Girls v.s.Boys (Part 1)

6.2K 176 7
                                    

Ashley

*Tuesday*

Hayss as usual gumising nanaman ako ng umaga. Pangalawang araw namin sa klase ngayon. Malamang sa alamang may lecture na 😭 huhuhu iyakk. Sana di boring..

Humarap ako sa salamin.

"Ba't ang ganda ko? Hmm ah kasi---"  napahinto ako ng maalala ko yung sinabi ni Xyrelle
Sabi ng Mom at Dad ko, bakit hindi na lang daw tayo magsamasama sa iisang bahay? Para naman daw matuto tayo since 4th year high na din daw tayo.

Oh my! Nakalimutan kong sabihin kay Mommy at Daddy. Sana nandiyan pa sila.

Pagbaba ko. Wohoo! Nandiyan pa sila.

"Goodmorniiiiiiiingg" sigaw ko

"Oh ate gising ka na pala" sabi ng lil sis kong si Aimee

"Syempre di tulog" sarkastiko kong sabi

"Aga aga ang sungit" sabi naman ni Kuya Alberto. Yeah kapatid ko siya. 1st year college na siya dun sa school. Ang hearthrob nga nyan doon eh

"Tsk. Di pa kayo nasanay" sagot ko. "Nga pala mommy at daddy sabi daw Ni tita Cyrille at Tito Xyrus magsama sama na lang daw kaming apat"

"Hmm sounds good mawawalan ng mataray sa bahay" singit ni Kuya, kaya tinarayan ko. "Tsk pikon" edi nyaw

"Pakisabi na lang na---

"Mommy pumayag na kayo para kahit papaano mawalan ng mataray dito sa bahay" pagputol ni Kuya kay Mommy

"Alberto hindi pa ako tapos." Suway ni mommy kay Kuya. "Mag-usap usap na lang kami bukas pakisabi ha" sabi sakin ni mommy

"Sissy gusto mo talaga?" Tanong sakin ni Aimee

"Oo baby girl eh para naman matuto si Ate" sagot ko

"Sus" singit nanaman ni Kuya

"Kuya mukha ka ng singit. Kanina ka pa singit ng singit" sabi ni Aimee kaya natawa naman kami nila mommy, daddy at ni Aimee. Hahahaha. Kalokaaa!!

"Ihatid ko na lang kayo" sabi ni daddy

"Bakit po Dad?" Tanong ni Kuya

"Sasabay na lang ako sainyo" sagot ni daddy

"Hmm sige po" sabi namin ni Aimee
Maya maya pa. 6:30 a.m. na kaya nagpasya na kaming umalis nila Daddy, Kuya at ni Aimee

***
Naglalakad na kaming tatlong magkakapatid. Nang magtilian ang mga girls. Tsk pinagkakaguluhan nanaman yung kuya ko -_-

"Fafa Alberto papictuuuuuure" sigaw nung isang babae. Maya maya pa......

"Uy pare" bati ni.....
.
.
.
.
CHRISTIIIIIIIIAAAAAAAAANN???!!!😱 o_O S-so M-magkakilala s-sila? Bubulong na sana ako kay kuya nang magsalita si kuya.

"Nasaan yung tatlong ugok?" Tanong niya. Sinong tatlo? Sila Rafael, Matthew at Jayvee?

"Ahh sila Fael? Nasa cr hahahaha" sagot ni Christian. So magkakakilala nga sila.

"Hmm osige punta na kami sa room namin." Sabi ni kuya

Kaya naglakad na kami pero bago pa kami makalayo...
"Bert! Sabay na kami ng kapatid mo" sigaw ni Christian.

"Sino eto?" Sabay turo sakin ni Kuya

"Malamang bert 4th year ako diba, 4th year din si Ash my babe" sabay kindat sakin

"Uy pre wag mong pagtripan 'tong kapatid ko. Wag ka magpa-fall. Baka pag nafall to at iniwan mo kalilimutan kong kaibigan kita" Yiiieee 😍💗 Kuya naman ihh. Hahahaha pero kahit kelan hindi ako magkakagusto diyan noh. Tss pogi nga hilig naman mangtrip -_-

"Tama na nga daldal. Kuya malalate na tayo" sabay hatak kay kuya

***
Nandito na ako sa room ko. Pagkapasok ko sasara ko na sana yung pinto ng biglang sumulpot yung tatlo kong bestfriends. "Oh ano san kayo galing?"

"Sinundan kuya mo" sabay sabay nilang sagot sakin

"Langya kayo trip niyo kuya ko. Pumasok na nga kayo" sabi ko

Sasara na sana ni Franchesca yung pinto ng nagsisulputan yung Apat -_- "Wait." Sigaw ni Christian

"Ano ba? Ano pa hinihintay niyo? Ba't di pa kayo pumasok?" Pagtataray ni Franchesca bigla namang sumingit si Rafael at hinarap si Franchesca

"Hmm ganda mo pala" sabi ni Fael

"Wag mokong paandaran" sabi ni Franchesca

"Tang@ gandang iuntog sa pader hahahahaha" sabi ni Fael kaya nagsimula na kaming sumagot

"Hoy! Asungot na ewan. Wag mong ganyanin ang bestfriend namin" pangunguna ko

"Aba! Di porket kuya mo si Alberto gaganyan ka na" singit ni Christian

"Aba syempre nagmana ako ng kagaguhan dun eh. Bakit angal ka?" Sabi ko kay Christian

"Trip niyo kami ha" sabi naman ni Xyrelle

"Hindi ah" sabay iling nung apat. Tss edi nyaw

"Alam niyo kasi magsipasok na kayo" singit ni Shaina

"Hmm 6:59a.m. palang naman eh 7:01 a.m. pa naman ang late  kaya okay na muna sila dyan" sabay wink ni Chesca samin hmm. Gets ko na sinasabi neto.

"Hmm laro muna tayo" panimula ko

"Ano??!!" Sigaw nung apat

"Ssshhh marinig kayo. Hallway to boys" suway ni Shaina

"Hmm kasi wait. Pinapatawag pala kayo ni Sir Nathan" sabi naman ni Xyrelle

"Saan?" Tanong ni Matthew

"Sa Faculty Room malamang" sagot ni Chesca

"Tsk. Ano naman gagawin namin dun?" Tanong ni Christian

"Vovo! Pinapatawag nga kayo diba. Malay niyo may kasalanan kayo. Dalii na go baka malate pa kayo oh" sagot ko. Maya maya tumingin si Fael sa wrist watch niya at syempre pati kaming apat napatingin din... And uh-oh nasa labas pa sila ng room and 7:01 na. Bwuahahahahaha buti nga.

"Oh sh*t sh*t late na tayo boys" sabi ni Rafael at parang halatang kinakabahan. Bigla naman akong kinalabit ni Xyrelle at sumesenyas na may ibubulong samin.. "Papasukin natin sila kasi wala pang teacher pero kapag tinanong kung sinong late sabihin natin silang apat." Bulong niya samin. "Ano game?" Dagdag pa niya

"Hmm kaawa kayo. Pasok na" sabi ni Shaina pagpasok nung Apat na lalaki......
.
.
.
..
TINULAK KAMI PALABAS NG ROOM >_< sh********t!!!!! Ayokong malaaaaaaaate!! Kaya dali dali kaming pumasok sa loob.

Maya maya dumating na ang teacher namin. Saktong nakaupo at nananahimik na kami.

"GoodMorning Silang"

"Goodmorning din po" masiglang bati namin.

"Okay then, may late ba?" As our plan nagtaas ako ng kamay.

"Ayy ma'am did you still remember the 4 boys yesterday? Yung mga late? Hahahaha sila ulit Ma'am hahaha" sabay lingon ko sa apat. At guess what? Ang sama ng tingin sakin. And sh*t lang biglang nagtaas ng kamay si Christian... Waaaa!! Kinakabahan ako

"Ma'---  "Go to faculty room Mr. Gonzaga, Lim, Dela Cruz and Alonso." Pagputol ni Ma'am kay Christian.

"Pero ma'am" sabat ni Matthew

"Walang pero pero go to the faculty room and wait for me." Sabi ni Ma'am

"Ma'am ba't di niyo po itry na patapusin muna kami?" Tanong ni Jayvee

"Okay then, Go" sagot ni Ma'am

"Ma'am kasi late din po yang apat na yan" sabay tawa niya. Kaya nalipat yung tingin samin ni Ma'am. Aiisshhh boset 'to ha

"But ma'am" sabi ni Shaina

"Ayan first late niyo 'to tapos. Wala nang pero pero. Pumunta kayong walo sa faculty room ngayon na" sabi ni ma'am samin

Aba wala man lang dedepensa samin? 😭 very very wrong✖✖.

Wala na kaming nagawa kaya lumabas na lang kami.

The Four Bad Girls And BoysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant