Ron and Sarah officially♥

1.6K 67 3
                                    

Nakapasok na si ron kinaumagahan,may bandage pa ito sa kanang pisngi at halata ang pasa nito sa gilid ng labi pero balik na ito sa dating kilos






Marami ang nag-alala sakanya at namiss sya sa isang araw na hindi nya pagpasok,namiss daw nito ang ilang kalokohan ng mga barkada.







Pagbungad nya sa classroom ay binati sya agad nila gian,sinalubong sya ng mga ito sabay yakap at akbay,si kikay ay naki-saya narin,







"Buti naman at nakapasok na ang hari ng siga,,namiss ka namin"sabi ni drake







"Oo nga,ngayon kaylangan mong bumawi sa mga kalokohan na wala ka".sabi rin ni gian






Tatawa-tawa lang si ron,nilapitan sya ni kikay saka sya nito hinawakan sa kamay.taka namang napatingin si ron sa babae habang sila baste naman ay may pilyong mga ngisi






"Halika ron,dahil maayos ka na ay may ipapakita ako sayo!".masayang sabi ni kikay





"Saan naman?!eh lahat naman ng pasilyo dito sa school nalibot ko na".natatawang sabi ni ron





"Basta.kahapon lang to ginawa ng mga 2nd year students para sa gaganaping school fairs,halika na habang wala pang teacher!".hila sakanya ni kikay kaya wala na syang nagawa kundi ang magpahila






Ng makaalis ay nagtatawanan sila baste,hindi naiwasang hindi magtanong at magtaka ni sarah







"Bakit naging close na ata sila ni kikay?!".






"Kasi nga dumalaw sya kahapon sa bahay nila ron,nagkwentuhan sila,nagsaya,sabi nga ni ron nung kausap namin sya kagabi sa phone eh nag-enjoy sya sa pakikipagkwentuhan nya kay kikay,",sinadya talaga nyang ipamuka kay sarah na mali itong laging pinapaasa at sinasaktan ang isang Ron Monteclaro





Napatingin nalang si sarah sa pintong nilabasan ng lalaki at ng kaibigan kanina,lihim syang nainis

#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#








"Oh anong masasabi mo?ang ganda diba?"..masayang sabi ni kikay habang pinagmamasdan nila ang malawak na taniman ng mga bulaklak sa garden,malawak ito at tinamnan ng iba't-ibang klase ng bulaklak,,sumaya ang lalaki sa kagandahan ng paligid






"Oo nga,,nakakagaan ng mood tapos ang babango pa nilang lahat"anito habang pinagmamasdan ang mga bulaklak,tumingin si ron saglit sa katabi,ng makitang hindi ito nakatingin sakanya ay pasimple syang pumitas ng isang pirasong tulips na kulay dilaw,kinalabit nya si kikay at ng tumingin ang babae sakanya ay inabot nya dito ang tulips






"R-ron!,bakit ka pumitas,?baka makita ka ng mga 2nd year,magalit pa yung mga yun!saka bakit mo to binibigay sakin?"..sabi ni kikay na hindi pinapahalata ang kilig na nararamdaman







Ngumisi ito saka nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng slacks,,."wala lang,.gusto lang kitang bigyan,pasalamat ko yan dahil sa pagdalaw mo sakin kahapon,hindi na ko gaanong na-homesick dahil sayo,saka salamat narin kasi pinakita mo sakin tong mga bulaklak,nawala tuloy saglit ang sakit ko sa katawan!".






Ng naglakad-lakad si ron para tignan ang ibang bulaklak ay hindi na napigilan ni kikay na mangisay sa kilig,inamoy nya ang tulips at napangiti ulit,.





"Sana,.sana ako nalang ang nililigawan nya para sa ganun hindi na sya nasasaktan sa ginagawang pande-dedma ni sarah sakanya.bakit kasi hindi nalang ako,bakit si sarah pa na kaibigan ko ang kaagaw ko sayo,?!bakit pinapaasa ni sarah ang gaya mo na nagmamahal lang naman ng totoo?"..naibulong nalang ni kikay sa sarili





Sa sobrang inis ni sarah ay tinigil na nya ang pagmamasid sa dalawa,umalis na sya sa garden na inis na inis sa nakikita at naririnig kanina,naglalakad sya sa corridor habang panay padyak sa paa na animo'y batang nagdadabog






"Paasa!.nanliligaw sakin pero si kikay ang binigyan ng bulaklak,si kikay ang nginingitian,puro nalang kikay,ako yung nililigawan ah!bakit hindi ako yung ngitian nya ng ganun,bakit hindi ako yung bigyan nya ng tulips?,hmp nakakainis na"..maktol nito na nakanguso pa





LUMIPAS ang uwian,bago umuwi ay nag-usap sila drake at ron,nauna ng umuwi ang lalaki dahil may sapakan pa raw na pupuntahan ang apat.nagpupumilit na sumama ni ron pero ayaw syang payagan ng mga ito dahil daw masakit pa ng konti ang katawan nito isa pa'y napaaway na ito nung nakaraan kaya hindi pa humuhupa ang sakit nito sa katawan,sobra talaga ang concern ng mga ito sakanya kaya hindi narin sya nagpumilit..hinatid pa nga sya nila gian sa gate,.







Habang naglalakad papunta sa terminal ng jeep ay nagulat sya ng may humawak ng mahigpit sa kamay nya,paglingon nito ay si sarah iyon na nakasimangot,






"Sarah?!,gusto mo bang ihatid na kita sainyo?".tanong ni ron,dahan-dahang tumango si sarah,ginulo ni ron ang buhok ng babae saka na sila nagsimulang maglakad,hawak narin ng lalaki ang mga libro ni sarah at hindi naman kumontra ang babae






"May gusto ka ba kay kikay?itutuloy mo pa ba yung paliligaw mo sakin?!",,nagulat ang lalaki sa tanong ng katabi,naglalakad na sila pauwi




"Bakit mo naitanong?".aniya



"Wala,out of curiousity!".






Ron smirk.."bakit halata na bang may gusto ako kay kikay?",





Napahinto sa paglalakad si sarah saka sinampal si ron,gulat na gulat ang lalaki lalo na ng makitang umiiyak na ang babae





"Gago ka eh noh!.sabi mo ako lang ang gusto mo,sabi mo ako lang yung mamahalin mo,sabi mo nga ako ang dahilan kung bakit ka nagbago,hindi ka na nakikipag-away at masaya ako dahil doon,unti-unti ko ng narerealize na mas mahal na kita higit pa sa iniisip nila,akala mo balewala ka lang sakin?hindi!.kapag pinahihirapan kita at umiiyak ka na akala mo ba hindi masakit yun para sakin,.iniiwasan na nga kita pero hindi ko kaya,.badboy ka na nga pa-fall ka pa,!",,malakas na bulyaw ng babae sa muka ni ron sabay suntok nito ng paulit-ulit sa dibdib ng lalaki






"Paano kita sasagutin kung ganyan ka!.oo aaminin kong selos na selos ako lalo na nung nalaman kong nagpunta ng nakaraan si kikay sa bahay nyo para mapasaya ka,ako dapat yun eh,ako dapat ang mag-aalaga sayo kaso puro ka na kikay..naging close lang kayo balewala na ko sayo."







"Nakakainis ka!naiinis ako sayo naiinis ak--





Hindi na naituloy ni sarah ang sasabihin dahil kinabig na sya ni ron saka siniil ng halik sa labi nito,yumakap na si sarah sa katawan ng binata at pumikit ang mga mata habang panay tulo ng mga luha






Ng matapos ay nagdikit ang mga noo nilang dalawa,nakangiti na si ron sabay salikop ng kamay sa magkabilang pisngi ng babae






"Mahal kita sarah..ikaw lang talaga maniwala ka,si kikay ay kaibigan ko lang,kaya wag mo ng pagselosan ang kaibigan mo dahil kapag sinabi kong ikaw lang,,ikaw lang talaga".





Tumango-tango si sarah saka hinawakan ang kamay ng lalaking nasa pisngi parin niya





"Ako rin ron,mahal na mahal kita,!"




"Is that a yes?tayo na ba baby?".tanong nya.tumango ng paulit-ulit si sarah kaya napabungisngis si ron na parang wala ng bukas saka ulit siniil ng malalim na halik ang babae

***********************************************

Inlove Si Siga(MCH series#1)Where stories live. Discover now