36.2: From?

12.2K 192 19
                                    

Announcement po:

May ongoing giveaway po about Sir, You're Hot! All you have to do is a fan sign na ang nakasulat ay Sir, You're Hot. The fan sign mst be creative po! Three winners will be chosen. At ang prize ay Sir, You're Hot Book + Dedication + Signature pa. Oo! Fan sign lang, magkaka-book ka na? Shemz. Sali na. Deadline na po niya tomorrow. Nag-start kasi kami noong March 15. :) For more information, add me on Facebook: Lee Miyaki .

Rebecca’s POV

 

Pagpasok ko ng office ni Dean, sandamakmak na paso ng bulaklak ang bumungad sa akin. Labindalawang paso na may tig-iisang rosas ang bumungad sa akin. Lahat ito nakalagay sa tapat ng lamesa ko. May kasama rin itong red na heart-shaped na lobo, tatlong gano’n to be exact. At ang mas nakakagulat, may isang teddy bear na brown ang nakapatong sa mesa ko. Seryoso  ba talaga ang mata ko sa nakikita nito?

Iginala ko pa ang mata ko sa loob ng office, mabuti naman at wala ng iba pang weirdong bagay ang nakita ko.

Ooops. Binabawi ko na ang sinabi ko.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay may nakita akong isang card. At ang mas weird? Valentine’s Card. Oo, buwan ng Pebrero ngayon, pero tapos na ang petsang 14. At hindi koi to minsan inisip. Hindi ko na inalalalang dadaan pa ito dahil utang na loob naman. Nakakasawa.

Nakakatawa nga naman ang panahon. Kung kailan sumusuko ka na, at tsaka ka naman nito bibigyan ng dahilan para magsimula ulit.

Noooooh. Ayoko na.

Napa-ubob ako sa mesa habang hawak ang card. Hindi ko na alam ang gagawin bukod sa pagsakay ko sa trip ni Jael. Sa totoo lang, sumasabay na lang ako sa flow. Nagmamatapang na lang ako, in return. Kainis.

Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at itinabi ang nagkalat na pot of roses sa harapan ko. Inilagay ko rin sa ilalim ng mesa ko ang teddy bear. Sa ibabaw naman ng lamesa ko ang balloons. Well, I have no choice. Ayoko naman silang itapon. I wanna know where did they come from.

 

                Life without you seems no rhyme;

                ‘Coz my smile, it’s yours all the time.

                See me now, or else I’ll die;

                Rebecca Canlas, you’re mine.

                                                From Mr. R.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako kinilig sa apat na linyang nakasulat sa card na ito. Plain white card lang ng laman ng envelope pero sa apat na linyang nakasulat dito, parang kinilig ang buong kalamnan ko. Gusto nang kumawala lahat ng creatures sa tiyan ko, at gusto na rin nilang magsisigaw sa sobrang kilig. Good thing is, napipigilan sila.

“So kanino galing ‘yan?” pagsusumilip ni Denise. Kapapasok lang niya at hindi ko rin pala siya napansing pumasok ng office. Umaga palang, sobrang laking plot twist na ang nangyayari.

“U-Uhh. Wala,” ilang na sagot ko. Itinago ko agad ang hawak kong card at inilagay ito sa drawer ko.

“What’s with the flowers, the teddy bear, and that smile? Ate Rebecca? Is that from Sir Railey?” usisa niya.

Hindi ako agad sumagot sa sunud-sunod na tanong niya. Hindi rin naman kasi ako sigurado kung kay Railey nga galing ‘yon. Knowing Railey and our situation, he won’t exert any effort in writing letters like this. What’s more weird is that it takes time to prepare these things. Alam kong hindi mag-aaksaya si Railey nang ganito.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now