Chapter 54 - Picnic Panic!

3.6K 48 2
                                    

 Ethan’s POV

Andito ako sa park, inaayos yung blanket na ilalatag. Niyaya ko kasi si Krysh na mag-date. Sabi niya, mag picnic nalang daw kami. Kaya eto, andami kong dalang pagkain. Hindi kasi ako sanay mag-picnic. Kaya ayun. HAHAHAHAHA. Marami rin namang tao sa park na to pero peaceful talaga.

 “ Ethan, andami naman nitong pagkain. Hindi natin mauubos yan. ” sabi ni Krysh.

 “ Ganun ba? Hindi kasi ako sanay mag-picnic. ” sabi ko.

 “ Hindi sanay o first time mo? Hmmp. Palibhasa kasi, palaging nasa high class restaurant ka kumakain. ” sabi niya.

Wala akong masabi kaya napakamot nalang ako sa ulo. Nagtawanan kaming dalawa. 

Oh. Ayos na yan. Dali, upo na tayo. Sorry kung dito ko gusto ha. Mas peaceful kasi dito. Makaka-relax at makakapagisip ako ng mabuti. ” sabi niya.

 “ Anu naman ang pag-iisipan mo? ” tanong ko.

 “ Yung tungkol sa atin. ” sagot niya.

 " Bakit? May problema ba? ” tanong ko.

 “ Wala naman. Masaya lang ako na kasama nanaman kita, Ethan. ” sagot niya.

Ako din. ” sabi ko.

Silence.

  

Bigla akong tumayo.

Kayong lahat! Tignan niyo ako! ” sigaw ko sa mga tao. Nagtinginan naman sila kung saan ako.

 “ Huy! Umupo ka! Nakakahiya ka! Sinisira mo ang pananahimik nila! Ethan!” sabi sa akin ni Krysh at hinahatak yung kamay ko pababa.

 “ Kilala niyo ba ako?! Ako lang naman ang nagi-isang si Ethan Duane Torralba! ” sigaw ko ulit. Halatang gulat yung mga tao at tumango. See? I’m famous.

 “ Umupo ka na kasi. Nakakahiya ka. ” sabi ulit ni Krysh.

 “ Nakikita niyo ba itong babae na nasa tabi ko ngayon? ” gulat ang mukha ni Krysh. Kinuha ko yung kamay niya at pinatayo. Ayaw niya pang tumayo pero pinilit ko kaya tumayo narin. 

Siya si Kryshll Xyz Ruiz!” simula ko. “ Kayong lahat! I just wanted you to know na mahal na mahal ko ang babaeng ito! I will never let her go, again. My heart belongs to her and was meant to beat only for her. Loving her was my choice and I will never regret that because she’s the one who taught me the real meaning of love. Falling in love with her is the most wonderful feeling I’ve ever felt. She’s my strength every time I’m weak because her love is the best medicine I’ve ever had. ” pagtutuloy ko. 

Nagpalakpakan yung mga tao. Hinarap ko si Krysh.

My runaway baby, narinig mo lahat yun? Kahit ilang beses kong ipagsigawan yun, hinding hindi ako mahihiya. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. At please, wag mo na ulit akong pagtataguan. Hindi ko kaya. ” sabi ko sa kanya.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin