Chapter 2 - School Time!

8.1K 126 16
                                    

" Saan ba yon? Nakakaloka naman sa school na to! ” Nang paglingon ko ay may tatlong babae sa likod ko.

Hi there! Nawawala ka ba? Gusto mo samahan ka namin papunta dun sa bulletin board kung nasaan yung mga sections? ” Sabi nung babaeng short-haired at cute.

Ah, Oo. Bago lang ako dito sa school na to eh. Ok lang ba sa inyo? ” Sagot ko.

Oo naman! Tara, sama ka sa amin. ” Sabi naman nung babaeng singkit.

Naglakad kami hanggang sa umabot kami dun sa matagal ko ng hinahanap. Ang bulletin board ng mga section.

 Haaay, salamat! Nakita rin kita. ” Kinausap ko yung bulletin board. Hinanap ko yung pangalan ko at alas! Nasa Section C ako.

 “ Uhm, Freshman din ba kayo? ” tanong ko.

 “ Yep! ” Sabay- sabay nilang sabi.

 “ Ikaw ba? ” Sabi naman nung babaeng cute at maliit. Eto ata yung pinakamasayahin sa grupo nila eh.

 “ Oo. Sa section C ako. Kayo? ” Mahina kong sabi.

 “ Totoo? Magkaka-klase tayong apat! Halika, sama ka na sa amin! Ako nga pala si Juriel May Torres. Call me Jam. ” Sabi nung pinakamasayahin sa kanila.

Ako naman si Ishaleen Kate De Leon ” sabi nung may magandang mata.

Call me Shay. ” Pahabol niya.

Ako naman si Mikaela Denise Brioso. Call me Mika. Ikaw? Ano ang pangalan mo? ” Sabi nung babaeng matangkad.

Ah, ako nga pala si Kryshll Xyz Ruiz. Pwede narin ang Krysh na itawag niyo sa akin. ” Sabay ngiti ko sa kanila.

Matagal na ba kayong magkaka-kilala? ” tanong ko.

Hindi. Una lang lumapit sa akin si Juriel kanina at nagpakilala. Napakafriendly niya kasi. Sumunod lang naming nakita sa Shay kanina na katulad mo, nawawala rin. ” Sabay tawa ni Mika.

Ah. Salamat ha. Akala ko, ang wa-war freak ng mga tao dito eh. May mga natitira pa palang matino dito. ” Sabay tawa ko.

Tara na, baka ma-late pa tayo. ” yaya ni Shay.

Sige.” Sabay-sabay naming sagot.

Naglakad- lakad kami hanggang sa makaabot kami sa classroom. Habang naglalakad kanina,  nakita ko ang iba’t ibang klase ng nilalalang. May mga emo, rebel, athletes, maamong mukha, at ang grupo ng maldita- mga sossy na echoserang palaka. Haha. Umpisa palang ng klase, may nakita na akong nagsasampalan. Ganito ba talaga dito? Nakaka- loka! Umupo na kami sa isang sulok kung saan tabi-tabi kami. Tahimik na sana kaso binulabog nanaman ni Jam ang katahimikan.

Naloka ka ano? Dun sa mga nagsasampalan? ” Hala? Pano niya nabasa ang isip ko?

Masanay kana. School ko ito noong high school. Sanay na ako sa mga nagsasampalang iyan. Hahaha. ” Mind reader ata itong babaeng ito. Kaloka!

Ah, eh, Oo. Maganda ba dito sa school na to? Pwede mo ba kaming ili-” Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi dumating na ang teacher namin.

Good Morning, Section C! ”  bati nung teacher.

Good Morning, teacher.” Lahat kami bumati.

Please take your seat. Alright students, since kayo ang mga maswerteng scholars na napili para magaral sa school na ito, wag niyo kaming pahihiyain. Lalo na ako dahil ako ang magiging adviser niyo. Wag kayong mag-alala, mabait ako. Haha. Wag na wag lang tayong papatalo sa section A na sobrang kalaban palagi ng section C. Understood? ” Sabi nung adviser namin.  

By the way, I’m Issabel Marie Benitez and I’ll be your lovely adviser till the end. ”  Sabay ngiti niya.

Yes! Pero teacher,  bakit tayo nakikicompete sa Section A? ” sabi ni Jam.

Kasi, andun lahat ng mayayaman. Ang mga taong walang ginawa kundi pahiyain tayong mga mahihirap. So para fair ang laban, without using money, we’ll use our brains. Don’t let that section underestimate us. Remember that my dear students."

Yes maam! We will! ” 

Alright, then let’s proceed with the introduce- yourself portion." 

After 45 minutes ng introduce-yourself portion, sa wakas! Break na!

Jam, hindi ko  pala naituloy yung sasabihin ko sana sayo kanina. Pwede mo ba kaming ilibot dito sa school? Please? ” Pagmamaka-awa ko. Pero isa lang naman ang gusto kong makita. Ang Swimming pool. Mahilig kasi akong lumangoy.

Sure, no problem! ” Sagot niya.

Yes! ” Sabi naman naming tatlo.

Naglibot libot kami at napasyalan ang buong campus within 30 minutes. Haay, ang laki. Still, di pa namin nakita ang pool dahil andun pa yun sa likurang banda ng school. Panira kasi yung bell eh. Bumalik na kami sa classroom at umupo.

Gustong- gusto mo atang makita yung pool. Swimmer ka ba? ” sabi ni Mika.

Ah, hindi. Hilig ko lang talaga. Puntahan ko nalang yun kapag uwian na. ” sagot ko.

Sige, nandiyan na si teacher. Maya nalang ulit at baka magalit. ” Pahabol ko. 

Riiiiiiiiiiiiing! Lunch break na! Yes! Pupunta kami sa isang umbrella tree kung saan payapa. Di katulad sa canteen, magulo. Nang papalabas na kami sa classroom, may mga nagtitiliang kababaihan. Akala mo’y may dumating na Hollywood star.

Ang ingay! Ano ba yun? ” reklamo ni Shay.

Baka dumating nanaman ang apat na yun. Tsss. ” Sabi ni Jam na naiirita. 

Apat na? ” Sabay- sabay naming sabi. 

Taga section A, Stock holders ng school ang parents, heartthrobs, casanovas, and richest guys sa buong school. “Four- Whore” ang tawag ko sa kanila. ” Sabi ni Jam.

Four what? Diba, pambabae lang yun? ” sabi ko.

Oo, pero daig pa nila ang babae kung magpalit ng syota. Akala mo, nauubusan ng babae sa mundo. Hindi naman nagtatagal ang relasyon nila. Mga unggoy yan. Halina nga kayo. Kain na tayo. ” Sabay lakad paalis ni Jam. Sinundan nalang naming siya at dumeretso na sa umbrella tree.

 “ I smell something fishy. ” Nakakalokong sabi ni Mika.

 Dumating na kami sa umbrella tree at kumain. After lunch break, bumalik na kami sa classroom.

Riiiiiing! Yes! Uwian na! natapos din ang buong araw na discussion ng rules and regulations and code of conduct. Tumayo na ako at tumingin sa relo ko. May isang oras pa ako para maghanda sa part – time job ko. Bibisita muna ako sa Swimming pool. Mga 10 minutes ko ring lalakarin yun.

 

Uwian na! Sabay-sabay na tayong umuwi. ” Sabi ni Shay.

 “ Pass muna ako. ” Sabi ko kaagad.

May pupuntahan pa ako eh. ” Dagdag ko.

 “ Ok. But be careful friend ha. Maraming asungot sa paligid. ” Banta ni Jam.

 “ Haha. Sige, salamat. Bye! ” Kinuha ko na ang backpack ko at umalis.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon