34: Obsessed

14K 169 15
                                    

Lee’s POV

                A lot of people were asking kung bakit raw ang isang perfect na nurse na tulad ko ay baliw na baliw sa isang teacher na kagaya ni Chloe. Louise, as I call her. They don’t know about our story. Sa totoo lang, ang kapatid ko lang na si Denise ang nakakaintindi sa akin. Noong una supportive  siya, pero ngayon, hindi nagtagal, ayaw niya na rink ay Chloe para sa akin.

                I resigned sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Stupid decision for my Mom dahil unang-una, siya ang nagpasok sa akin roon. At pangalawa, mas malaki ang sahod ko roon kesa sa lilipatan ko—sa school ni Louise. I always wanted to be closer to her. Kahit pa mabantayan ko lang siya, ayos na sa akin.

                “Welcome sa university clinic, Mr. Lee. I was wondering why you’d decided to transfer here kahit pa ang laki-laki na ng sahod mo sa hospital na pinagtatrabahuan mo,” bati sa akin ng resident doctor sa clinic ng school nila Chloe. Inabot niya rin ang kanyang kamay para makipag-shake hands.

                “Ma’am, the thing is, I want to explore new things. Dalawang taon na rin akong nag-stay roon. It’s time for me to move and explore more,” paliwanag ko sa kanya.

                Nang matapos kaming mag-usap, lumabas na ako ng clinic para maglibot sa school. Tinignan ko ang mga bulletine boards na makikita ko. Umakyat ako sa third floor at nagbabakasakaling makita si Chloe. Hoping. Sana nga nandito siya.

                Habang umaasang naghihintay sa kanya, napatingin ako sa isang bulletin board ng college nila. Mukhang list ata iyon ng names ng teachers sa College of Education. Binasa ko nang maigi ang pangalan nila, nakita ko roon ang pangalan ni Railey Medrana. Siya pala ‘yon.

                “Excuse me, Sir. May ilalagay lang akong memo,” bati ng babaeng nakasuot ng maiksing dress na kulay black at above the knee pa. Medyo fitted para sa kanya. May katangkaran ang babae. Pamilyar siyaa.

                Umatras ako sandali habang inaantay siyang matapos sa kinakabit niya. Pamilyar yung babae. Parang nakita ko na siya. Yung angas ng mukha niya, it seems to be…

                “Have I seen you before?” I asked her. And this time, humarap na yung babae sa akin. Aha.

                “I think I know you!” sigaw niya sa akin. Is this the way she greet people. Parang kelan lang nakikita ko siyang umiiyak.

                “It’s me Rebecca. College staff ako dito. Ikaw?” tanong niya sa akin.       

                “School nurse,” I said.

                “Cool. Kaya pala malinis kang tingnan. You look good,” sabi niya at nagpaalam na siya.

                Tinignan ko ‘yung pinost niya sa bulletin board. Akala ko kung ano. It was just a reminder about the upcoming program that they’re going to have. They seem busy. Everybody’s busy. But where is Chloe?

                Binasa ko pa ng maigi ang nakalagay sa bulletin board na iyon. Nalaman ko ring si Sir Railey pala ang head ng English Club. ‘Yung Sir Jael naman sa Choral nila. Sir Rain at Ma’am Anna for Debate. Si Chloe lang ang walang hawak na club. Siguro, inayawan niya.

                “Kaibigan ka po ba ni Chloe?” tanong sa akin ng isang lalaki. Napaatras ako pagbati niya sa akin.

                “Yes, by the way, I’m Lee. We’re childhood friends.” Nakikipagkamay ako sa kanya, pero tumanggi siya.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon