Chapter 8 - Humiliation

5.7K 108 9
                                    

 Ethan’s POV

Haaay. Humiga na ako sa kama ko. Kagagaling lang naming barkada sa may likuran ng school. Itutuloy ko ang balak dun sa babaeng nakabangga sa akin. Pero teka, nabangga lang naman niya ako diba? Big deal ba kasi yun? Tsaka, hindi rin naman niya sinasadya na mabangga ako eh. Pero bakit ang sama ko at itinuloy ko parin? Pinuntahan namin siya sa may likuran ng school. Yung malapit sa swimming pool. Andun siya, naglalakad habang may katext. Pinagmamasdan ko siya. Ayos lang ang pangangatawan niya. Hindi siya maitim o sobrang puti. Hindi rin siya maarte sa pananamit at halatang baduy. At isa pa, may malaki siyang salamin at halatang nerd! Kaya ayun, nung pagtalikod niya, cue na yun na haharangin na namin siya. Una siyang hinarang ni Paolo. Pero pinadaan niya at ako naman ang nangharang sa kanya. Nakita ko ang mukha niya. Napaka-inosente. Pero, kinausap ko parin siya. 

 

Ah, ganun po ba? Pwede po bang next time nalang kasi nagmamadali ako. May trabaho pa po ako mamaya eh. ” Pagmamaka-awa niya sa akin. 

Hahahaha! Tatakasan mo naman ba ulit ako? Miss, may kasalanan ka sa akin pero hindi ka man lang lumingon noon at nagsorry ng deretso. Patatawarin na sana kita kaso tumakbo ka papalayo. ” Sagot ko nalang kasi hindi ako maka-focus. Napaka- angelic ng mukha niya kahit na baduy siyang manamit. 

Ikaw po yung nabangga ko? Naku, sorry po talaga. Male-late na po kasi ako nun eh. ”  Late?  8:00 pa ang time ah. Alalang-alala ko na 7:45 palang nun dahil kati-tingin ko lang sa relo ko.

at 7:45? Late na? Ang akala ko ba, 8:00 ang time? Miss, wag ka nang magpalusot. ” Pang-huli ko sa kanya.

 “ Sorry pero kasi, may usapan kaming magkakaibigan. Kaya ayun po. Sorry po talaga ha. Pwede na po bang umalis? Busy po kasi ako eh. “ Ang galing niya ring magpalusot. Pero hayaan mo na siya, halatang kinakabahan na eh.

Ano sa tingin mo, makakalimutan ko yung ginawa mo? Magbabayad ka. ”  Anong magbabayad, Ethan? Nababaliw ka na ba? Pero wala na akong magagawa. Eto na lumabas sa bibig ko eh.

Bayad? Mayaman ka naman diba? Bakit kailangan ko pang magbayad? Pwede po bang tanggapin niyo nalang yung sorry ko? Sorry na po talaga. ” Oo nga naman. Pera diba ang unang naiisip kapag bayad? Isip ng iba, dali!   

Bobita ka pala eh. Alangan namang pagbayarin kita ng pera eh, kaya pa nga kitang bilhin. Lahat ng bagay dito sa universe, kaya kong bilhin! ” Yun nalang ang nasabi ko. Ang yabang ko talaga, shet.

 “ Eh, ano ba kasi ang gusto mong mangyari? ” Mangyari? Hmmm. Nakatutok ang mata ko sa salamin niya. Harang eh. Di ko makita ng mabuti ang mga mata niya. Gusto kong makita yun ng walang harang. Di ko na-control ang kamay ko.  

 “ Eto oh. ” Tinanggal ko ang salamin niya. Shit! Holy Eyes! Mesmerizing, kung titignan mo ng walang salamin. Nakakalunod talaga at ngayon ko lang narealize, maganda siya. Maganda talaga. Hahalikan ko na sana siya kaso tinulak niya ako.  

  “ What the hell are you doing? ” I hissed pero nagulat parin ako sa ginawa ko. Shit! Hindi ko napigilan ang sarili ko! Nagulat nalang ako ng pinagtaasan niya ako ng boses. 

Ano sa tingin mo sa akin? Laruan mo? Hoy, alam kong kaya mong gawin ang lahat. Pero isa lang ang maipapangako ko sa iyo. Hinding hindi eepekto sa akin yang ginagawa mo. " Panlalandi? Hindi mo ba na-rerealized ang itsura mo kapag nag-ayos ka? Umalis na siya pero nakita kong lumingon ulit. 

 “ At isa pa, kung sa tingin mong kaya mong bilhin lahat, nagkakamali ka! Sige nga, kung kaya mo talaga, bilhin mo ang araw, buwan, bituin at planeta. Isama mo na rin ang hangin. At kapag nangyari yun, tsaka palang ako maniniwala na kaya mo nga talaga! " Sinigawan niya ako at halata sa akin na napahiya ako. Para mabawi ang ginawa niya, sumigaw ako at nagbanta. 

Hindi pa tayo tapos! ” At tumakbo na siya papalayo.

First time! First time na pahiyain ako ng babae! Shit! Hinding hindi ako magpapatalo. Lalaban ako at gaganti ako. Humanda ka sa akin, Kryshll Xyz Ruiz. Pero sa ngayon, mananahimik muna ako.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon