Sino ka?

2.9K 88 1
                                    

Ashley's PoV

Naglalakad lang ako sa buong village hanggang sa nakarating ako sa park. Malayo sa bahay namin, basta parang hindi ko pa ito napupuntahan.

Umupo na lamang ako sa may swing. Nagmumuni muni, umiiyak etc.

"Bakit kung kailan namang aamin na ako tsaka pa siya nawala, eh dati naman lagi siyang nandiyan, kaso nga lang magkaaway pa kami nun. Christian naman eh, bakit ganyan ka? Hindi mo na nga ako hinintay na umamin sayo, hindi mo na ako kinausap this past few weeks, tapos hindi ka pa nagpaalam sakin na aalis ka? Unfair mo naman babe. " bigla na lang akong natawa nung nasabi ko yung Babe. "Naaalala mo pa ba yung mga araw na tinatawag mo akong babe? Pero bwiset na bwiset ako noon. Pero ngayon natutunan kitang mahalin Christian tapos kung kailan naman na aamin ako sayo dun ka pa nawala. Mag-iingat ka diyan." At tuluyan nanaman akong umiyak maya maya pa may nag-abot sakin ng panyo, tiningala ko siya. Inaasahan kong si Christian, pero hindi. Hindi ko siya kilala, ni-isang beses hindi ko pa siya nakikita.

"Oh eto" sambit niya

"Ah no thanks." Sambit ko

"Sige na, punasan mo na yang luha mo"

"Hindi okay lang"

"Oh ako na nga magpupunas" sabi niya, bigla ko namang naalala si Christian. Kaya umiyak nanaman ako. "Parang gripo na yang mata mo, tuloy tuloy na yang luha mo" dagdag pa niya

"Ah ano kasi eh.. Ah eh.... May naalala lang"

"Boyfriend mo?"

"Hindi" sabay yuko ko

"Eh ano?

"Ah eh.. Umm kaibigan ko lang, umalis kasi siya namiss ko lang"

"Ahh" sabay tango tango niya

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Ah nagpapahangin lang"

"Kanina ka pa nandun?" Sabay nguso ko sa may gilid

"Oo naririnig nga kita eh, sorry ha"

"Hindi okay lang."

"So di mo siya kaibigan?"

"Kaibigan ko na dapat aamin ako sa kanya ng nararamdaman ko. Kaso umalis siya eh, ang sakit lang kasi umalis siya ng hindi man lang ako kinibo this past few weeks. Tapos di pa siya nagpaalam sakin na aalis siya"

"Eh baka naman emergency lang"

"Yun nga sabi sakin ng mga kaibigan ko"

"Oh yun naman pala eh. Tsaka sure ako na babalik din yan"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala"

"Ahh... Eh sino ka nga pala?"

"I'm Antonio Gonzales, how about you?"

"Ashley Mendoza"

"Nice to meet you"

"Nice to meet you din."

"Pwedeng mag-share ng problem?"

"Oh yeah sure"

"BH kasi ako ngayon. Pinagpalit niya ako dun sa kaibigan niya."

"Hay nako ganyan talaga yang mga yan, kunyare nahihirapan pero ang totoo mayroon at mayroon talaga silang pipiliin na mas better sayo."

"Oo nga eh." Sabay buntong hininga niya

"People nowadays hindi na marunong makuntento sa isa, minsan nga Loyal na at nasa kanya na ang lahat pinagpapalit pa."

The Four Bad Girls And BoysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang