Chapter 40 - Broken Heart

4.3K 47 14
                                    

Christian’s POV

Flashback….

Bakit gusto tayong makita ni Ethan? ” tanong ni Paolo. 

Malay ko. ” sagot ko. 

May sasabihin daw, importante. ” sabi naman ni Josef.

 “ Asan na siya? Oh! Ayun na pala siya eh! Ethan! ” sabi ni Paolo.

 “I have something to tell you.” sabi ni Ethan.

Ano? ” tanong ni Josef. 

I’m going to ask her to be my girl. ” sabi niya.

 “ Krysh? ” bigla kong sabi.

Yes. Sino pa ba? ” sabi niya sabay ngiti.

Nice one, bro. So ano plano mo? ” tanong ni Paolo. 

This. ” sabi niya tapos ayun, kinuwento niya yung details ng gagawin namin.

 “ Oh, basta, Josef ikaw na magsusundo sa kanya ha! Don’t be late! ” sabi ni Ethan. 

No Problem! ” sagot ni Josef. 

Sino sa flowers? ” tanong ni Ethan. 

Si Paolo nalang. ” sabi ko.

Ako nalang sa bear. Mas malakas ako jan. Oha! ” sabay pakita ng muscles.

Pilit ko lang tinatago ang sakit na nararamdaman ko. Ethan, bakit ka ganito? Magkaibigan tayo diba? Talo mo na ako sa lahat. Pati ba naman sa babaeng minamahal? Grabe, ang sakit sakit na.

 

Sige, ako nalang sa flowers. ” sabi ni Paolo. 

Good! Thanks! ” sabi ni Ethan.

No problem! ” sabi naming tatlo. Tapos, naghiwa-hiwalay na kami. 

Yun pala ang rason kung bakit niya kami pinatawag. Akala ko, sobrang importante na.

Is it so important for you, huh? You’re going to ask Krysh to be your girlfriend. Kryshll Xyz Ruiz, the girl I LOVE. What the Hell. Shit, Shit, Shit! Bakit? Ethan, bakit ikaw pa? Mahal na mahal ko si Kryshll. Please, wag mong gawin sa akin ito. Hindi ko kakayanin na nakikita siyang masaya sa iba. Lalo na’t sa kaibigan ko pa. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. I love her so much. Please don’t do this. You know I can make her happier. 

  

End of Flashback

Ngayon, silang dalawa na. Girlfriend na ni Ethan ang babaeng pinakamamahal ko. At asan ako ngayon? Nagmumukmok. Saan? Sa isa sa aming mga Bistro. Grabe, ang sakit. Ang sakit lalo na at kaibigan mo ang mahal ng babaeng minamahal mo. Pero bakit ba kasi ako pumayag sa plano ni Ethan? Sobra ko lang sinasaktan ang sarili ko.

  

Siguro, dahil gusto kong makita kung masaya nga ba talaga siya kay Ethan. At kapag hindi, kukunin ko siya sa kanya. Pero nung nakita ko siya, ang tamis ng ngiti sa mga labi niya at ang mga mata niya, halatang masayang masaya siya. Ginusto ko rin na ako ang huling magbigay ng regalo ni Ethan sa kanya. Yung stuff toy. Bakit? Umaasa kasi ako na sana magbabago ang isip niya at hindi niya sagutin si Ethan kapag nakita niya ang lungkot sa mga mata ko.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Where stories live. Discover now