Chapter 38 - Hello Sophomore!

4.5K 57 11
                                    

Kryshll’s POV

Next week na ang huling klase! Di ako makapaniwala! Second Year na tayo pagkatapos!” sabi ni Mika.

Oo nga! ” Sabi ni Jam.

Tapos, bakasyon na! ” sabi ko. 

Hoy, kamusta yung date niyo nung Saturday? ” tanong ni Jam.

 “ Masaya. Sobra.” 

Ano, in-love ka na ba? ” tanong ni Shay. 

Oo. ” bigla kong sabi. Nanlaki ang mata nilang tatlo. Gulat na gulat sa revelation na sinabi ko. 

Ha? ” sabay sabay sila. 

Aaminin ko. Oo, mahal ko na siya. Ewan ko kung bakit pero hawak na niya ang puso ko simula nung araw na iyon. ” sabi ko. 

Sure ka ba jan, sis? ” tanong ni Mika. 

Oo. Siguro. Sana. ” sabi ko. 

Kung ano man ang problema, andito kami ha! ” sabi nila. 

Thank you guys. Alam kong susuportahan niyo ako eh.” Sabi ko.

 “ Oo naman! Mahal ka namin eh! ” sabi ulit nila.

 “ Hi girls. ” Biglang dating ni Chris. Naka-ngiti pero parang malungkot ang mata.

 “ Hi Chris! Musta na? Long time no see ah! Matatapos na yung school year pero di namin inaasahan na magiging medyo close kami sa grupo niyo. ” sabi ni Shay. Parang may kakaiba kay Shay. Hay. Bahala na nga. 

 “ Oo nga eh. Ayos na rin na ka-close namin kayo. Ako, masaya doon. Si Josef at Ethan, masaya rin. Lalo naman si Paolo, siyempre, masayang masaya.” Sabi niya. 

Hahaha. Oo nga. Well, anong balak mo ngayong vacation? ” tanong ni Shay. 

Wala pa nga ee. Pero siguro, dating gawi. Kaming apat, lalabas, maglalaro. Basta yung dating ginagawa namin since maliliit palang kami.

Ah. Okay. Kami nga, wala pang plano eh. ” 

 “ Talaga? Ayos yan. Pwede namin kayong isama minsan sa mga lakad namin.

 “ Pwede rin. Hindi pa kami sure eh. ” sabi ni Shay pero halatang masayang masaya siya.

 " Sige. Kakausapin ko sila. Alis na muna ako. Bye! ” tapos nagba-bye na kami. 

Grabe, hindi ko ine-expect na magiging close tayo sa mga yun. Pagkatapos ng lahat ng hatred, isa rin pala sa kanila ako babagsak at iibig! ” sabi ni Jam. 

Statement of the year! Kaya nga, binabawi na natin ang rule na hindi magkagusto sa isa sa kanila. ” sabi ko. 

Kailan pa nabawi? Wala akong naaalala. ” tanong ni Shay. 

Naputol iyon simula ng maging kayo ni Paolo, Jam. ” sabi ko. 

Oo nga. Ako pa pala ang unang kumain ng sinabi ko na hindi ako magkakagusto sa isa sa kanila. ”  sabi ni Jam. 

Oh, ano na ngang plano ngayong summer? ” tanong ko. 

Kahit ano! Basta papayagan ako kung kayo ang kasama ko. ” sabi ni Jam.

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora