Chapter Twenty Seven

10 1 0
                                    

Original Copy

"Cale,bakit ka ba nandito?" Kumunot ang noo ko at pinagtaasan siya ng kilay.

Tumayo ako para iligpit ang plato ko at tinuro ko ang plato din nilang dalawa,sinenyasan ko na iligpit ito.

Napabuntong hininga si Cale at kinuha din ang plato at sinundan ako.

"How the--- what happened? Akala ko ba---last week lang----Ano ba ito?" Bulong niyang nanggigigil.

"We uhmm talked." Binaling ko ang ulo ko sakanya at tumango ng mabilisan pero ang aking tingin ay sa hinuhugasan kong plato at kutsara.

"And then?" Tumaas ang kilay niya.

Binanlawan ko ang mga ito at pumunta sa gilid para punasan ang basa pa na mga kubyertos.

"And then we forgave each other." Simple at tipid kong sagot sa antisipasyon niya.

Binitawan niya ang kubyertos na pilit niyang hinuhugasan at natulala kitang kita ko sa kanyang mata ang sakit at pagka gulat.

"Pagkatapos ng lahat ng nangyari papatawarin mo ulit siya ng ganon ganon nalang? Can i remind you,maybe you're forgetting kung ano ang sinira niya? Hindi lang ikaw kundi------why am i saying this anyway?! You don't even care,right? Huh?" Namuo ang luha ko sa mata sa huling sinabi niya.

how could he say that? Minahal ko siya,pinilit kong higitan pa sa pagmamahal ko kay Ethan noon pero minahal ko siya,i treasure whatever we had back then.

"Cale,of course i care for you.Bakit mo naman nasabi yan,Cale?" Hinawakan ko ang braso niya ngunit agad niya itong tinignan at tinanggal.

"Because it feels like that for years and up until now." Pumiyok ang kanyang boses sa dulo at nangilid ang luha sa kanyang matang sobrang amo at inosente.

"No,Cale..." i don't know what to say.Sobrang laki ng kasalanan ko sakanya at hindi ko alam kung anong ginawa ko at bakit ako binigyan ng diyos ng tulad ni Cale.

At kahit anong mangyari babagsak sa nangyari noon ang dahilan nito.

Tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan at yun na ang naging sign ng tuluyan naring pagsabog ng emosyon ko.

Agad niyang pinunasan ang luha niya sabay punas ng luha ko gamit ng kanyang malalambing na kamay.

"Shh...Don't cry,if this is what you really want then i'll support your decision,after all hindi ko sinira ang pagkatao ko para lang sa wala..."

No.No.No.Niyakap ko siya at umiling.

"Cale,'wag mo 'kong iwan please,I'm sorry,I'm sorry kung ginamit at sinaktan lang kita,I'm sorry..." hindi ko na kayang mawalan pa ng minamahal.

Hindi ko na kayang iwan pa muli.

This wound is still fresh and it's being opened again.

Sising sisi ako sa ginawa ko sakanya noon at maging ako ay hindi nagustuhan ang ginawa ko sakanya.

"This is not about that okay? Mahal kita,mahal na mahal kaya okay lang,'wag mong sisihin ang sarili mo." Umiling ako at patuloy na tumangis sa kanyang dibdib.

Then sinong sisisihin ko,Cale? Ako lang naman ang may kasalanan ng lahat.Ako itong may kasalanan sa iyo ng malaki!

"Cale,please,magalit ka! Pagsalitaan mo 'ko ng masama please! Cale! Bakit ka ganyan?! Diba dapat hindi mo na ako mahal? Hindi ba dapat galit na galit ka sa akin? Cale parang awa mo na,please?...Please,Cale..." unti unting nanghina ang tuhod ko at bumagsak ang katawan ko ngunit ang mga bisig ko ay nakayakap parin sa paa ni Cale.

Narinig ko ang mabibigat napaghinga ni Cale at inangat ako.

"Gusto mo ako magalit ha?..." pumilig ang ulo niya at napapikit.

Here it goes.

"Hindi ba mas mahal mo siya? Kung ganon bakit ka ganito maka asta sa atin? Tandaan mo,Krista tapos na tayo! Pumunta ka na sakanya tutak ganoon lang naman siya ka bilis patawarin diba?! Ganoon lang din naman kabilis kalimutan na dahil sakanya binilog mo ang pagkatao ko,unti-unti mo kong ginawang siya...Oh ayan,he's right in front of you...The original copy." Nagkuyom ang panga niya ang mga kamao samantalang ako ay tulala sa kanya at walang humpay na umiyak.

"Love him the way how you should have loved me...For who i am..."

Umalis siya sa harapan ko at napapikit ako.Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagsara ng pinto at muli akong napaupo sa sahig.Damang dama ko ang paglambot ng aking mga binti at ang emosyong lumalabas sa akin.

Halong guilt,sakit at pangungulila ang nadama ko.

Nawalan na ako ng lakas at pansin kaya hindi ko namalayan na binuhat na ako ni Ethan.Ni lakas para manlaban ay hindi ko na nagawa.Patuloy lang akong umiyak sa kanyang bisig.

I lost a friend,i just lost one of the most important person in my life.Sabi niya wala akong pakealam sa kanya,siya itong nasa tabi ko sa kahit anong mangyari,pati nung mga panahong nangulila ako at nangailangan ng Tatay...Andoon siya noon,pinapatahan ako,inaalagaan ako,minamahal ako,at waka akong nagawa para suklian ang pagmamahal na iyon.

Ni madama na ang pakiramdam niya pala ay wala akong pake sa kanya ay hindi ko nagawa.Wala akong kwentang kaibigan,pakiramdam ko ay wala na rin akong kwentang tao.

"Did i just lost him?" Halos hindi na marinig ang boses ko sa sobrang panghihina ko ng nilapag niya ako sa kama.

Hinalikan niya ako sa ilong at umiling.

"You didn't...Shhh." yinakap niya ako at pinadama sa akin ang init na kailangan ko.

Halos mawalan na ako ng hininga sa kaka hinagpis ko.

At sa sobrang pagod ay nakatulog na ako.

Inisip ko kung totoo ba iyon at sa pagdama ko ng hapdi sa mata at pagod ay nakamang totoo nga.

Wala na si Ethan sa tabi ko noong gumising ako at nakita ko siya sa may maliit na sofa sa malayong gilid ko.

Tumayo ako at nilagyan siya ng kumot at pinagmasdan ang mukha niyang mala anghel.

Ang kanyang matangos na ilong ay perpekto sa kahit anong angguko at walang kapintasan,ang kanyang labi ang una kong maalala sa tuwing sasabihin si cupid,and kanya naman mga pilit mata ay titingalain pag nakita ng buong mundo at ang kanyang buhok ay guluhin mo man o ano ay maganda parin...

Ni hindi man lang ako nagkaroon ng oras para malaman na sa nagdaang panahon na hindi kami nagkasama mas naging gwapo pala siya.Ang kanyang katawan ay parang ginawa at inukit na mismo ng panginoon,ang kanyang balikat palang malalaglag na ang mata at panga mo isabay mo pa ang perpektong pag gawa ng hugis ng mukha niya.

Tumayo ako para iwanan siya doon na mahimbing na natutulog.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makapag hingi ng sorry kay Cale,o 'di kaya ay makabawi man lang sakanya at ipadama na kahit minsan ay hindi ako naging hindi thankful na nandyan siya sa tabi ko.

Sasabihin ko sakanya na kung dati ay lagi siyang nasa tabi ko,ngayon ay pag ako naman ang kailangan niya,andyan lang ako.

Anytime is the right time to ask for forgiveness but not anytime is the right time to forgive.

And i hope he can forgive me this time...Kahit na galit siya dahil ganoon ko kang kabilis na napatawad si Ethan.

Kahit na galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sakanya.

Sana hindi nalang ako yung minahal niya,sana hindi nalang ako yung pinagsayangan niya ng pagmamahal.Iba nalang dapat,kasi hindi ko alam ang problema ko at bakit hindi ko siya makuhang mahalin ng mas higit pa,maraming babae sa mundo at alam kong hindi ako ang babaeng kayang bigyan siya ng pagmamahal na binibigay niya.

kasalanan ko kung bakit siya naging halimaw sa mata ng iba,kaya ngayon ako rin ang hahanap ng paraan para ibahin ang pananaw sa kanya ng iba.

Para makapag maha siya muli,yung wala ng galit sa puso,yung wala ng sisirain pang pagmamahal ng babae...

Ang gusto ko ay ang mahalin siya ng babae ng mas higit pa sa binigay ko sakanya,at sana madama niya ang tunay na pagmamahal na finally matatawag niyang sakanya.

Waiting For YouWhere stories live. Discover now