang ay nakarinig sila ng yabag na pababa sa hagdan,napangiti si kikay ng makita roon ang nakapadyamang si ron at long sleeves na t-shirt na medyo maluwag,umupo ito sa kaharap ni kikay

"Kamusta na ang pakiramdam mo ron?,may scars ka pa sa pisngi saka pasa sa labi,",puna ni kikay,halos mapangiti sya ng gumanti ng ngiti ang lalaki sakanya,dati kasi ay suplado talaga ito kahit kanino,since matagal na silang magkaklaseng dalawa pero hindi sila close dahil nga sa maraming takot sa binata dahil nga sa hari ito ng mga siga

"Eto maayos na ang pakiramdam ko,baka bukas makapasok na ko,konting pahinga lang to,ikaw bakit ka nga pala napadalaw dito?".tanong ng lalaki habang pinagmamasdan syang kumain

"Wala lang,gusto lang kitang makamusta,nakakamiss pala kapag isang araw kang nawawala sa klase,walang pasaway saka siga,sila drake nga miss ka na eh,hindi ko pa alam kung dadalaw sila sayo".ani kikay

Ron grins".magkakatext kami kanina,O,A nga eh alalang-alala,sabi ko bukas papasok na ulit ako,"

"May bago na nga pala tayong kaklase, si a

"Axel Buenafe!,i already know him,".turan ni ron na nawala na ang ngiti

"Wow,naniniwala na talaga akong may pakpak ang balita,who's your source?",manghang tanong ng babae,ngumiti lang si ron sabay taas ng cellphone nya.

"Saka kilala ko na yun dati pa,isa sya sa mga nakalaban ko noon ng sparing,medyo tahimik yung taong yun pero mas mapanganib sya,noong naglaban kami medyo malakas sya sa sapakan,".

Napakunot ang noo ni kikay.."si sarah ba hindi mo itatanong,?diba nililigawan mo sya?".

Ngumisi ulit si ron saka muling itinaas ang cellphone,may tumatawag na rito."sabi ko nga kanina,cellphone lang sagap na sa balita,"sabi nya saka sinagot ang tawag.sinenyasan nya si kikay na tumahimik sandali para makausap ang nasa kabilang linya.napatitig lang si kikay sakanya habang nangingiti,,lingid sa kaalaman ni ron na matagal narin syang gusto ni kikay kahit noong 1st year palamang sila

"Oh gago problema mo?" Ani ron sa kabilang linya,tumatawa na ito,mas lalo lang tuloy naiinlove sakanya ang kaharap,napatingin sakanya si ron kaya binaling nya sa ibang direkson ang muka,ngumisi lang ang lalaki sa inasal nya

"Oh,si kikay nandito sa bahay dinadalaw ako,ano?sira concern lang yung tao wag nyo ngang bigyan ng meaning,upakan ko kayo eh,ipapasok ko talaga sa screen ng phone nyo yung kamao ko mga tado kayo!"

"Haha,talaga,wag na kayong dumalaw papasok naman na ko bukas,tama ng si kikay nalang ang dadalaw ngayon,hindi ako preso,haha gago dagdag kalat lang kayo dito sa bahay ko eh,saka sayang pa ipapa-meryenda ko sa inyo alam ko namang pagkain lang pakay nyo dito mga hayup kayo!wahaha si drake kulelat nanaman sa quiz,ano pa bang bago dun?sa sapakan lang naman yan magaling eh"..

Mas lalo lang napatitig si kikay sa lalaki,hindi nito namalayan na natapon na sa palda nya ang juice na iniinom kaya napatayo sya

"Ayy!ang lamig!"..aniya,napatingin si ron sakanya,inipit nito sa balikat at tenga ang cellphone saka kumuha ng panyo para ipunas sa palda ng uniform ni kikay

"Aish!nasan ba kasi yung atensyon mo,ayan mamamantya yan sa palda mo!"saway sakanya ni ron habang sige lang ito sa pagpupunas sa palda nya,hindi nya alam na todo kilig na ang babae sa ginagawa nya

"Ikaw kasi eh!",nabulalas ni kikay,napatingala si ron sabay tingin sa muka nya ng may pagtataka,natauhan naman ang babae sa sinabi nya

"Ibig kong sabihin ikaw,,oo ikaw yung nagpupunas sa palda ko,salamat ron",muka namang nakumbinsi ang binata kaya tinuloy nito ang ginagawa,lihim namang sinabunutan ni kikay ang sariling buhok,hindi nya napipigilan ang sarili kapag kinikilig ng todo

"Oh nandito pa ko,may ginawa lang sandali"sabi ni ron sa kabilang linya ng matapos sa pagpupunas sa palda ng babae,

Nakita ni kikay na napangisi si ron,hindi nya alam kung anong sinasabi nila drake sa kabilang linya pero nase-sense ni kikay na inaasar ito ngayon,

Maya-maya lang ng matapos ang kwentuhan ang nagpaalam na si kikay na uuwi dahil gabi na,hinatid na sya ni ron sa labas,

"I'm sorry kikay,hindi kita maipagmamaneho pauwi sainyo dahil masakit pa ng konti ang katawan ko!"ani ron ng nasa labas na sila ng gate,.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang babae.."okay lang ron,sapat na saking hinatid moko dito,saka nagkausap tayo ng matagal.,sa room kasi hindi tayo nagkaroon ng chance na makapagkwentuhan,masaya ko ngayon"

Dumating na ang driver ni kikay,kumaway na ito kay ron sa bintana saka na umalis ang kotse,sandaling nakatayo pa roon ang lalaki at pumasok narin ito ng hindi na matanaw ang kotse ng kaklase

--------------------------------------------------

Ano mas bagay.#KiRon o #SaRon


Inlove Si Siga(MCH series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon