Is this true??

3.5K 118 0
                                    

Chesca's POV

"Bumalik na lang tayo kay Shai" sabi ni Xy

"Oh ayun nga anong eh kasi ano mo diyan?"-Me

"Ah eh... W-wala inaantok na ako bye" sabi ni Shaina habang patayo na at dahil gusto nga namin na may malaman sakanya pinigilan ko siya.

"Aba letche to ah" sabi ni Ash habang nakatingin sa phone niya

"Sino nanaman yan?" Tanong ni Xy

"Mga shunga nagbabasa ako ng wattpad. Bwisit kasi eh" sagot ni ashley

"O.a. ah" sabi ko "Pero hoy bumalik ka dito Ms. Shaina Lopez. Umayos ayos ka ha. Nahahalata ka masyado."-Me

"A-ano b-ba kasi yon? Di ko na kayo maintindihan ha"-Shaina

"May namamagitan na ba sainyo ni Jayvee Dela Cruz?"- Xy

"Wala ah. Ba't naman magkakaroon ang ganda ko ang panget niya" natatawa pang sagot ni Shaina

"Wag mo kaming paikutin Shaina ha" -Ashley

"Isa ka pa Ash" sabi ko kaya nanlaki ang mata ni Ashley 'kala mo nakakita na ng multo eh :3

"Ano ba yon?" Tanong ni Ashley "Bahala na kayo kay Shai. Inaantok na ako eh. Pagod na din ako" dagdag pa niya

"Umupo ka dito masasapak ko yang mukha mo"- Xy

"Tapos na tayo mag-usap Xy diba" -Ash

"Di pa sapat yon"- Xy

"Aish makulit" iritang sabi ni Ash

"Tignan niyo halatang may tinatago kayong dalawa" sabi ko

"Wala nga akong alam diyan" sabay na sabi nila ni Shai at Ash

"Para matapos na 'to sabihin niyo na kasi" -Me

"Oo nga"-Xy

"Mauna ka na Shai" -Ash

"Ganito kasi yun. Diba sabi ko pupunta ako ng pre-sch---

"Ikwento mo na lang yung sa clinic" pagputol ni Xy sa sasabihin ni Shai. Sabagay alam na din naman namin na sasayaw siya sa pre-school room

"Pumasok din si Jayvee sa pre-school room tapos sumayaw kaming dalawa. Then nawalan ako ng balanse dun sa isang step. Tapos dinala niya ako sa clinic tapos binilin ako nung nurse dun kay Jayvee tapos... Tapos na" sabay ngiti niya

"Wag mo kaming lokohin" -Xy

"Aish diretsuhin nalang kasi" -Me

Kamustahin niyo si Ashley.
.
.
.
.
.
Ang seryoso :3 nag-iisip ata ng sasabihin hahaha 😂😂

"Tapos pinatulog ako ni Jayvee wala daw siyang gagawin sakin na masama pero in the end hindi talaga ako makaramdam ng antok tapos narinig ko na lang si Jayvee na nagsasalita mag-isa tapos narinig ko sakanya yung pangalan ko then sabi niya Sorry if i will do this then he kissed me."

"Ano???!!! Gag* yun ha" -Xy

"Teka kasi Xy masyadong oa eh hindi pa nga natin alam kung bakit ginawa ni Jayvee yun eh" singit ni Ash. Hala o_O nagsalita ka din.

"He kissed me because he love me. Natotorpe daw kasi siya" sambit niya "ayun lang" dagdag pa niya

"Is this true???!!!" -Xy

Ako? Wala lumutang ang pag-iisip ko. Binubuo ko pa lahat ng sinabi ni Shai. Pero maya maya napasigaw na lang ako.

"Whuuuuuut???!!!"

"Ilang minuto na nakakalipas ngayon ka lang nagreact" -Ash

"Eh ikaw? Ano nag-iisip ng sasabihin" -me

"Hindi. Iniisip ko kung sasabihin ko ba o hindi"

"Sabihin mo na para alam na natin"- Shai

" Ganito kasi yun. Diba nagpaalam ako sainyo na hahanapin yung phone ko tapos biglang pumasok si Christian sa room hahanapin niya din daw yung phone niya then habang nagkakalkal ako sa locker nakita niya sa bag niya tapos sumigaw ako ng sumigaw ng magnanakaw then tumalikod ako sakanya para tumapat sa bintana at sumigaw ng magnanakaw. Then pagharap ko Aksidente "DAW" na nahalikan niya ako tapos sumigaw naman ako ng magnanakaw na manyak pa. Tapos in one two three he kissed me again. Dahil daw ang kulit ko so natahimik ako. Wala na nga first kiss ko pati na din yung second ko tapos napunta pa sa hindi ko mahal!! Arrgh" -Ash

"So ayun naman pala ang problema sa inyo eh"-Xy

"Hayss grabe naman. Wala na siyang any reason kung ba't niya ginawa yun?"-Shai

"Bukod sa makulit daw ako. Wala na. Asa pa kayong meron"

"Itulog na nga lang lahat natin ito" singit ko

"Oo tara na akyat na sa kwarto. Ayy kayo pala maghuhugas na lang muna ako ng pinggan dito"-Xy

"Ayy ako aayusin ko muna yung sofa tas yung table. Sge una na kayong dalawa. Goodnight"-Ash

At umakyat na nga lang kami.

Totoo ba lahat ng narinig ko mula kay Shai at Ash??

Thanks for reading... 💋

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now