Selos Mode On

3.1K 96 0
                                    

Ashley's PoV

Nagising na ako ng saktong 5:30 a.m. pumunta muna ako sa c.r. nagbalak nanaman akong mag-concert. Pero nagbalak lang, humarap na lang muna ako sa salamin.

"Sasabihin o Hindi? Hmm sasabihin ko ba? Mamaya diyan ma-reject ako, wala palang feelings sakin si Christian. Sasabihin o sasabihin? Aish Ashleeeeeey!!! Iisa lang naman yan eh. Ano naman ang pagpipilian diyan aber" sabay gulo gulo sa buhok ko.

Natapos ang 20 minutes kong ligo tsaka nagbihis na ako at bumaba sa dining area.

"Goodmorniing" bati ko sa tatlo

"Aga yata natin" sambit ni Shaina

"Eh ganun talaga eh hahahaha" sabi naman ni Chesca na natatawa pa, ay hindi pala tawa yun, kilig pala

"Nakakagana pumasok" sambit ni Xyrelle"

"Makikita niyo lang ang boyfiies niyo" sabi ko habang tumatawa

"Kumain na nga lang tayo girls" sabi ni Xy

Hinayaan na lang namin siya sa palusot niya at kumain na lang kami.

***

School :)

Naglalakad na kami sa hallway. Pansin ko lang na simula nang natigil ang gulong dala naming apat dito, sobrang saya na dito sa Palacio. Eh paano ba naman kasi ang maldita ko masyado pero okay lang yun may pinagmanahan lang. Hahahaha..

Pagpasok namin ng room ang saya, tuwang tuwa ako na makita ang Silang na ganito.

"Wala pa yung apat" sambit ni Chesca

"Oo nga eh. Baka malate nanaman yung mga yun." Sabi naman ni Xy

"Hayaan niyo na sila, malay niyo may inaasikaso lang" sabi ni Shaina

"Oo nga girls don't mind them, tsaka matitino naman yung mga yun. Tiwala lang kayo noh. Tsaka kapag niloko kayo nun ibabalik ko ang kaguluhan dito sa Palacio. " sabi ko naman

"Yes just trust. Trust is partner of Love" sabi ni Chesca

"Huh?" Sabay sabay naming sabi

"Kapag mahal mo siya pagkakatiwalaan mo siya." Paliwanag ni Chesca

"Oo nga katulad na lang namin, maha--"

"Xy samahan mo muna ako sa cr. Dali na nawiwiwi na ako" sabi ni Shaina sabay hila kay Xy

"Anyare dun?" Tanong ko kay Chesca

"Ah- eh wala, mga baliw lang yun. Sige wait lang maglelettering lang ako" tumango lang ako.

This time, nakapangalung baba ako. Iniisip ko pa din kasi kung sasabihin ko nga yung tunay kong nararamdaman para sakanya. Baka kasi matulad nung dati.

Flasback

Lumabas ako ng room para pumunta ng field ayon sa napag-usapan namin ni Jake. Pagpunta ko nandun na siya.

"U- Hi J-jake.." Bati ko

"Oh Hi Ashley, ano nga pala sasabihin mo?" Tanong niya

"Ah.. Eh.. Kasi.." Huminga muna ako ng malalim. "G-gusto kita Jake." Sabay yuko ko

"Ah... Paano ba 'to? Umm kasi may girlfriend na ako. So friends na lang tayo"

"Ah.. Hehe okay lang. Oh...s-sure"

"Tsaka ano ka ba maganda ka naman, madaming magkakagusto sayo."

"Hehe, oo sige...b-balik na ako.. Baka u-umpisa na yung next subject ko. S-sige b..byee"

Habang naglalakad ako palayo sakanya, may mga pumapatak ng luha sa aking mga mata. Akala ko kasi yun na, kapag umamin ako, baka sakaling may feelings siya. Wala akong napala.

End of flashback

"Huy!" Sigaw ni Shaina na pumalo pa sa table ko

"Oh!?" Gulat na tanong ko

"Ano ba yan Ashley!! Kanina ka pa namin kinakausap kaso wala ka sa sarili mo." Sambit ni Shaina

"Ahh sorry sorry. Wait C.r. lang ako."

"Oh sya sige bilisan mo."

Lumabas na ako ng room. Habang naglalakad ako sa hallway, iniisip ko kung paano ko masasabi kay Christian kung wala naman siya?  Maya maya pa may narinig akong boses.

"Dali na Pleaaaaase". At paglingon ko. Si Christian na may kausap na babae. :( 😞

Wow as in Wow! Ano yun?  Tumakbo na lang ako papunta sa cr.

Nasa c.r na ako. Umiiyak.

"Buti na lang hindi ko pa nasasabi sakanya na mahal ko na siya. Ang sakit lang. Ang sama mo Earth." At patuloy na akong umiyak. "Ang tanga mo Ash sobrang tanga mo" sambit ko habang inuuntog ang sarili ko sa pader. Maya maya pa nag decide na akong lumabas baka ma-late pa ako sa first subject.

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko nanaman yung babaeng kausap ni Christian. Arrghh nag-iinit nanaman yung ulo ko -,- tumingin ako sakanya pero nginitian niya lang ako, pero ako? Fake smile -,- bwiset. My day was like a boiling water na umover sa kulo. >.< boseeeet!

"Uy Ash! Wala daw kayong teacher ah" sabi sakin ni Drake

"Ah wala akong pake" and I rolled my eyes at him. Palayo na sana ako sakanya ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. "Don't touch me" sigaw ko.

"Sorry na"

"Kbye papasok na ako sa room ang init dito sa hallway" at naglakad na ako palayo sakanya

Doble doble ang init ng ulo ko. Bwiset na bwiset na ako.

Pagpasok ko ng room nandun na yung Four boys kausap yung tatlo.

"Excuse me. Baka nakakagulo ako. Labas na lang ako ulit noh" sabi ko gamit ang aking Sarcastic face

"Ah hindi Ashley about lang 'to sa ano... Dun sa pinapagawa ni Ms. Trixie. " sabi ni Xyrelle

"Ahh, hindi ako kasama?" Tanong ko

"Sad to say hindi daw eh" sabi ni Shaina habang naka pout.

"Ahh puntahan ko lang si Kuya sa 3rd floor." Sambit ko

"Ahh osige ingat" sabi ni Matthew

"Salamat" at patuloy na lang akong lumabas ng room.

Pag-akyat ko nakita ko si kuya tsaka yung girlfriend niyang si Ate Ellaine.

"Hi Kuya, Hi ate Ellaine" masayang bati ko sakanila

"Oh bakit wala kayong teacher?" Tanong sakin ni Ate

"Ahh wala daw po. Kayo din po ba nila kuya?"

"Oo Ash eh may aasikasuhin daw . ssshhh ka lang dito ha, may surprise kasi ang mga teachers kay Tita Bianca"

"Huh? Kay Mommy?"

"Oo Ash! Wait lang babe may pupuntahan lang ako ikaw na muna bahala kay Ashley" sabi ni kuya

"San ka pupunta kuya?"

"Kay mommy"

"Sama ako"

"Wag na diyan ka na lang kay Ellaine"

"Okay"

Tapos lumabas na siya palabas ng room nila. Kami naman nag-uusap lang ni Ate Ellaine. Hindi ba nga bumukod ako sakanil kaya hindi ko siya nakilala..

Maya maya pa naisipan ko ng bumalik ng room, matagal tagal din kaming nag-usap, pati yung pinagselosan ko. Baka naman daw kaibigan lang niya or pinsan or what. Kaya medyo gumaan yung loob ko.

Thanks for reading

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now