We're Stuck

4.4K 154 1
                                    

Christian's POV

Tumakbo na kami ni Ashley papunta sa may pintuan. Binubuksan ko na yung pintuan pero.
.
.
.
AYAW MAGBUKAAAAAAAAAS???!!!

"Ashley ayaw magbukas ng pinto." Kinakabahan kong pagsabi

"Ha? A-ano? Baka naman trip mo lang ako. Ako nga diyan." Sabi niya habang palapit sakin Sa may pintuan 😂.

Pinipihit pihit niya yung door knob pero ayaw talagang magbukas.

"Sh*t WE'RE STUCK" badtrip niyang pagsabi eh pano ba naman pinagsisipa na yung pintuan. Akala mo eh kaaway niya yung pinto.

"Pano ba yan makakasama mo yung poging bad boy dito sa loob" sabay wink ko pero tinarayan lang ako -,-  "Choosy pa."

"Di ka yummy shunga." Sigaw niya sakin.

Maya maya pa nagkakalampag na siya sa may pintuan at sumisigaw. "Tuloooooong! Is anybody there? Please help me! Okay lang na maiwan dito si Christian wag lang ako kaya please buksan niyo na 'to" hays ang choosy talaga.

"Balita ko Ashley mga ganitong oras walang masyadong dumadaan dito." Sambit ko

"Eh ba't mo alam? Bago ka lang dito ha. Pero basta meron yan." Sabi niya

"Bahala kang babae ka" sabay upo ko at sumandal sa pader. Maya maya naisip kong mag soundtrip na lang ako.

"Aha! Very good Christian!" Muntik na akong mapatalon sa boses ni Ashley -,- "Akina yan tatawag ako ng maintenance" dagdag niya

"Diba may cellphone ka" sambit ko

"Lowbat" sabay pout niya

"Tang@ naman neto :3" Sambit ko "Oh eto oh" sabay abot ko sakanya ng phone ko

"Ibibigay din pala eh."

Ashley's POV

May nilabas na cellphone si Christian. Naisip kong tumawag ng maintenance.

"Aha! Very good Christian" sigaw ko. "Akina yan tatawag ako ng maintenance" dagdag ko pa

"Diba may cellphone ka" sambit niya and he rolled his eyes at me. Sus 'kala mo naman bagay sakanya -,-

"Lowbat" sabay pout ko. Kung kailan naman kasing kailangan tsaka pa malolowbat. Parang yung kaibigan ko. Kung kailan kailangan tsaka pa nawala.

"Tang@ naman neto." Aba natang@ pa ako ha. Eh kung batukan ko kaya 'to. "Oh eto oh."

"Ibibigay din pala eh" tapos binuksan ko na yung phone niya

Pagslide ko...
.
.
.
MAY PASSWORD???!!! Aba ang lakas talaga ng trip ng kupal na 'to. "Hoy papahiramin mo ako ng phone mo tapos may password. Wag mokong inisin Mr. Gonzaga" tapos kinuha niya naman bigla sakin yung phone nya. Baka siguro akala niya ip-PUK ko hahahahaha.... 😂😂  May ilang minuto ang nakalipas ng ibigay niya sakin. "Tagal! Wala naman akong babasahin diyan tatawag lang naman"

"Tumawag ka na lang dami mo pang satsat" sabi niya

Dinial ko na yung number dun sa maintenance room. Baka kasi sakaling may tao. Pag- call ko ...

UNABLE TO CONNECT TO THE NETWORK???!! Waaaa!!! Seriously?? Walang signaaaaaaal.. Huhuhu iyakk. Maya maya naalala ko yung wifi dito sa school... Ayy paksh*t nakalimutan ko yung password. Aish boset. I will stuck in this room with this guy? Huhuhu ayaaaaaaw.

Umupo na lang ako sa tabi ni Christian habang inaabot sakanya yung phone niya.

"Ano? Walang signal noh?" Tanong niya

"Wala" tipid at malamya kong sagot. "Baka bukas na tayo makalabas" sabay pout ko

"Nagugutom na ako eh" sabi niya. Aba kasalanan ko?

"Same" tipid kong sagot.

"Okay wag na tayong magbangayan." Sabi niya

Mga ilang oras din kaming natahimik. Ni-isa walang umiimik samin. Nakakabingi ha. Pano ba naman nagbabangayan lang kami kanina tapos eto ang tahimik. Maya maya pa ako yung nangbasag sa katahimikan naming dalawa.

"Chris eh est--

"Ssh okay lang. Chris na lang." Pagputol niya sakin

"Okay, Chris matanong ko lang. Naranasan mo na bang magmahal tapos sinaktan ka?"

"Oo. Dahil kapag nagmamahal ka masasaktan at masasaktan ka talaga."

"Sabagay. Dapat handa tayo kung masasaktan man tayo. Dahil kapartner ng MAGMAHAL ang MASAKTAN"

"Inulit mo lang sinabi ko eh" sabay tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Okay sorry. Eh ikaw naranasan mo na ba yun?"

"Oo sobrang sakit nga eh" sagot ko

"Huh? Pano? Kwento ka naman"

"First boyfriend ko si Oliver nung 3rd year high ako. Dito din siya nag-aaral dati. Super sweet namin noon. Halos lahat ng studyante hinahangaan kami. Until nung etong 4th year high na kami nag migrate sila ng family niya sa US then.." Huminga muna ako ng malalim "Then nag crash yung airplane na sinasakyan nila tapos siya Dead on Arrival then nakita kong naipit sila nung isang girl sa may window ng eroplano akala ko kaibigan niya lang pero nalaman kong girlfriend niya pala yun." tapos tuluyan na akong napaiyak.

"Sshh tahan na. Sorry kung pina explain ko pa sayo" sambit niya habang yakap ako at hinihimas ang likod ko

"Okay lang" tipid kong sagot

"Oh eto yung panyo ko oh. Kahit wag mo na balik. Sayo na lang" sabi niya sakin. Sabay abot ng panyo niya, tinitigan ko lang iyon nagdadalawang isip kasi ako baka trip lang ako neto. "Ako na nga magpupunas ng luha mo. Iniisip mo nanaman sigurong trip kita noh?" Tanong niya habang pinupunasan yung mga luha ko. Tumango lang ako. "Sa oras na may nangangailangan dapat lagi kang nandiyan. Isang tabi ang pangtitrip dahil uso ang pagseseryoso." Seryoso niyang sabi

"So bakit nga pala kayo nangtitrip?" Tanong ko

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong naman niya. Tumango lang ako. "Ganito kasi yun. Nagkaroon kami ng Girlfriends. Kaming apat, at ang girlfriends namin parang kayo ding apat, magkakaibigan. Pero one day nahuli ni Matt yung apat na babae na may kahalikan na iba. Iniisip mo bang magkakasama yung apat?" Tumango na lang ako "Oo magkakasama sila. Dun sa locker room, dahil dun ang place na tahimik. Sobrang bulag pala naming apat noon kasi alam na naming ang cold nila pero hindi pa rin namin sila binibitawan. Sobrang seryoso namin sakanila. Then one time naisipan naming gumanti. Hindi sakanila pero sa lahat ng babae."

"Eh bakit naman saming lahat? Diba sila lang naman ang nanloko sa inyo?"

"Oo nga pero dahil wala na kaming apat dun sa school, nakita namin kayo para kasing kayo yung apat."

"Alam mo Chris. Hindi kaming lahat ang naging girlfriend mo kaya wag mo kaming sisihin dahil sa panloloko sayo"

"Oo nga! Tama ka dy---" naputol ang sasabihin ni Christian ng biglang

BLAG!! bumukas na yung pintuan. O_o yess makakalabas na din sa wakas.

"Uy sis! Okay ka lang? May masakit ba? May ginawa ba sayo yan? Pinagtripan ka ba? Bakit kayo na-stuck dito? Kagagawan ba nila yan? Ano sagot." Pagbubunganga ni Xy sakin. Nagkatinginan na lang kami ni Christian sabay napangiti.

"Sis okay lang ako, walang masakit sakin, wala siyang ginawa sakin, hindi niya ako pinagtripan and last but not the least. We don't know how we stuck here. But thank you kayo yung tumawag ng maintenance" sagot ko sakanya. Tapos nagsidatingan na yung tatlong boys..

"Uy pre okay ka lang? Ano pinagtripan ka din ba? Ginantihan ka din ba? Ano sagot." Pabubunganga ni Matt. Hayy nako bagay yata 'tong si Xy at Matt eh hahahaha 😂

"Boys calm down okay lang ako. Don't worry about me huh. Tara na lang kumain na tayo kanina pa ako gutom"

"Busog na kami" sabay sabay nilang sabi pati yung tatlo kong kaibigan.

"Edi sumama na lang kayo samin" sabay naming sabi ni Christian.

Thanks for reading. 💋

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now