49: Moving On

7.6K 161 32
                                    

Chapter 49: Moving On

 

Note: This is just a short update. I might update a lil longer next time. Please. Give me some encouraging words so I may continue writing this. Kinda feeling down lately. I love you guys!

Dedication: Thanks to Shinlannforever. Nakakatawa kasi ‘yung comment niya sa last chapter. Basta. Haha.

Rebecca’s POV

Black out pa rin ako from last night. Basura. Sobrang walang maalala. Nagulat na lang ako nang naimulat ko na ‘yung mga mata ko, nasa ibang bahay na ako. Ibang kama, ibang pakiramdam, at higit sa lahat, ibang katabi. Fvck.

                “Good morning, princess,” bati sa akin ni Jael. Nakatambad sa akin ang upper part ng body niya. Bagamat natatakpan ng kaunting piraso ng kumot ito, napansin ko pa ring maputi pala si Jael.

                Magulo ang buhok nito at parang may kanya-kanyang direksyon ang bawat strand ng buhok niya. Pero kahit gano’n, namangha pa rin ako kahit papaano sa natural beauty na nakikita ko sa harapan ko ngayon. “Sorry.” Ito na ang sumunod na sentence na narinig ko mula sa kanya.

                Sinimangutan ko lang siya pagkatapos niya akong ngitian.

                Tae naman kasi, naaalala ko pa rin si Rye.

                “Uh. Wala ‘yon. Problemado lang talaga siguro ako kaya nagpaubaya ako,” sagot ko sa kanya. Alam ko na eh, alam ko na kung bakit siya nagso-sorry.

                “Ha?” nagtatakang sagot nito. “Anong sinasabi mo d’yan? Ang ibig kong sabihin sa sorry na ‘yon eh, sorry kasi kahit panay ang yaya mo sa akin kagabi ay tinanggihan kita. Haha. I told you Rebecca. Kaya ko namang magpigil. Ayokong ipaubaya ang sarili ko sa babaeng walang thrill,” dugtong nito.

                Halos hampas-hampasin ko na siya kahit kamay ko lang gamit ko. “Nakakainis ka! Nakakainis! Eh bakit nakahubad ka pa d’yan? Bakit topless ka?”

                “Tumabi lang naman ako matulog. Bakit ba? Isa lang kama ko sa condo. Ayokong malamigan sa lapag o sa sala. So, tabi tayo.” Ngumiti ito. Sinimangutan ko ulit siya.

                “At least kahit papaano, katabi kita kahit alam kong malayo ka pa rin talaga,” malungkot na sabi nito. “Oh smile na! ‘Di naman kita aanuhin! Duh,” pagbibiro nito. Nakakainis.

                “Ewan ko sa’yo Jael. Nasaan na mga damit ko?” sabi ko habang kinakapa ang katawan ko. “Bakit nakasuot ako ng t-shirt? Boxer shorts? At—“ ‘di ko na masabi ‘yung word na panty sa sobrang hiya.

                “Assuming ka kahit kelan, Rebecca. Btw, I called my neighbor. Babae ‘yun. Relax ka lang. Sabi ko sa kanya kagabi, este kaninang umaga, na bihisan ka niya. Ayoko tumabi sa mabaho,” sabi niya. “Siya gumawa ng lahat ng ‘yan. Ako lang bumuhat sa’yo papunta sa kama ko.”

                “Technically, kinama mo ko. Tangina Jaeel! Naiinis ako sayo! Bakit—“

                “Hindi ka pa nagtutooth brush simula nang makatulog ka. Kaya please, ‘wag mo muna kong kausapin,” pero hinalikan niya pa rin ako sa labi nang sandal.

                “H’wag kang mag-alala kasi kahit umalis ka, hindi ako aalis. Hihintayin lang kita dito,” sabay turo sa puso niya. Kaya please lang, mag-tooth brush ka na. Ayoko nang magdrama masyado.”

                Natawa ko kahit papaano. May ganito pala siyang side. “Oo na, pasalamat ka, cute ka. Kundi, ewan ko lang.” Ito na lang ang nasabi ko. Uh, ewan. Masyado lang akong naging masaya sa joke niya.

Pumasok ako sa napakalinis niyang CR. Humarap ako sa salamin. Ngumiti ako. Sumimangot. Ngumanga. Wala pa rin. Break pa rin kami ni Rye. Wala nang magbabago except na lang kung magpapakabobo ako.

                Bigla kong naisip, may steps ba ang pagmo-move on? Kailangan ba ng proseso? Kailangan ban g closure? Parang hindi naman. Parang hindi ko na kailangang makinig sa taong hindi naman na magsasabi ng totoo. Ang hirap nang makinig sa taong sarili niya lang ang iisipin. Ang hirap lalong makinig sa taong walang ibang pakikinggan, kundi ang echo ng boses niya.

                Railey. Tama na. ‘Wag ka nang tumakbo sa isip ko. Pagod na pagod na ko. Gusto ko nang mag-move on. Baka may magandang future pa ang naghihintay sa akin.

                Pero teka, paano nga ba mag-move on?

                Ewan ko.

                Wala akong idea.

                Ang tanging alam ko lang, wala namang steps ang pagmu-move on. Kusa itong dumarating. ‘Yung oras mismo ‘yung gumagamot sa lahat ng sakit at sugat na naramdaman ng tao. Alam ko namang darating ‘yung oras na pagtatawanan ko na lang ang sarili ko sa ginagawa kong pagpapakatanga ngayon.

                Wala eh. Parte talaga ng buhay ng tao ang maging tanga kahit isang beses. Masasabi mo kasing nagtagumpay ka talaga kung nalagpasan mo lahat ng challenges ng buhay.

                Masasabi mong naka-move on ka na, kapag wala ka nang pakialam kahit marinig mo na ang pangalan niya.

                “Tangina.” Oops. Nagmura na naman ako. Nakakahiya nga talaga ako. I don’t deserve someone like Railet Medrana—the most outstanding instructor in our university.  

                Napahawak ako sa maliit na lababo sa loob ng CR niya. “Rebecca. Ano na bang plano mo sa buhay?”

                “Edi kung anong course mo,” narinig kong sagot ni Jael sa likod ko. “Nakalimutan mong isara ‘yung pinto. Sana kung magdadrama ka, ‘wag mong ipaparinig sa akin,” at pansin kong pinipigilan niya ang tawa niya.

                “Education nga course ko,” sagot ko sa kanya. “Gusto ko nang mag-take ng LET kaya lang, ‘yung TOR ko napatagal. Next batch na lang ako, but for now, gusto ko mag-soul searching.”

                “Damn those soul-searching that girls do. It’s a total waste of time. You’ll easily find yourself once you accept who you are and what kind of person you are.”

                Lumapit siya sa akin. Nakikita ko siya sa salamin miski hindi ko siya hinarap. Bumilis ang puso ko, dahil sa kaba, nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. “Rebecca, please, allow me to make you happy.”

***

Dedications? Paramdam through voting each SYM chapter and leaving a comment sa latest. <3 - Lee

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now