Christmas Eve

3.3K 100 1
                                    

Shaina's PoV

Christmas Eve na mamaya pero hindi pa rin nagkakabati si Christian at Ashley. Eto naman kasing si Christian eh, O.A masyado -,- ayan natikman niya nanaman ang kamalditahan ni Ashley.

"Giiiirls!!! May pupuntahan lang ako bye" paalam sakin ni Ashley at tumango na lang kami

Lahat ng effort ni Christian sa loob ng isang linggo lahat tinatapon ni Ashley sa basurahan, kinukuha ko para itabi sa kwarto ko para kapag nagkaayos ang dalawa makukuha pa ulit ni Ashley yung mga yun.

***

Konting oras na lang Christmas Eve na. Dobleng lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Una hindi ko kasama si Mommy at Daddy at Pangalawa hindi magkaayos si Christian at Ashley. Ano ba kasing nakain nung Antonio na yun at pumunta pa dito sa tapat ng bahay. Arrghh nakakainis hindi ko alam kung sino ang tunay na may kasalanan.

"Huy! Shaina!!!" Sigaw ni Xyrelle

"Ay palaka!!" Sigaw ko

"Ano ba yan?! Shaina naman sayang yung tubig oh" at pagtingin ko sa lababo. Hala! Puno na ng tubig yung pitsel na dapat huhugasan ko lang.

"Sorry na"

"Ang lalim yata ng iniisip mo nag-away ba kayo ni Jayvee??" Tanong ni Chesca.

"Hindi girls. Si Christian at Ashley kasi hanggang ngayon hindi pa nagkakaayos" sabay pout ko

"Eh malamang gumagawa nanaman ng surprise yun si Christian" sambit ni Xyrelle

"Mahilig sa surprise yun eh" natatawang sabi ni Chesca

"Pinaglihi yata sa Surprise eh" natatawang sabi naman ni Xyrelle

"Shh girls konting oras na lang oh, isa pa wala pa si As--"

"Hello Girls" sigaw ni Ashley

"Oh buti dumating ka na" sambit ko

"Akyat muna ako sa taas magpapalit lang ako." Sabi ni Ashley

"Girls ano ba naman yan si Ashley ang weird" iritang sabi ni Chesca

"Aba malay ko ba't di siya tanungin niyo" sambit ko

"Eh baka makatikim ako ng kamalditahan niyan eh" sagot naman ni Xyrelle

Maya maya pa biglang may kumatok.

"Uy Hubby" bati ko

"Ssh ka lang Wifey may surprise kasi 'tong si Christian kay Ashley eh." Utos ni Jayvee sakin

"Ahh osige paano ang plano?" Tanong ko

"Patayin niyo ang ilaw." Utos naman ni Matthew

"Okay sige tara na pumasok na kayo dito sa dining" sambit ni Chesca

At pinatay na namin yung ilaw. Maya maya pa...

3..2..1..

"Girls! Uy ba't nakapatay yung ilaw? Uy girls nasan kayo?" Tanong ni Ashley kaya binuksan na namin.

"Merry Christmas" sigaw naming anim, hinanap namin agad si Christian lumingon kami sa pinagtataguan niya kanina pero wala siya, pagkabalik namin ng tingin kay Ashley, nasa likod na siya ni Ashley, at bigla niyang niyakap si Ashley.

"Sorry na babe. Di na po mauulit"

"Weh"

"Oo nga po promise, cross my heart"

"Osige na nga. Wag kang magselos sa mga taong nakapaligid sakin dahil lahat sila alam na ikaw lang ang mahal ko."

"Sus humuhugot pa. I love you babe"

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now