Chapter 3 - Poolside Talk

6.7K 114 13
                                    

Christian’s POV

Anong ginagawa niya dito sa likod  ng school? Beyond class hours na ah. Masundan nga.” Sabi ko sa sarili ko.

 Eto ang una kong pagtri-tripan ngayong school year. Naglalakad siya ng tahimik at paikot- ikot. Parang baliw lang pero halatang masaya siya. Unang beses niya siguro dito at namamasyal. Nakangiti siya kahit na walang nagpapatawa. Napansin ko ang mata niya, kumikislap at maganda. Fair skinned siya. Nakakalunod ang bawat tingin at ngiti niya. Hindi siya mataba o payatot. Tama lang din ang height niya at kung titignan mong mabuti sweet siyang tignan. Kaso nga lang, baduy siya manamit at mukhang nerd dahil may salamin siya. Pero para sa akin, maganda siya.Ano ba itong nangyayari sa akin? Erase erase! Sinusundan ko siya ng patago at hindi man lang niya ako napapansin. Ewan ko ba kung bakit ko siya sinusundan pero bahala na. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan siya.

Andito na ako! Yes! Yiiiiiiie, ang ganda ng pool nila! Ansarap sigurong lumanggoy dito. ” Bigla niyang sigaw. Ano ba ito? Baliw? 

 Lumapit ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking paa na lumakad patungo sa kanya na ngayon ay nakalublob ang paa sa may pool.

Hi. Bago ka siguro dito? ” Bigla kong nasabi at halatang gulat na gulat siya. 

Ah, eh, Oo. Naistorbo ba kita? Naku, Sorry ha. Kung naistorbo kita, aalis nalang ako. Sorry talaga. ” Patayo na siya ng pool pero pinigilan ko siya. Di ko alam kung bakit pero nag-blush ata ako. Damn! 

Naku, hindi! Feel free. Ayos lang ako. Mukhang ansaya mo jan ah. Swimmer ka ba? ” Sabi ko 

Ay, hindi! Mahilig lang akong lumanggoy. Bata palang kasi ako, tinuruan na akong lumanggoy eh. ” Sagot niya sa akin.

Ganun ba? Haha. Ako nga pala si Christian Shayne Tolentino. Call me Chris nalang. ” Sabay alok ko ng kamay ko sa kanya. Maswerte tong babaeng ito dahil bihira lang na ako ang nagpapakilala na una. Kadalasan ang mga asunggot na babae ang naghahabol sa akin eh.

I’m Kryshll Xyz Ruiz. You can call me Krysh. ” Tinanggap niya ang kamay ko at nang hawakan ko ang kamay niya, nakuryente ako kaya nabitiwan ko kaagad.

Anong nangyari sayo? ” Sabi niya sa akin at hiyang- hiya ako. Unang beses ko itong mag-blush sa babae na hindi naman halatang maporma eh.

Sorry. So, how’s the first day of school? Tough? ” Panimula ko ng topic para makasama ko siya ng medyo matagal.

 “ Not much. I've met new friends and as far as I can remember, wala pa namang nangyayaring masama sa akin. Depende nalang kung papatayin mo ako ngayon. Haha. Joke lang. ” Baliw talaga itong babaeng ito. Nagulat pa ako sa last statement niya. Buti nalang at binawi niya rin yun.

Haha. Sa gwapo kong ito? Mamamatay tao lang ang kahihinatnan ko? ” Ano ba naman yung nabitawan kong salita. Baka isipin niyang mahangin akong tao. Kinakabahan ako sa sasabihin niya pero nagulat nalang ako ng tumawa siya ng malakas.

  Hahahahaha. Abnormal ka rin eh noh? Pwede lang namang gamitin ang looks para makapanloko eh. Looks can be deceiving, remember? Siya nga pala, ano section mo? ” Patay! Baka iwasan niya ako kapag nalaman niyang taga class A ako. Pero ayokong magsinungaling kaya sinabi ko na ang totoo.

Sa Class A ako. Eh ikaw? ” Tanong ko pabalik.

 “ Rich kid ka pala.  Sa Class C ako. ”Ah, class C lang pala. Pero, ha? Ano daw?  Class C? Ang kalaban naming section? Nako naman! Nadale na. Nakita ko siyang tumingin sa relo niya at feel kong iiwasan na niya ako. 

Hala, 15 minutes nalang. Kailangan ko ng umalis at mag-ayos. ” sabi ko na nga ba at iiwasan na ako neto eh. Pero mag-ayos? May date ba siya? Biglang lumungkot ang puso ko.

Bakit? May pupuntahan ka ba? ” Sabi ko sa malamig na tinig.

Oo eh. Kailangan ko ng umalis. Sorry ha, next time nalang ulit Chris! Salamat sa pakikipag-usap sa akin. Bye! ” Di ko na siya napigilan kasi patakbo na siyang lumabas.

Narinig  kong may tumatawag sa cellphone ko. Si Papa. Ano kaya ang kailangan niya? Masagot nga.

Hey Dad. What’s up? ” Sabi ko na parang barkada lang kami. 

Nothing. Let’s hang out. ” Sabi ng dad ko. 

Sure dad. I’ll be right there in 20 minutes. ” 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora