Chapter 47 - The Regret

4.2K 68 8
                                    

Ethan’s POV

Ang sakit ng ulo ko! Naparami nga talaga ang nainom ko. Paggising ko, sa couch pala sa private room namin sa school ako nakatulog. Sino naman kaya ang nagdala sa akin dito? Bigla kong naalala… Shit! May pasok pa nga pala ngayon! Buti nalang may damit pa ako dito sa school. Makaligo na nga lang.

 

Pagpasok ko, tahimik sa room namin. Hindi nga rin maingay ang tatlo kong kaibigan eh. Galit nga ba talaga si Paolo? Eh si Josef? Kakampi ko siya pero parang ang tahimik niya? Lunch time na pero hindi sila umaalis sa kinauupuan nila. Silang tatlo lang ang naiwan.

 

Bakit andito pa kayo? Lunch na. ” 

Busog kami. ” sabi ni Josef. Hindi umiimik yung dalawa.

Tapatin niyo nga ako. Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Guys, get over it. Hindi pa ba kayo sanay? Diba palagi ko naman itong ginagawa? Kapag may gusto akong pagtripan, ginagawa ko. Bakit ganyan kayo?” sabi ko.

Pero iba si Krysh. ” sabi ni Chris.

Iba? Hindi siya naiiba sa mga babaeng nakilala ko. Wala siyang kwenta at- ” Napatayo si Chris.

Ulitin mo ang sinabi mo! ” sabi niya.

Bingi ka ba? Sabi ko, wala siyang kwentang babae at- ” pero kinuwelyuhan niya ako.

Chris, tama na. ” sabi ni Josef.

Bakit Ethan? Anung ginawa niya sa iyo? Ha? Bakit mo siya sinaktan? Alam kong alam mong mahal ko siya pero pinagbigyan kita kasi nakita kong masaya siya sa piling mo. Pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na siyang saktan! ” sabi ni Chris.

Nagulat si Paolo at Josef nang sabihin niyang mahal niya si Krysh.

Hindi ko kasalanan. Naging mahina ka. At nagkataon na siya ang gusto kong saktan. Bakit? May ginawa ka ba para makita niyang mahal mo siya? ”tanong ko.

Hindi iyon ang punto ko! Bakit ha? Pride? Dahil sa pride? Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo, mas pinakita mo pang mahina ka? Hindi ka lumaban ng patas. Hindi ka lumaban bilang isang lalaki. Isa kang talunan. Babae, papatulan mo? ” sabi ni Chris. Tumagos iyong sinabi niya.

Akala ko nagbago ka na. Mali pala ako. ” sabi ulit ni Chris.

Tama na, Chris. Walang magandang maidudulot ito. ” sabi ni Josef.

Oo. Sa tingin ko nga rin. ” sabi niya at binitiwan ako at umalis na.

Ethan, hindi ko gagawin ang ginawa ni Chris pero sana, naisip mo na hindi lang si Krysh ang nasaktan mo. Marami kang naidamay. Pagisipan mo lahat iyon. Aalis narin muna ako. ” sabi ni Paolo at umalis na rin. Tinignan ko si Josef.

Ano? Aalis ka rin? ” tanong ko sa kanya.

Hindi. May gusto sana akong sabihin. ” sabi nya at umupo kaming pareho.

Ano? ” tanong ko.

Kahapon kasi, kinausap ako ni Krysh. Nagmamakaawa na tulungan ko siyang bumalik ka sa kanya. Sinabi ko na hindi ko kaya pero pare, nakonsyensiya na ako. Ayoko na rin. Masyado siyang malinis at mabuting tao. Hindi niya deserve na masktan ng ganun ganun nalang. Kasabwat man ako, ngayon ko lang naisip na mali ang ginawa ko. Sana, maisip mo rin na mali ka. ” sabi ni Josef.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Where stories live. Discover now