Matakot Saan?

3K 87 0
                                    

Ashley's PoV

Nagising na ako ng may ngiti nanaman sa aking mukha

"Goodmorning woooooorld" bati ko sa tatlo doon sa baba

"Oh ang hyper mo nanaman" natatawang sabi ni Chesca

"Syempre bumalik na yung babe niya" sambit ni Shaina na kinikilig kilig pa

"Sshh kumain na nga lang tayo." Sabi ko.

Kumakain lang kami hanggang sa 6:20 a.m. ay umalis na kami.

***

Naglalakad na kami sa hallway. Ang saya ko nanaman eklabush eklabush, ewaaaaan!!

"Uy Ate" bati sakin ni Aimee

"Oh bakit?"

"Wala lang. Pwede ba tayong mag-usap mamaya sa field?"

"Ahh osige okay lang"

"Sige mamaya ha"

"Opo"

At naglakad na siya palayo. Ewan ko kung anong sasabihin nun.

***

Break time na namin. At ayon sa napag-usapan namin ni Aimee mag-uusap daw kami sa field. Nauna na muna ako sa tatlo.

Nang nasa field na ako nakita kong nag-uusap yung apat. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila.

"Oh pre paano yun?" Tanong ni Rafael

"Ewan ko pre" sagot ni Christian

"Hay nako pre kinuntsaba mo pa yung kuya niya." Sabi naman ni Matthew

"Alam mo pare mas maaga sabihin mo na" sabi ni Jayvee ha? Ano yun?

"Eh basta ako na bahala na magsabi" sagot ni Christian.

"Pare hindi ka ba natatakot kay Ashley?" Syempre dahil sa narinig ko ang pangalan ko hindi na ako nagdalawang isip na lumabas sa pinatataguan ko.

"Matakot saan?" Tanong ko, at halatang gulat na gulat yung apat. "Matakot siya saakin? Kakuntsaba niya si kuya? Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to?"

"L-let me explain" sabi ni Christian habang hawak ang braso ko

"Oh ano naman yun?"

"Hindi talaga ako pumunta ng Korea, hindi ako natuloy so naisip kong sa bahay na lang ng pamilya ko na tumuloy ako. May kailangan lang talaga akong ayusin"

Bigla ko na lamang siyang sinampal. "Alam mo kung gaano ako iyak ng iyak ng mga araw na yon? Tapos malalaman kong hindi ka natuloy at nandito ka lang din sa lugar na 'to? Aba Christian over na yata to" sabay takbo ko

"Ashley Wait!" Sigaw niya

"Wag kang susunod"

"Ashley sandali lang"

"Ano pa ba gusto mo ha? Christian nagpakatanga na ako nun. Akala ko nakaalis na yung plane."

"Hindi siya nakaalis, basta mahabang istorya. Pero Ashley Sorry."

"Ewan ko sayo! Wag mo muna akong kausapin okay?"

"Ashley! Ashley! Please naman sorry na"

"Sabi ko wag mo na akong kakausapin diba"

"Sorry na kasi"

"Argh! Bahala ka sa buhay mo!"

At patuloy na akong tumakbo palayo sakanya.

After all na iyak ako ng iyak in the end malalaman kong nandito lang din siya? Wtf anong nakain niya? Habang naglalakad ako may nakabangga ako.. Si Aimee lang pala

"Oh ate sabi ko sayo hintayin mo ako diba"

"Next time na lang tayo mag-usap Aimee"

"Ate"

"Next time na"

"Okay" sabay pout niya

Nag-iinit na yung ulo ko kay Christian. Sa lahat ba ng pagkakataon lagi na lang? Aish sh*t naman. Maya maya may nakabangga nanaman ako.

"Oh Ashley" si Ate Ellaine lang pala

"Oh hi Ate di mo kasama si Kuya?"

"Ah may gagawin daw eh."

"Lagi na lang may gagawin si Kuya"

"Importante kasi yun Ash. Sige una na ako"

"Sige bye ate." At nagwave na lang siya.

Badtrip!!! Tangnang buhay 'to!!!

Bumalik na lang ako sa Canteen, baka sakaling nandun pa yung tatlo.

Nang nasa canteen na ako, nandun pa nga sila

"Oh? Anong mukha yan?" Tanong ni Shaina

"Nag-away kayo ni Aimee?" Tanong naman ni Xy

"Eh nung Apat?" Tanong ni Chesca

"Hindi yung apat si Christian lang."

"Oh bakit?"-Xy

"Eh hindi naman pala natuloy ang alis niya at nandito din siya tumuloy" -Me

"Anoo??" Sabay sabay nilang tanong

"Guess what alam ng boyfies niyo. Baka sakaling alam niyo din"

"Hindi" sabay sabay nilang sagot sakin

"So wala silang nababanggit sainyo?"

"Wala"

"Lintek na mga lalaki yan" sambit ko

"Bigyan.... M- mo.... naman ng O-oras na.... M-mag explain si... C-Chris." Singit ni Rafael na halatang hingal na hingal

"Bakit pa? Wag na" sagot ko

"Sige na babe hayaan na lang natin siya, bigyan na lang natin ng space." Sabi ni Chesca kay Fael

"Oh sya sige sige basta sorry daw" sambit niya sabay alis.

Lintek na buhay 'to oh!! Lagi na lang bang ganito?

Thanks for reading...

The Four Bad Girls And BoysKde žijí příběhy. Začni objevovat