Meet Us

17K 328 21
                                    

Ashley

Nagising na ako ng 5:30 a.m. nagmadali na din ako kasi first day of school mala-late ako? No way!

After kong maligo bumaba na ako sa Dining Area para kumain.

Maya maya pa may nag beep na sa labas and it means andiyan na yung school service namin.

***

Nasa loob na ako ng school. Hinanap ko na yung bulletin board kung san nandun yung lists ng sections. Nung nasa hallway na ako nakita ko ang daming tao sa harap ng bulletin board.

"Ahem.. Ahem.. Excuse me. Baka matunaw yung lists. Padaanin niyo nga ako." Sabay taray sakanila. Tapos tumabi naman sila.

***

Nasa room na ako. Naghihintay ng teacher. So habang wala pa lumapit muna ako dun sa mga kaibigan ko.

"Uy girls. Hows your vacation?" Tanong ko sakanilang tatlo

"Okay lang naman" -Xyrelle

"Okay lang din naman yung sakin"-Shaina

"Sakin hindi" sagot ni Franchesca habang nakayuko. Kaya napatingin kami sakanya bigla naman siya ngumiti samin sabay "JOOOOOOKE. Super saya nga eh" kaya kami nagsi samaan ng tingin kay Chesca

"Gusto mo ng plastic bottle?" Tanong ko

"Ayaw" sabay iling ni Chesca

"Akala ko gusto mo eh" sabi ko

"Next time umayos ayos ka ha" sabi naman ni Shaina

"Uy guys sabi ng Mom at Dad ko, bakit hindi na lang daw tayo magsamasama sa iisang bahay? Para naman daw matuto tayo since 4th year high na din daw tayo" singit ni Xyrelle

"Itatanong ko pa si Mommy at Daddy Xy." Sagot ko

"Hmm smells good, well siguro papayag naman si Mommy at Daddy eh" sagot naman ni Shaina

"Ayy sige Gusto ko yan ipapaalam ko kay Mom at dad." Sagot ni Franchesca. Maya maya pa dumating na ang adviser namin para sa homeroom. Nilipat ko na din yung bag ko dun sa tabi ng tatlo. Eh sa gusto ko na dun umupo. Hahahaha

"Good Morn---

"Ma'am sorry we're late" sabi nung isang lalaki pero may tatlo pa siyang kasama na lalaki.

"It's okay but next time wag ng malate. Okay then, since mga bago kayo kailangan niyo pang magpakilala" sabi ni Ma'am sakanila

"Okay po Ma'am" sagot ng apat sabay pasok nila at umupo sila sa pinaka likod kung saan katapat namin sila

Nung nag-introduce na. Nauna na yung apat.

"Hi guys" sabay kindat. Oo aaminin ko ang pogi niya. "My name is Christian Gonzaga. You can call me Chris for short" sabay bow niya sumunod naman sakanya yung lalaking mukhang nerd pero ang pogi din

"My name is Matthew Alonso. Matt for short" sabay kindat, parang hindi siya nerd sa inaasta niya. Mukha lang ba siyang nerd? Then after ni Matt sumunod sakanya yung lalaking pogi na may headset sa leeg.

"Hi My name is Rafael Lim. Fael For short" ang last ay siiii.....

"My name is Jayvee Dela Cruz. Jay for short" sabay kindat

At dahil may bago magpapakilala din kami. Nauna na ako sa tatlong lokaret

"Hi my name is Ashley Mendoza. Ash for short but wait. Yung mga ka-close ko lang pala ang pwede tumawag sakin nun. So you need to call me Ashley" sabay taas ko ng kilay. Sumunod sakin si Xyrelle

"Hi My name is Xyrelle Fernandez. Xy for short pero katulad ng sinabi ni Ash. Mga kaclose ko lang din ang pwedeng tumawag sakin ng XY, kuha niyo?" And she rolled her eyes

"My name is Shaina Lopez. Shai for short. Pero gusto ko ang itatawag niyo sakin ay Shaina kasi hindi ko kayo close." Sabay taas niya ng kilay

"And last but not the least I'm Franchesca De Vera. Chesca for short. Pero dahil hindi ko kayo close. Franchesca ang itawag niyo sakin." Sabay bow naming apat. Habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin may tumawag sakin.

"Pst! Ash!" Paglingon ko si Christian pala. Aish di ko naman siya close, and ano ang karapatan niyang tawagin akong Ash? I'm not his friend or close friend duhh.

"Hoy Mr.... Ano nga ulet pangalan mo? Ahh ayun. Mr. Christian. You don't have any right to call me Ash because I'm not your close friend."

"Aba pare oh!" Singit ni Matthew

"Hoyy wag kang sumingit Mr. Nerd" sabi ko sakanya

"I'm not nerd. Walang grado yung salamin ko. Suot mo pa eh" sagot niya sakin

"Ash tara na nga. Baka di ako makapagtimpi at masuntok ko ng di Oras yang mukha ng dalawang yan." Sabi ni Xy

"Ash baka masira ang beauty natin dito. Upo na tayo dun" sabi naman ni Chesca

Umupo na din kami sa upuan namin...

Pagkaupo namin lumingon ako dun sa side nung apat. Napasama yung tingin ko dahil lumingon din si Christian -_- at nakakabwiset pa kumindat pa boset.

"Hayaan mo na yan Ash" sabi ni Chesca sakin

"Oo tama si Chesca" sabi ni Shai

"Hmm...girls lumingon na kayo dun sa harap" singit ni Xy

"Wala ng teacheeeeeer" sigaw ko sabay tayo

"Gagawin mo nanaman Ash?" Tanong ni Xy

"Hmmm... Watch and Learn" sagot ko kaya naglakad na ako at hinila ko silang tatlo para sumama sakin sa harap

"Hmm ahem! Kami lang naman yung queen bee dito kaya umayos ayos kayo ng asta ha." Panimula ko

"Kaya yung mga BAGO DIYAN, wag munang magpakilala masyado ha" pagpaparinig ni Shaina

"Yeah, baka makatikim kayo samin" sabi naman ni Xy

"At tsaka dun sa mga dati na dito. Wag masyadong ano ha. Kilala niyo naman kami." Sabi naman ni Chesca

"At dahil may mga bago magpapakilala kami." Sabi ko. "I'm Ashley Mendoza. Sikat na dance choreographer dito sa campus. At ako ang leader sakanilang tatlo. Awayin niyo sila. Papatayin ko kayo. Ayoko sa mga NERD, ayoko dun sa mga FEELING CLOSE at ayoko sa mga hindi sumasakay sa trip naming tatlo." Sambit ko "Hmmm last. Ayoko sa mga PLASTIK" dagdag ko

"Ako naman si Xyrelle Fernandez. Pumapangalawa kay Ash. Woop close kasi kami, kaya Ash ang tawag ko. NBSB ako. Puro crushies lang pero hindi ko type yung apat dun sa likod. HINDI KAYO MGA POGI!!!." Sigaw niya

"Teka may teacher na oh" sabi ni Matthew. Hindi kami naniwala dahil studyante lang ang pumasok.

"Lol ka Matthew" sigaw ni Xy

"Ahmm Hi Silang. Wala pa ang next teacher niyo. Kapag wala pa siya tapos break time niyo na. Labas na lang kayo ha. Thank you silang. Bye" sabi ng President sa campus.

"Byee" sabay sabay naming sabi at sinara na niya yung pinto

"Continue. I'm Shaina Lopez warfreak ako kaya magingat ingat kayo sa kinakalaban niyo"

"Last. I'm Franchesca De Vera subukan mo lang akong lapitan at hindi kita close matitikman mo kamao ko. Tsaka subukan niyong awayin si Ash yari kayo samin."

Meet us ✔

Thanks For Reading...

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now