Serye onse

1.6K 54 0
                                    

Pumasok na sa school si ron,ng makitang maaga pa ay lumiko sya papunta sa school tech,puro 4rth year ang naroon at pinagtitinginan sya.



"May gagawin lang ako sandali!".sabi ni ron sa isa sa mga estudyante doon,



"Baka kung anong isipin nila kapag nakita ka nila dito!".sabi ng isang lalaki na naka-away nya matagal na



"Tss,i don't give a damn about what they think.hindi naman sila ang pinunta ko dito",mataray na utas ni ron saka na nagbukas ng isa pang tab



Makalipas ang ilang minuto na pagkokopya ni ron sa net ay umalis na ito na nagmamadali,sinilip ng isa roon ang tinignan ni ron at halos muntikan syang mapahalakhak ng makita ang history sa tab na binuksan ng lalaki



HOW WILL YOU KNOW THAT YOU'LL ALREADY FALL INLOVE INTO SOMEONE..

"Tss,,inlove na si siga!".






***************************************************

"Saan ka galing?kanina pa kami naghihintay nila drake eh!".salubong agad sakanya ni gian,nakaupo ang mga ito sa tambayan nila sa gymnasium ng school



Umupo sya saka nilapag ang bag,humiga agad ito saka tinignan ang kalangitan


"Dyan lang sa tabi-tabi,".tipid nyang sagot




"Teka may sasabihin ako guys.may naghahamon ng away satin,taga Villena university,mamayang gabi daw sa eskinita,"excited na sabi ni art





"Ano sa palagay mo ron,mukang maganda diba,palay na ang lumalapit sa tubig!",.sabi ni baste




"Haha,funny baste,funny!".sarkastikong sabi ni gian,



"Hindi ako mapalagay,pero bahala na!",sabi nya habang sa langit parin nakatingin





Pagkaupo ni ron sa pwesto nya ay nakita nya si sarah na kausap si kikay at nagtatawanan ang mga ito,nakapa nya ang keychain kaya tumayo sya saka ito lumapit kay sarah,napatingin sakanya ang dalawa




"Hi ron!".pagpapacute ni kikay pero na kay sarah ang atensyon ng lalaki





"Para sayo",nahihiyang sabi ni ron,sandaling tinignan iyon ni sarah saka nya tinanggap,napangiti ng lihim si ron ng ilagay ito ng babae sa bag nya at sinabit iyon




"Salamat ron,pero paalala lang,hindi ko gusto ang mga badboy na gaya mo kaya kung ano man ang ibig sabihin nito ay itigil mo na".makahulugang sabi ni sarah




Halos manghina ang tuhod nya sa sinabi ng babae,hindi naman sya nanliligaw pero pakiramdam nya'y basted na sya,napahawak sya sa puso nya ng mabilis itong tumitibok,bakit masakit,?ang sakit sakit!.






First time,,first time ito na mas masakit pa sa natatamo nya kaysa sa pakikipag-sapakan nya,
Mas masakit pala talaga ang mental at emotional na pakiramdam kaysa sa physical

Ang tanong..mahal na ba nya si sarah?!

Inlove Si Siga(MCH series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon