13: Dare

19K 214 14
                                    

Chapter 13: Dare?

“Bec, balita ko, pinalabas ka kanina sa dressing room ni Sir Rye ah,”

“Oo, Roxanne. Kailangan mo pa bang ulitin ‘yun sakin?”

“Baka naman hindi kasi talaga kayo ang para sa isa’t isa.”

“Huh? Pa’no mo nasabi?”

“Hindi kasi magandang pagsamahin ‘yung pangalan niyo eh. RYEBEC. RAYBEC. BECLEY. Friend, wala talagang magandang mash up ng pangalan niyo. See?”

Itong si Roxanne. Kung hindi ko ‘to bespren, mas malamang sa malamang eh nasabunutan ko na rin ito. Sandamakmak na Rye-related topic na ang naikwento niya simula ng alas-sais ng gabing umuwi kami sa bahay. Nga pala, dito muna siya matutulog sa amin. Sabay kasi kaming papasok bukas para sa Talent-talent kuno ng mga professors. Closing ceremony na rin ng anniversary ng college bukas, Friday, kaya naman lahat ng estudyante ay naroon. Hmmm…

Nakahiga ako sa kama ko. Naka-flat ang likod ko sa malambot kong kama. Nagpapatugtog kami ni Roxanne habang siya ang gumagawa ng assignment ko sa guidance at values education na rin. Ipapasa ko pa rin naman ‘yon kay Chloe kahit sobrang nanggigigil akong kailangan kong gawin ‘to para sa kanya.

“Roxanne. Kung gusto mong makakain ng hapunan, tapusin mo na ‘yung assignment ko. At ‘wag mo ng pakialamanan ‘yung pangalan namin ni Rye…”

Ang dami ko nang nasabi pero parang wala naman akong kausap. Tumayo ako para tignan kung may natatype na siya sa laptop ko. Pero ang tangi ko lang nakita ay.

“SABI NA NGA BA!”

“AY BUTIKI!”

“BAKIT PROFILE ‘YAN NUNG PROF MO!”

Bigla niyang finold ‘yung laptop at tumingin ulit sa akin na parang may nagawa siyang malaking kasalanan. Nakangiti siya na parang may pagkaewan! Nakakaloka kamo ‘tong pinagkakaabalahan niya. Totoo palang naloka na siya ng professor niya.

“Bec… Ang ganda siguro ng combination ng pangalan namin. Xaelle. roXAnne at jaEL. ‘Yung additional L at E sa dulo eh, lovers, tapos… eternity! Ayos! Buti pa kami. Hindi tulad niyo ni Sir Rye. Ang baho talaga friend. RYBEC! RYBEC!”


“Magtigil ka nga! Pwede rin namang…” hindi ko na rin natuloy ang naisip ko dahil mukhang walang magandang pakinggan na combination ng pangalan namin. “AH basta! Tumigil ka!”

Parang hindi niya rin pinapansin ‘yung sinasabi ko dahil nakatingin na naman siya sa monitor at naging stalker na forever ng Sir niya.

“BEC! BEC! TIGNAN MO! TIGNAN MO!” sigaw ng sigaw si Roxanne habang hinahatak niya ‘yung dulo ng t-shirt ko. Nako.

“ANO BA ‘YUN!”

“Friends na kami ni Sir Jael! In-accept niya na ‘yung request ko! Aba, matagal na rin akong nag-add sa kanya!”

Hindi ko na pinansin si Roxanne sa mga kalokohan niya. Dahil alam ko namang hindi na magkakaroon ng realidad sa mga pantasya niya dahil sobrang labo talaga. Pero kahit gano’n, mahal ko ang bespren ko at hindi ko hahayaang basta na lang siyang mabaliw sa lalaking ‘yun.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko. Anak nga naman ako ng kwan... Nakakainis naman kasi. Una, napakalabo lang ng nangyayari sa amin ni Railey. Tapos, kanina, tanging ehem na lang ang nasabi niya sa akin? Anong gusto niyang gawin ko? Every chapter na lang ba magsasabi ako ng sentimyento ko?

“Bes, kung may problema naman kayo ni Sir Rye, pwede kang magkwento sa akin,” sabi ni Roxanne habang nakatitig pa rin sa laptop. Obviously, sa DP ni Sir Jael.

“Paano ko pa sasabihin sa’yo eh sobrang busy mo d’yan sa ginagawa mo eh,” sagot ko sa kanya. Niyakap ko ang mahaba kong unan. Waaaaaahhhh…

“Bec, sa nakikita ko sa kanila ni Ma’am Chloe. May something. Hindi kaya naging close sila no’ng nag-cool off kayo last month? Maraming pwedeng mangyari. May mga oras na sapat na ang emosyon para hindi na ipaliwanag ang ilang bagay,” seryoso na siya dahil nakatingin na siya sa akin habang sinabi niya ‘yon.

“Ano? So, emosyon na lang kamo. Gano’n? Eh ang labo eh. Hindi niya man lang nakikita ‘yung effort ko kakahabol sa kanya. Minsan kaya nakakasawa, at nakakapagod,”

“Pero Bec, mahal mo siya ‘di ba? Sapat na ‘yon para intindihin mo naman siya. Maaaring naging close friends muna sila ni Ma’am bago kayo nagkaroon ng communication ulit. Hello, katabi sa table at kasama sa loob ng faculty, ewan ko ba naman kung hindi sila maging close,” tumayo siya para mag-explain pa at gumamit ng hand gestures para sa akin. Tinaasan niya rin ako ng kilay. At, binato ng unan?

“Salamat sa long narrative mo para sa akin ha. Sa pagkakaalam ko, kailangan ko ng explanation para sa lahat.” Pero alam kong may punto naman siya. Kaya lang, may kayabangan ako kaya reject ang point niya.

“Nako Becbec! Ayan ka na naman. Kaya dumarami kaaway mo kasi ang tapang mo masyado. May dare ako sa’yo bukas, bakit hindi mo subukang magkaroon ng pagbabago? As in, demure, at classic na Rebecca.

Lumapit si Roxanne sa may cabinet at binuksan ito. Inisa-isa niya lahat ng damit ko at tsaka umiling. Napalitan ang kunot sa noo niya nang may makita siyang isang floral dress sa damitan ko. Teka. Bakit may gano’n ako?

“Bukas, suotin mo ‘to sa event sa school. AT! ‘wag kang magmumura, magagalit, at magpapasaway. Keep calm lang. Tapos, kapag nag-sink in na sa’yo ang lahat, tsaka mo kausapin nang mahinahon si Sir Rye. Kapag nagawa mo talaga ‘to, mas nagiging open ka na sa mga possibilities. Remember, sabi sa isang bible verse sa assignment mong hindi mo naman binabasa, “Do everything in love,” at tsaka siya ngumiti sa akin

“Roxanne… Parang hindi ko kaya! Sanay akong sumisigaw. Sanay akong… lumalaban? Tsaka, ayokong basta na lang ako ang unang lalapit sa kanya. Siya ang lalaki no!”

“Kung mahal mo talaga ang isang tao, lahat gagawin mo—kasama pati ang pagbabago,” sabi niya na naman. May point siya eh, kung nasa romantic novel or movie kami. Kaya lang. Wala. At ayokong magpakababa para dun.

Sir, You're Mine. FINISHEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя