▼ 05 ▼

300 9 14
                                    

Chapter 05

"I'm home!" sigaw ni Hoshi, napalingon naman ang mga kamiyembro nito at napatakbo ng makitang may dala syang pagkain. "Ang kakapal talaga ng mukha ninyo." Saad nya ng walang pasabing hinablot nina seungkwan ang dala nyang paper bag.

"Oh Hoshi, dumating ka na pala." tiningnan nya si Scoups,  although his expression was lighter ibang tono parin ang gamit nya sa pagsalubong sa kamyembro. Hoshi replied with a small smile, he can still feel the tension from the leader.

Umupo na sila sa dining at inihain na nila Dino at Vernon ang mga pagkain. Of course, maknae duties. Sila Seungkwan naman naglalagay ng mga kutsara at tinidor. Lahat sila ay naka-upo na maliban sa maknae line.

Agad nagsalita si Jeonghan ng may mapansin syang mali, "Nasaan si Woozi?" tanong nito. Napalingon si Hoshi ng nabanggit ang pangalan niya.

"Puntahan mo nga sa studio nya, baka nandun nanaman nagpapaka-sasa sa composing nya." Utos ni Scoups kay Dino. Agad na umakyat si Dino pero makalipas ang ilang minuto ang bumaba rin.

"Hyung wala eh." Sabi ni Dino, kumunot naman ang noo ng leader at sumugod sa kwarto nina Hoshi, pero wala din ito dito. "Sino sainyo may alam kung nasaan si Woozi!?" Malakas na  sigaw nya sa buong dorm. Napa-kibit balikat naman ang mga kamyembro. No one was knowledgeable of where woozi is. Pero sa kanilang lahat, Jun was so calm sitting in the dining area.

Nilapitan sya ni Hoshi, "Jun, nakita mo ba si Woozi?" tanong nito. Ibinaba ni Jun ang hawak na phone at tiningnan sa mata ang kamyembro.

"Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tuta? Ikaw yung roommate di ba? Ba't sakin mo tinatanong?" Everybody was shocked by Jun's answer. He never acted this way, well not to his members.

"Aba gago ka pala eh! Tinatanong kita ng maayos ah!" Sigaw ni Hoshi saka sinunggaban ng suntok si Jun, inawat naman agad sya nila Joshua at Vernon. Si Jun naman napahiga sa sahig at tinulongang tumayo nina Dino at Mingyu pero agad ding nilayo ni Scoups si Dino at sinenyasan na 'stay out of this' kaya napatahimik nalang ito sa gilid.

"Ba't ka nananapak dyan? At ba't parang na-ba-butthurt ka? Dahil ba na posibleng may alam ako kung nasaan si Woozi o dahil naturingan ka lang na roommate nya?" Jun teased. Akmang susuntok pa sana ulit si Hoshi ng sumigaw muli si Scoups.

"MAGSI-TIGIL NGA KAYO!" Sigaw ni scoups, tumigil naman ang dalawa sa bangayan. "Nawawala si Woozi tapos mag-aaway kayo dyan!? Eh buti sana kung may patutungohan yang pagtatalak nyo? Mabuti pa hanapin nyo nalang si Woozi. Tawagan nyo lahat ng alam nyong pupuntahan nya." Sabi nito saka dumiretso sa studio ni Woozi para tingnan ang mga gamit nito.

He searched his whole studio, dinala lahat ni Woozi ang damit na nakalagay sa maliit na drawer sa tabi. He ruffled his hair in frustration. "Where could he be? Gabi na ah!" Sabi nito sa isip. Aalis na sana sya ng kwarto ng may isang bagay na umilaw sa may bandang piano.

It's his phone.

-

"Aish nasaan ba kasi 'yun!?" Reklamo ni Woozi habang hinahalungkat ang duffel bag nito. Kanina pa sya hanap ng hanap sa phone nya. "Naiwan ko kaya yun sa bahay? Aish ang bobo mo talaga kahit kelan." sabi nito sa sarili.

Nagpatuloy ito sa paglalakad at naghanap ng taxi. Gabi na ngayon, specifically it's 8 in the evening. Dumaan kasi sya sa mall kanina para bumili ng supplies. He thinks he's going to be away for days, and he also needs to think of an acceptable reason. Acceptable not only for their CEO but their strict leader.

Pagsakay nya, nagtaka sya ng hindi pa umandar ang taxi na sinasakyan nya at nakatingin lang ang driver sakanya. "Kuya, may problema po ba?" Tanong nya.

Skinships ▼ soonhoon [Under revision] Where stories live. Discover now