21: Her Other Side

17.8K 191 21
                                    

Chloe’s POV

Halos isang linggo na akong hindi makapasok sa school dahil sa insidenteng nangyari last time. Actually, nandito pa rin ako sa loob ng kwarto ko. Nakahiga at nagpapalakas. Wala na rin akong masyadong nararamdaman bukod pa sa konting sakit ng ulo. Nakahiga pa rin ako at medyo nanghihina pero nakakarecover naman. At tsaka, siguro, magaling na ako kung wala akong kasama dito sa kwarto.

“Louise. Sige na naman. Inumin mo na ‘tong gamot na ‘to. Last tablet na ‘to. Please,” usal ng lalaki sa harapan ko. Nakaupo siya sa dulo ng kama ko habang hawak ang isang baso at ang gamot na pilit niyang pinapainom sa akin.

“Pwede ba, tigilan mo na ako dahil kahit ikaw pa ang huling lalaki sa mundo, hindi kita papatulan,” sagot ko sa kanya. “Tsaka, ‘wag mo kong matawag na Louise. That’s just my second name. Hindi special kahit ‘yun ang itawag mo sa akin.”

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Sa tabi ko mismo. Nakaupo muli siya sa may gilid ng kamang hinihigaan ko. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt na v-neck. Naka-shorts siya na camouflage ang design. Medyo mahaba ang buhok niya at sobrang itim nito. May singkit na mata. That’s it.

“Louise naman. Kalimutan mo muna ang galit mo sa akin. Inumin mo muna ‘to,” sagot niya sa mahabang linya ko. Aba, ang dami kong sinabi, iyon lang ang isasagot niya?

“Lee. Ayoko sayo, at kahit ikaw na lang ang kaisa-isang lalaki sa mundo, hinding-hindi ikaw ang pipiliin ko. Kahit ihulog pa ako sa bangin nila Mommy and Daddy. Hinding-hindi kita pakakasalan,” sabi ko sa kanya.

Sa maniwala kayo at sa hindi, since birth, mga magulang ko na ang nagpapasya ng gagawin naming magkakapatid. Syempre, sila ang nagpapakain sa amin. Kaya sila rin ang magdedisisyon ng kailangan naming gawin.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso. Lahat kami babae, kaya ang mga ate ko ay nauna nang nagpakasal. Palibhasa, 28 at 25  na sila. Nauna na silang naipakasal ni Mama. Sakto nga lang na gusto rin naman nila ang napakasalan nila, samantalang ako—NEVER.

“Louise, gusto kitang pakasalan hindi dahil gusto ng magulang natin, kundi dahil mahal kita. Nothing you do would make me love you less. I love you ‘til the end, and even if there’s no end.”

Isa siya sa makulit at nag-iisa kong valid na manliligaw. 18 years old kami ng sabihin sa amin ng parents namin ang tungkol sa pagpapakasal. Expected ko na naman ang lahat—pero hindi kay Lee. Kaya lang, naging makulit siya. Siya lang ang taong masaya dahil itinakda ng mga magulang niiya ang pagpapakasal niya. Ako, sobrang opposite. Hindi ako natutuwa. Hindi rin ako nasisiyahan dahil ayoko sa kanya.

“Pwede ba, Lee. Whatever lang ang  tanging maisasagot ko sa korning lines mo. Nakita mo ba ‘yung lalaking naghatid sa akin kagabi? Siya ang boyfriend ko. Better tell your Dad that I don’t like the idea of this marriage.”

Si Rye. Buti na lang hinatid ako ni Railey kagabi. Thankful akong inalalayan niya pa ako papasok ng bahay. Inalalayan niya rin akong iupo sa sala. Nagulat lang akong biglang dumating si Lee ng wala sa oras. Aww. Siya nga pala ang person-in-case-of-emergency sa likod ng ID ko sa school. Wala sa Pinas ang parents ko. Wala rin akong family ever since nag-transfer ako sa Manila. Si Lee lang talaga ang nagsumiksik na mag-alalay sa akin. WTF.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now