Tears

3.1K 104 2
                                    

Christian's PoV

Eto na. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam basta kinakabahan talaga ako, alam kong may permission na ako sa family ni Ashley at permission sa mga teachers dito sa school pero mas kinakabahan ako kay Ashley.

Maya maya pa dumating na yung apat na babae. At sumenyas na si Rafael na tanggalin na yung blind fold at nagsimula na akong magsalita .

"Ashley Mendoza, I'm sorry. Sorry sa nagawa kong kasalanan last month, oo alam kong nasaktan ka doon, pero Ashley patawarin mo na ako oh. Isang buwan na ang nakakalipas pero hindi mo pa din ako pinapatawad" at tuluyan na akong umiyak "Ashley kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko. Lahat yun para sayo, kasi mahal kita. Alam mo kung bakit kami lumipat dito? Dahil sayo! Hindi dahil sa pagtitripan kita dahil yun sa mahal kita Ashley at gusto kong patunayan sayo. Una palang kitang nakita nagkagusto na ako sayo."

"Ha? Anong unang nakita?" Tanong ni Ashley

"Kasama ka ng kuya mo. Siguro nagtaka ka noon kung bakit kami magkakilala ng kuya mo. Matagal na kaming magkaibigan, nagulat lang ako nung kasama ka niya nung inaya ko siya sa bahay. Ashley pakinggan mo lahat ng sasabihin ko. Ashley Mendoza, I love the way you talked to me. Gustong gusto kitang pagtripan noon kasi gusto ko yung lagi mo akong napapansin, Ashley mahal na mahal kita simula pa noong nakita kita, you changed my world, ikaw ang dahilan kung bakit itinigil ko ang rules namin magkakaibigan, ikaw bilang leader sa inyong apat ipinakita mo sakin kung gaano ka kamaldita pero hindi big deal sakin kasi mahal kita. Alam mo bang itinanong pa kita kay Aimee, nung nalaman kong kapatid mo siya, siya yung pinagtanungan ko sa history niyong apat. Si Alberto? Yung kuya mo? Siya ang una kong sinabihan na nagkakagusto ako sayo. At ang pinakahuli. Humingi na ako ng permission sa family mo. At ito? Itong ginagawa ko? Lahat ng ito ay may permission magmula kay Ms. Mendoza hanggang sa teachers. Yung sabi ko sayong inaasikaso ko? Ito yun Ashley, at pati yun sa pamilya mo. Kaya Ashley patawarin mo na ako oh! Sorry kung isang buwan na akong nangungulit sayo. Mahal lang kasi talaga kita. Higit pa sa pagmamahal ko sa tatlong ugok na kaibigan ko."

"So anong ibig mong sabihin?"

"Manliligaw ako at hihintayin kita na sagutin mo ako, pagbibigyan kita. Bibigyan kita ng oras. Ganun kita kamahal Ashley"

"Then?"

"I love you."

"Tapos ka na?"

"Oo" sabay yuko ko

"Ahh sige bye"

"Teka Ashley wala ka pa naman' nireresponse sa lahat ng sinabi ko ang haba kaya nun"

"So kasalanan ko?"

"Sabi ko nga hindi. Pero Ashley I need your response. Patawarin mo na ako, oh ayan luluhod pa ako" paluhod na sana ako ng bigla akong pigilan ni Ashley

"You don't need to do that, you already proved that you love me. You prove that I'm worth to wait. I already forgive you sabi nga nila diba Forgive and Forget. I forgive you and I forget about what happened last month."

"Ayun lang?"

"Yes"

"Sige pero thank you"

"Joke. I love you too Christian" naluluha niyang sabi

"W-what? May sinasabi ka ba?"

"Sus nagbibingi-bingihan pa. Wag ganun babe"

"Di kita marinig. Lakasan mo kasi" natatawa kong sabi

"I said I Love You Too Christian Gonzaga. And I want you for the rest of my Life."

"So you mean sinasagot mo na ako?"

"Oo"

"Yess" sigaw ko. "Kami na ni Ash--"

"Sshh ang ingay mo may nagkaklase" natatawa niyang sabi

"Wala yan." Sabay hawak ko sa kamay niya "Kami na po ni Ashley Mendoza" sigaw ko pa

"Ayy ang kulit, may mga bata"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto"

"Gusto pala eh."  At niyakap ko siya "I love you Bad Girl ng buhay ko"

"I love you too bad boy ng buhay ko" at kumalas ako sa pagkakayakap para halikan siya sa noo.

"Ba't ka umiiyak?" Naluluha kong tanong sakanya

"Wala tears of joy. Ikaw nga din eh umiiyak"

"Ang tunay na lalaki iniiyakan ang babae"

"Sus tama na dramahan" sigaw ni Rafael

"Mabuhay ang bagong kasal"sigaw pa ni Matthew

"Hoy ugok tumigil ka nga! Hindi pa noh. Nirerespeto ko pa siya at ang pamilya niya"

"Ang bait naman ni Boss Christian" asar ni Xyrelle

"Hahahaha tama na yan. Tara na sa room" aya ko sakanila

***

Pagpasok namin ng room...

"Congrats newly Weds" sigaw ni Troy

"Hoy hindi pa." Sagot ko

"Pero malapit na" kinikilig kilig na sabi ni Troy

"Oo hahaha" natatawang sabi ni Rafael kaya binatukan ko "Aray"

"Umupo na nga tayo doon." Aya ni Ashley

"Yess wala ng iwasan" sigaw ni Stephen

Maya maya pa lumapit samin si Miley ayy kay Ashley lang pala hahahahaha

"Hi Ashley, gawa gawa lang ni Christian yung pag-upo ko sa lap niya para lang pagselosin ka kaso sabi niya hindi daw effective hahahaha"

"Ayy ganun? Sige sorry sa nangyari noon ha"

"Okay lang."

At umupo na lang kami.

Walang teacher kaya pinagkakaguluhan kami ni Ashley dito sa room.

"Sshh iimbitahin tayo niyan ni Christian sa kasal nila." Sambit ni Troy

"Lol Troy manahimik ka muna matagal pa" sigaw ko

Maya maya may pumasok na officer..

"Anong kaguluhan 'to?"

"May newly weds po kasi" natatawang sagot ni Troy

"Newly weds? Baka bagong mag boyfriend at girlfriend, dito ba yon?"

"Opo.dito"  sagot ni Xyrelle sabay turo samin ni Ashley

"Ayy yung anak ni Ms. Mendoza si Ashley."

"Hehehe opo." Sagot ni Ashley.

Mga ilang oras lang kaming walang teacher kaya ang gulo talaga sa room.

Don't expect to much because that too much will hurt you so much. Better to wait, than to expect.

Thank you for reading...

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now