Serye syete

1.9K 78 0
                                    

Oras ng klase pero wala sila Ron sa classroom kaya panay sulyap si sarah sa upuan ng lalaki na ngayon ay bakante


"Uy sarah,nagiging giraffe ka nanaman,sino bang hinahanap mo?!"..tanong sakanya ni kikay



"Si ron kasi,bakit kaya hindi pumasok yun?!",,ani sarah na nakatingin parin sa sa upuan ng lalaki



Napangiti si kikay saka siniko-siko si sarah



"Uy!si sarah may gusto kay ron,uy aminin mo na kasi!"ani kikay



"Ano ka ba!wala noh!hindi ko type ang mga badboy na gaya nya,hindi lang kasi ako sanay na wala sya".




"Weh?,hindi mo pala type si ron,bakit naman ang gwapo nga nya eh saka matalino naman,hindi nga lang pala-participate sa recitations"..sabi ni kikay na nakatingin narin sa upuan na bakante



"Basta.ayoko sa badboy kikay,naiinis ako sa mga mayayabang!".nasabi nalang ni sarah na nawala na ang ngiti




*********************************************

Tinanghali ng pumasok si ron kasama sila drake pero wala silang pakialam,napagplanuhan nilang dumiretso sa canteen pagkapasok palang,marami paring estudyante sa corridor



"Tabi!".poker face na sabi ni ron sa mga estudyane,natakot naman ang mga ito at nagsitabihan sa sulok,nasa gitna sya at nasa tabi nya sila drake,gian,art at baste



Ng nakaupo na ay si drake na ang nagprisintang bumili ng pagkain nila



"Ron alam mo na ba?!"



"Ang alin?".bored nyang tanong



"Na festival na bukas kaya exciting dahil magbubukas ang sandamakmak na booths,foodcourts,palaro at marami ring chikas na magaganda at sexy..wutwuw!".sabi ni baste na may pag-sipol pa at dinemonstrate ang korte ng katawan ng babae




"Kahit kaylan talaga si baste babaero manyakis pa!".ani art



"Bakit art.alangan namang ikaw ang manyakin ko.hindi ka naman chicks eh!bakit gusto mo ba--




"Baliw,hindi pa ko nasisiraan ng bait,saka kadiri ka pati ako mamanyakin mo,siguro may lihim kang pagtingin sakin aminin mo na kasi!"..nang-aasar na sabi ni art habang yakap ang sariling katawan



"Sabagay maganda ka naman kapag naging babae,halika nga dito baby,wraarrw!".sabi ni baste kaya tawa ng tawa si gian




"Baste kumuha ka nga ng tubig at hindi puro kabaklaan yang inaatupag mo,!"..sabi ni ron na nakataas pa ang isang paa sa table nila,tumayo na si baste pero bago sya umalis ay sinulyapan nya muna si art




"Mamaya ka sakin baby.papagurin kita!",mapanuksong sabi ni baste sabay alis,tawa naman ng tawa ang dalawa




Dahil busy sa kakatawa ang dalawa ay may ibang nililipad na isip at si ron iyon,bigla na kasi syang naguguluhan sa tinatakbo ng puso nya.para kasing bigla itong bibilis at ang mas ikinataka nya,kapag nasa paligid pa si sarah




Lumipas ang maghapon na hindi na nakapasok sila ron at tanging away ang hanap nya ngayon,naisip nyang baka 'pag napaaway sya ay mawawala ang weird sa loob nya,tamang-tama at may nakipaghamunan sakanila ng away na taga-kabilang university,anim ang member nito




"Akin yung dalawa,tig-isa na kayo dyan,kaylangan ko lang ng warm up"sabi ni ron habang nakangisi




"Ayos ka din pare,warm up sa hapon,dapat sa umaga".sabi ng leader sa kabilang university




"Syempre,para ganahan ako sa pagtulog mamayang gabi,malay mo ikaw pa ang una kong mapanaginipan,oh diba ikaw ang nasa dream ng siga!",sabi ni ron,medyo nainis ang lalaki sakanya kaya agad ng sumugod ang mga ito



Nagsimula na ang away at pinagpapasalamat nila na walang gwardyang nagdadaan para awatin sila



Nakaya naman nila gian ang kalaban nila,pero si ron ay mukang wala sa kondisyon kaya nabugbog sya pero hindi naman gaanong napuruhan,inalalayan sya nila drake,umalis na ang anim na estudyante,hindi gaanong nabugbog ni ron ang dalawa sa halip ay sya ang nabugbog ng mga ito



Duguan ang labi ni ron habang gulo-gulo ang buhok at may mga damo pa sa likuran ng uniform nito,may pasa narin ito sa gilid ng labi at malaking scar sa kaliwang pisngi.




"Mukang hindi ka ayos ron!",sabi ni gian




Palubog na ang araw ng mga sandaling iyon,napahiga si ron sa maiikling mga damo sabay tingin sa kalangitan na may naglilitawan ng bituin





"Lintik na babaing yun,ano bang ginawa nya sakin".naibulong nalang nya sa sarili

Inlove Si Siga(MCH series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora