Chapter 32 - Pogi Points

4.6K 59 7
                                    

 Christian’s POV

 

Hindi ako papayag na maunahan nanaman ako ni Ethan kay Kryshll. Dapat agahan ko. Ano kaya kung sunduin ko nalang siya sa kanila? Ay, hindi! Nakakahiya! Ano naman kayang palusot ko? Ay, alam ko na! Diba, may pilay siya? Kaya, sabihin ko nalang na sinundo ko siya kasi hindi niya kayang pumunta ng school magisa! Ang galing mo talaga Chris! Pogi points yun!

 

Nagdrive na ako papunta sa kanila.

Beeeeep Beeeep! Tapos, lumabas yung kuya ni Krysh.

 

Oh! Hi Chris! Napadalaw ka ata?

Opo. Susunduin ko sana si Krysh. May pilay siya diba? ” sagot ko.

 “Ayos! Savior kita! Sabi kasi ni mama, ako daw maghahatid. Eh male-late na ako sa trabaho. Tsaka, magaling naman na paa ni Krysh eh. Makulit lang si Mama. ” sabi niya.

Edi ayos! Ako nalang maghahatid sa kanya tutal naman, napadaan ako sa street niyo. May pinuntahan kasi akong bahay jan sa kabilang street eh. ” palusot ko.

Good! Thank you talaga Chris! Teka lang ha! Tawagin ko na siya. ” sabi ng kuya niya at pumunta na sa loob. Ayos to!

1 good deed = 20 points!

1 laugh = 10 points!

1 smile = 5 points!

 

Yes! May 20 points na kaagad ako! Tapos lumabas na siya ng bahay nila at sumakay na sa sasakyan ko.

 

 

Salamat ha. Bakit ka pala andito? ” tanong niya.

Ah, may dinaanan kasi akong kakilala jan sa kabilang kanto. Naalala ko na may pilay ka kaya naisipan ko na ihatid ka narin papuntang school. Tutal naman, andito na ako. ” palusot ko. Tapos ngumiti siya. Tama ba ang nakita ko? Ngumiti siya? Ibig sabihin, may 5 points na ulit ako? Ayos to! 25 points na kaagad!

Thank you ha! Nag-abala ka pa. Tsaka, hindi naman ako napilay. Sprain lang to. Ayos na rin etong paa ko. ” sabi niya.

 “ Ganun narin yun. Ayos lang naman ” sabi ko. Tapos, nag-drive na ako papuntang school. Takte naman! Ano bang magandang topic na pwedeng i-open? Bakit ngayon pa ako napipi! Nakarating kami sa school ng walang imikan.

Thank You ulit, Chris ha! ” sabi niya. Pababa na sana siya sa kotse kaso naalala ko na pilay siya. Or sprain, whatever. Pareho lang na hindi siya makalakad ng maayos.

Teka! ” sabi ko, tapos humarap siya.

Kasi, pilay ka diba? Hatid na kita sa classroom niyo. ” sabi ko.

 “ Sprain nga! Kulit! Pero sige. Hatid mo nalang ako. ” sabi niya. Tapos, umalis na ako sa driver’s seat binuksan ang pinto ng seat niya at inalalayan siya papunta sa classroom nila.

 “ Thank you ulit ha! ” sabi niya tapos ngiti ulit. Tapos umalis na ako. So, another good deed and smile! Meron na ulit akong 25 points! A total of 50 points! Yes!

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora