Break Up

3.9K 135 4
                                    

Ashley's Pov

Literal akong nagulat ng buksan ko na yung messaging. Ang daming messages ni Darren. Oh my! Oh my! Patay ako neto. Pero bigla na lang akong napaluhod sa mga nabasa ko.

"I'm breaking up with you. Nahirapan kasi ako. Mahal ko pa pala yung ex ko Ash mahal ko pa si Mary. Sorry gusto ko ng tapusin natin 'to para wala ng mahirapan satin. Hirap na hirap na ako. Delete mo na number ko, block mo na ako sa fb, unfollow mo na ako sa ig at sa twitter. Please ayokong maalala pa natin 'to. Tapos na tayo. Wala akong pipiliin sainyo. Goodbye Ashley. Thank you for everything, for the happiness that you gave into my life, and thank you because you gave me an endless love. Take care of yourself always and ingat ka sa magiging new bf mo."

"Darren why? Why? Bakit?" Mangiyak ngiyak kong sabi

"Oh bakit Ashley?" Tanong ni Christian sakin tapos tinabihan niya ako

"Wala na."

"Anong wala na?"

"Wala na kami ng boyfriend ko" sabay yakap ko kay Christian. Ewan ko ba pero tuwing emotional ako napapayakap ako sa taong nandiyan sakin.

"Sshh tahan na. Eto oh pangalawang panyo ko na yan hahaha"  natatawa niya pang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Eto naman pinapatawa ka lang."

"Tsk." Sabi ko.

"Alam mo yung Neverland?" Tanong niya. Tapos tumango lang ako. "Kantahin natin?"

"Panget boses ko ngayon"

"Di yan." Tipid niyang sabi "Ano? Game? Tara na dali wag ka ng KJ. Sabi kasi sakin ng Mommy ko kapag daw nalulungkot ako kumanta lang daw ako"

"Then?"

"Parang malilibang ka"

"Try nga natin" sabi ko

At kumanta nga kaming dalawa.

Now Playing: Neverland by Abstract ft. Ruth B (Play niyo kung meron kayo sa music library niyo. Pero kung wala search niyo siya sa youtube ;) 😉 maganda 'to.)

Natapos ang kanta namin. Medyo nakalma nga ako. Feel ko gumaan yung loob ko.

Palabas na kami nang magsibalikan na yung mga kaklase namin.

"Oh! Bat di ka na bumalik" tanong sakin ni Shai.

"Eh basta kasi mamaya ko na ikekwento"  sagot ko

"Upo na tayo wait lang daw kasi sabi nung next teacher natin" singit ni Chesca

Tapos umupo na lang kami.

***

Uwian na. Nagsilabasan na din kami. Habang naglalakad kami palabas ng school kinukulit na ako nung tatlo kung bakit parang ang tamlay ko buong klase.

"Ba't parang lutang ka buong klase?" Tanong ni Xy

"Eh kasi."

"Eh kasi ano?" Sabay sabay nilang tanong sakin

"Sa kotse na lang nga tayo" sabi ko

Tumakbo na kami palabas at pumunta na sa kotse ko. Maya maya pa nandito na kami.

"Oh ano? Andito na tayo. Wag mong sasabihin na sa ba--" naputol ang dapat na sasabihin ni Chesca ng takpan ko ang bibig niya

"Umm girls sa bahay nalang"  sabi ko kaya sinamaan nila ako ng tingin. "Okay sorry, pero mas gusto ko kasi na doon na lang"

"Okay sige na" sabaysabay nilang sabi

"Basta sisiguraduhin mong sa bahay talaga ha."

"Opo promise."

Pinaandar ko na yung kotse tapos eto naman si Shai nagpatugtog nanaman and guess what. Imagination :(( theme song namin ni Darren yan eh :( hindi muna ako nagpaapekto kahit gusto nang pumatak ng mga luha  ko dahil baka idulot neto eh aksidente ayoko naman noh.

"Ba't natahimik ka?" Tanong ni Shai

"Diba favorite mo nga yan" dagdag ni Xy

"Ah-oo." Tapos kumanta na ako kahit labag sa kalooban ko

In my dreams you're with me.
We'll be everything our want us to be .
And from there, who knows
Maybe this would be the night that we kiss
For the first time or is not just me and my Imagination.

Naiiyak na ako habang kinakanta ko yun kaya hininto ko muna sandali ang pagmamaneho ko

"Ash ano ba kasi talaga ang problema mo?" Tanong ulit ni Shai

"Eh kasi..."

"Sis ituloy mo na" sabi sakin ni Chesca

"Ash magkakaibigan tayo diba. Dapat alam natin kung ano ang mga problema ng isa para masolve." Sabi naman ni Xy

Inabot ko na lang yung cellphone ko sakanila.

"Anong gagawin namin dito?" Sabay sabay nilang tanong

"Basahin niyo yung message sakin ni Darren" mangiyak ngiyak kong sabi. Hindi na sila nagdalawang isip pang buksan yung phone ko. Then maya maya pa

"Anooooo???!" Gulat at galit na sabi ni Shai

"Wala na kayo?" Tanong ni Xy

"Ash baka malay mo joke lang diba one time ginawa niya na sayo 'to. " sabi naman ni Chesca

"Hindi yan" tipid kong sagot

"Replyan natin teka lang" sabi ni Xy

"Hindi na kailangan girls" sabi ko sabay hawak sa manibela

"Anong hindi kailangan?"

"No need to reply him. Malinaw na sakin na my feelings pa siya kay Mary. Umuwi na lang tayo" tapos pinaandar ko na lang yung kotse ko.

Thanks for reading 💋

The Four Bad Girls And BoysKde žijí příběhy. Začni objevovat