Dito??!!

3.7K 119 3
                                    

Ashley's POV

Nagising na ako sa alarm ko. Dumiretso na ako sa c.r. para maghilamos at maligo. Pagkatapos ko eh, kinatok ko na si Xyrelle

"Xyrelle" sabay katok maya maya pa binuksan niya na din na halatang bagong paligo si gaga hahaha..

"Goodmorning Ash" bati niya sakin

"Goodmorning din. Tara na baba na tayo mukhang nasa baba na din sila eh"

Pagbaba namin kumakain na yung dalawa. Kami naman ni Xy kumain lang ng sandwich tsaka ng coffee.

"Ayos na sainyo yan?" Tanong ni Shai

"Oo pag nagutom kami bibili na lang kami ng pagkain." Sagot ni Xy

"Osige na bye na 9:30 a.m. kasi usapan eh. Aalis daw kasi yung apat mamayang hapon so makakaalis pa tayo mamaya" sabi ko

"Ahh osige good news yan" tuwang tuwang sabi ni Chesca

Nagwave na lang kami ni Xyrelle as Goodbye. Tapos lumabas na din kami at sumakay sa kotse ko.

Now Playing: Like I'm gonna Lose you by Meghan Trainor ft. John Legend

Parang may pinagdadaanan 'to :3 kanina pa nakangiti eh. Tapos nagpatugtog ng Like I'm Gonna Lose you :3

Maya maya pa nandito na din kami sa school tapos sila Troy at yung iba pa naming kagrupo nandito na din. Mga isang minuto na ang nakalipas pero siya lang? Bakit siya lang?

"Oh pre nasan si Christian?" Tanong ni Troy

"Ako na lang daw sumundo sa inyo may aayusin daw siya sa bahay" sagot ni Matt

"Aish bakit ikaw pa" reklamo ni Xy

"Ang arte mo talaga. Isa pang arte mo pauupuin kita sa tabi ko mamaya" sabi ni Matt

"Subukan mo lang kundi ililikoliko ko yung manibela mo."

"Oh talaga natatakot naman ako" sarkastikong sabi ni Matt

"Wala ba talagang araw na hindi kayo magbabangayan??" Singit ko

"Wala" sabay nilang sagot sakin

"Hayy nako kaimbyerna kayo ah" sabi ni Troy

"Ba't ang tagal nung iba?" Pag-iiba ni Princess sa usapan

"Si Stephen hinahanap mo noh?" Tanong ni Troy

"Hindi, nangangalay na ako dito eh" sagot ni Princess

"Nakoo nakoo ayusin mo lang mga sagot mo Cess." Pang-aasar ni Matt

"Eto naman singit ng singit eh" sabi ni Xy kay Matt

"Eh kung lagyan ko ng packaging tape yang bunganga mo?" Tanong ni Matt

"Eh kung ako maglagay?" Tanong ni Xy

"Wait lang may kukunin lang ako sa bag ko." Sabi ni Troy

Maya maya pa....

"Ayan perfect para naman matahimik diba" sabi ni Troy habang nagpapalakpak pa. Kami naman nila Princess tawa ng tawa

"Hahahaha.. T-tro hahahaha raulo ka talaga hahahaha" sabi ko. Hindi ko talaga mapigilang matawa sa itsura ng dalawa hahahaha. Pero maya maya pa tinanggal din ni Troy.

"Oh magtino na kayo ha" sabi niya pa tapos tumango tango lang yung dalawa

1hour later

"Uy ano ba ang tagal naman uuwi na kami ni Xy" reklamo ko

"Hayy nako sila Xean na lang naman ang hinihintay eh" sagot sakin ni Matt

"Ihh ang tagal kaya." Reklamo ko ulet

"Ahh osige ganito kayo na lang pumunta dun diba tapos ako hihintayin ko sila." Sarkastikong sagot sakin ni Matt

"Eh gag* ka pala eh. Papupuntahin mo kami tapos hindi namin yun alam. Ano pang sense mo at pinapunta ka ni Christian dito para samin?" Inis na sabi ni Xy

"Oh tignan mo ngayon umuusok na yang ilong at tenga mo hahahaha" pang-aasar pa ni Matt

"Mr. Matthew Alonso umayos ayos ka kundi liligpitin kita." Sabi ni Xy

"Ms. Xyrelle Fernandez Alonso eh este Fernandez lang eww ayoko maging asawa ang katulad mo yuck, anyways ayun na sila oh" sabay turo niya.

Hayyss dumating na din sila matatahimik na din ang mundo ko.

"Tara na bilisan na natin kokonyatan ko na kayo eh" sabi ni Troy

"Sunod na lang kayo sa kotse ko ha" sabi ni Matthew tapos nagsitanguan kami lahat

Sumakay na kami lahat sa kanya kanya naming kotse. Pinaandar na ni Matthew yung sasakyan niya pati na din ako pinaandar ko na din. At sinusundan lang sila.

Habang nagdadrive kami parang familiar yung daanan pero maya maya nagiba yung way.

After 123456789 hours 😂 nandito na din kami.

"Oh eto na yung bahay namin." Sabi ni Matt

Inikot ikot ko yung mata ko kasi parang ang familiar ewan ko kung bahay namin ng family ko or uh-oh... Literal akong nagulat kaya inalog alog ko si Xyrelle na nakatalikod sakin.

"Xy tumingin ka dito"

"San?"

"Dito sa tinitignan ko"

"Anoooo???!!!"

"Hunyetaa diba"

Kaya sabay kaming humarap kay Matthew

"Ditoooooo???!!" Sabay naming sigaw

"Nakakabingi" reklamo ni Stephen

"Walang may pake" sagot ni Xy sakany. "Ikaw Matthew Alonso eto lang pala ang bahay niyo hindi mo man lang sinabi. Edi sana hindi na kami nagsayang ng gas. Ang mahal din ng gas noh" dagdag pa ni Xy kay Matthew naman.

"Ano bang sinasabi mong bungangerang babae ka ha?" Tanong ni matthew

"Tara dito. Nakikita mo yang bahay na yan? Yang katapat ng bahay niyo?" Tanong ni Xy habang hawak yung braso ni Matthew

"Oo nakikita ko kasi may dalawang mata ako" sarkastikong sagot ni Matthew kaya binatukan siya ni Xy

"Oyoyoy!!! Anong nangyayari dito?" Singit ni Christian

"Eto kasi oh" sabay hatak ko kay Christian. "Nakikita mo ba yang bahay na yan?"

"Oo kasi nga may dalawang mata ako at malinaw ang paningin ko. Oh okay ka na?"

"Wag niyo kaming pinipilosopo" sabay naming sabi ni Xy

"Eh ano ba talaga kasi point niyo?"

"Bahay namin yaaaaaaaaan" sigaw ko

"Ay yess yan lang pala bahay niyo eh hahahaha yari kayo" natatawang sabi ni Christian

"Subukan niyong manggulo samin." Sabi ni Xy

"Pumasok na nga lang kayo sa loob dami pang arte eh." Sabi ni Christian

"Eh sa sayang yung gas namin at pagod ko sa pagdadrive" sabi ko.

"Ano namang pake ko dun?"

"Bayaran niyo yung panggagas namin mamaya"

"Ano ka chicks?"

"Manok ako"

"Lol"

"Lol ka din"

Sila Christian Mendoza, Matthew Alonso, Jayvee Dela Cruz at Rafael Lim ay kapitbahay namin????!!!! Oh noh  -,- may alam kaya si Kuya dito? Eh siya naman yung nakakakilala sa apat eh, siya din yung pumili ng bahay na to. Aish. Kaya ko 'to, kaya namin 'to.

Thanks for reading... 💋

The Four Bad Girls And BoysWhere stories live. Discover now