20: Kiss

18.9K 245 18
                                    

This chapter is dedicated to @rizzamaruja, my super mabait na friend. Siya 'yung magandang sumulat ng 14 Pages. Basahin niyo 'yun guys, at be ready to cry. Ang spoiler ko langs.

A/N: Like fb.com/lee.miyaki or add me fb.com/imtheweirdapple. Sobrang dami ng benefits niyan. Chos. Add niyo ako para maisali ko kayo sa group natin sa Facebook! <3 <3 Love love!

Roxanne’s POV

“R-Rebecca?”

Nang lumingon ako sa likuran, napansin kong wala na si Rebecca. Hinanap ko rin si Sir Railey… at mukhang wala na nga rin sila. Paano na ako ngayon neto? Nahihiya pa naman akong humarap nang mag-isa kay Sir Jael. Papano, hindi ko masabayan ang mga jokes niya dahil sa hiya ko. Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko sabay lunok ng laway, pampatanggal ng kaba. Hayyy.

Pagkatapos ng medyo mahabang lakaran, nakarating na rin kami sa Agustin’s Diner. Ang lawak ng lugar. May pagka-casual ng dating ng lugar. Malawak ito at may resemblance ng isang bar pero at the same time, formal na kainan. May maliit na stage sa gitna. May isang babaeng kumakanta at isang lalaking nag-gigitara.

Nakatayo ako ngayong mag-isa. Walang Rebecca na hinahawakan sa kamay sa tuwing kinakabahan ako.

Kainis.

“Guys. Du’n tayo sa Room number 1,” aya ni Sir Jael sa amin papasok sa loob ng kainan.

Lumingon ako upang hanapin ‘yung room number 1, pero bakit parang wala naman? Pasensya naman. Malapit lang sa school itong kainan pero hindi ko pa talaga napupuntahan, gagraduate na lang ako e.

Si Pam na lang ang kasama ko. Si Ma’am Anna nakahawak ng kamay kay Sir Rain. Si Sir Jael, sobrang makangiti sa aming lahat. Bakit  ba sa tuwing ngumingiti siya, nanlalamig ako? Weird.

Sinundan naming lahat si Sir Jael. Nasa likuran ako ni Pamela. Medyo makipot ang daan at kailangang isa-isa lang. Tila isa siyang tunnel pero may mga ilaw naman sa loob. Sapat na para makita ko ang kagwapuhan ni Sir Jael. Uhmm… Siya lang nakikita ko agad kahit nasa harapan ko pa sina Sir Rain, Ma’am Anna, at si Pam.

Nang buksan ni Sir Jael ang room, bumungad ang isang Function Room. Maraming lamesa sa loob na nakaayos nang pang-formal dining. Medyo malakas ang sounds sa loob. Malakas rin ang tawanan ng mga kaklase ko, mukhang gutom na nga. Ako, walang malakas sa akin, ni lakas ng loob, wala.

May isang table na bakante. Dun kami pinapunta ni Sir Jael. Dun niya kami pinaupo. Ipinatong niya ang bag niya sa isa sa mga upuan sa table na ‘yon. Ibig bang sabihin… Dun din siya uupo? Nakakahiya. Hindi ko alam kung papaano ako kakain sa harapan niya.

Pumunta si Sir Jael. Kasabay nang pagpunta niya, ay isa-isa nang nagpasukan ang mga waiter upang ihain ang mga kakainin namin. Hindi naman ako gutumin, nagugutom lang ako kakaisip sa kanya.

Hindi kami nagkikibuan ni Pam. Wala akong kausap. Beca naman kasi. Sabi ko sa kanya, ‘wag ako iwan.

Habang kumakain kami, pumasok ang kumakantang banda sa may labas ng Room na ito kanina. Isang babaeng singer at isang lalaking taga-gitara. Ang ganda ng tinutugtog nila, bagay na bagay sa akin.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now