19: This Damn Heart

18.1K 212 22
                                    

A.N. This chapter is dedicated to my beloved reader, @Imfallingtopieces. Reyna ng one-shots 'to eh. Tignan niy profile niya dali! Hihihi!

Para sa mga gustong magpadedicate din, tweet me @imtheweirdapple. Explain why ha? Tapos use the hashtag #SirYoureHot or  #SirYoureMine <3 [Para lang sa may gusto. ]

Rye’s POV

“Nakakaasaar siya. Palagi siyang nakangiti. Di hamak namang mas gwapo ako sa kanya. Tch.”

“Rayling, look. Hindi kaya ikaw lang ang nakakapagsabing nang-aasar siya? Nagsimula lang naman ‘yan last Friday.”

“It’s not about last Friday. Nakita ko rin kasing kinakausap niya si Rebecca.”

It’s already 8:00pm at nandito pa rin kami sa Faculty Room. Tahimik. Tanging pag-uusap na lang naming ang naririnig sa loob ng room dahil kaming tatlo na lang naman ang nandito. Halos lahat ng teacher ay umuwi. Halos karamihan, walang klase kapag Wednesday. Pauwi  na rin naman kami. Hinihintay na lang namin si Anna na lumabas sa comfort room.

“Si Sir Jael na naman ba ‘yang pinag-uusapan niyo?” pasok ni Anna. Hawak niya pa rin ang tooth brush niya dahil katatapos lang naming kumain at nanggaling na siya sa comfort room.

“Yes, babe. Naaawa na ko sa kapatid ko dahil kanina pa siya nagsusumbong sa akin,” tinatawanan ako ni Kuya habang kinakausap niya si Ma’am Anna. Hindi na napigil si Kuya sa trip niya.

“Walang nakakatawa, Kuya. Sa totoo lang, hindi ako maaasar ng ganito sa kanya kung hindi niya kinausap si Rebecca. It’s pissing me. Ayokong nakikita ko siyang kinakausap si Bec.” I said. “Besides, nang-aasar talaga siya.”

“You should be really pissed, Rye. Balita ko, kaya lumipat si Sir Jael ng school ay dahil sa issue niya sa former school niya dati,” sabi ni Ma’am Anna. She’s serious and anytime, parang may sasabihin siyang importante.

“What about his former school?” Kuya asked.

“Na nagkaroon raw siya ng karelasyon na estudyante. At bago pa man daw kumalat ang lahat, ay tuluyan na siyang nag-resign sa school na ‘yon. There he goes, nandito na nga siya nag-apply as a teacher,” she explained.

Hindi ko ugaling maniwala sa mga gano’ng tsismis, pero dahil si Jael ‘yon, hindi ako magdududa kung gawin man niya ‘yon. And tama si Ma’am Anna. Dapat akong mainis kapag lalapitan niya si Rebecca. Hindi magandang sign o act iyon at kailangan ko na siyang tigilan.

“Ikaw naman, Rye. Hanggang pagseselos ka lang ngayon no? Papano, hindi mo pa inaayos ang sa inyo ni Rebecca. Puro si Ma’am Chloe na lang ata ang inaasikaso mo,” baling sa akin ni Ma’am Anna.

“No. Hindi ganun ‘yon Ma’am Anna. In fact, tinutulungan ko lang si Ma’am Anna katulad sa pagtulong na binibigay ko sa mga estudyante ko. Hindi ko kakayaning ipagpalit si Rebecca.” I answered. I’m damn serious.

“Baka sa sobrang abala mo, makalimutan mo na ‘yung taong nagmamahal sa’yo. ‘Yan ang pinaka-cliché na dahilan ng paghihiwalay ng mga lovers. Ingat ka, baka mangyari sa’yo ‘yan,” sabi naman ni Kuya. Nakatingin siya sa kanyang cellphone habang sinasabi ito. Marahil seryoso nga siya.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now