53: Chase

7.3K 182 25
                                    

Railey’s POV

“Alam mo. Railey. OA na.”

                Isang buntong hininga na lang talaga ang kaya kong isagot sa maraming taong nagsasabing OA ang ginagawa ko. Yeah, I have given up my regular teaching job at LRU for me to chase Rebecca. Ito na lang ang tanging paraan ko para mapatunayan kong seryoso ako sa kanya at hindi ko sisirain ang nasimulan naming dahil sa isang babaeng palagi niyang pinagseselosan. I resigned dahil gusto kong malaman niyang willing akong gawin ang lahat para sa kanya.

                “Anna, darling, I will also do the same thing if you were Rebecca and I was Railey.”

                “Kuya, Anna, please stop. I already told you before that I know what I’m doing. I’m ready to face all the consequences,” I proudly told them.

                “Bago ka nga magyabang, itago  mo ‘yang boxers mo,” sabi pa ni Anna.

                Nandito silang dalawa sa bahay ko. Actually, feeling nila, bahay na nila ang bahay ko. Si Kuya at Anna talaga, tinatrato akong bata. Agad ko namang kinuha ‘yung boxers ko sa sofa. Ako lang naman kasi dapat ang nandito, sila pa demanding. Tss.

                “Seriously, Railey, anong plano mo?” tanong ni Kuya. He’s sitting beside Anna sa mahabang sofa ko, while I am sitting on a chair in my kitchen.

                “Magpapakatanga muna. Kakainin ang pride,” I paused. “Maybe, I won’t be thinking of any reconciliation. The least thing that I could have is her forgiveness.”

                “Stop chasing the person who doesn’t want to be chased. You are just wasting your time.”

                “Pero, Anna, you also chased my brother, right?”

                “Nope. I was the one who was chased by your Kuya,” she smiled.

                “Yeah, Railey. I did chase her because I can feel that she still had something for me. Ikaw? May nararamdaman ka bang kahit kaunting pagmamahal mula kay Rebecca for you to continue chasing her?”

                Napaisip ako sa sinabi ni Kuya. He’s definitely right. Do I still sense something from Rebecca? Am I still loved? I don’t know exactly how to answer these questions. But what I know is I love her and I am willing to risk everything for her.

                Sabi nila, minsan lang raw dadaan ang taong magmamahal sa’yo ng totoo. Kaya naman, kapag natagpuan mo na siya, ‘wag mo nang pakawalan pa. Ito lang ‘yung dahilan kung bakit ako nagpapakatanga para sa kanya: Mahal ko siya. That’s it. Hindi ko kailangan sumulat ng isang mahabang essay para patunayan sa kanya ‘yung nararamdaman ko. Naniniwala akong sapat na ang kilos para maramdaman niya lahat ng gusto kong sabihin. Hindi man ako ang perfect na taong magmamahal sa kanya, ako naman ‘yung taong handing yumakap sa kanya kahit anong mangyari.

                Ang tanging naging kulang ko lang noong kami pa ay ang hindi ko pag-appreciate sa existence niya. I keep on looking at her flaws. I keep on concentrating on the things that she cannot do. Now, it’s my turn to appreciate her, including her flaws. Natutuwa akong makita siya. I swear. This is the thing I’ve missed noong kami pa. Gusto ko na siyang balikan.

                I promise I’ll be honest to her. I’ll gain her trust. I swear.

                “Railey, hindi ka na nakasagot,” Kuya said.

                “The thing that keeps me going is my love for her.”

                “Baka nabubulag ka na ng pag-ibig, Railey,” sabi ni Anna.

                “Ayos lang namang mabulag sa pag-ibig kung mas maliliwanagan ako.”

                “Do you love using figures of speech, Railey? You’re funny. Tama na, bro. Ikain na lang natin ‘yan.” Aya ni Kuya. We’re having our dinner pa pala. Well.

***

Pangatlong araw ko nang tinitignan si Rebecca sa pagpasok niya. Simple lang ang civilian na damit na supt niya. Blouse na may collar at black slocks. Napakalayo niya sa Rebecca na nakilala ko noon. Mas naging responsable siya. May bag pack siyang dala. Kulay itim ito at mukhang maraming dala.

                “Good morning,” bati ko sa kanya sabay abot ng kape mula sa isang fast food chain.

                “Hi Kids!” I was snubbed. Binati niya ‘yung mga batang kasama ko ngayon sa lobby.

                “Good morning Miss Rebecca!” I shouted again. She smiled. ‘Yun lang.

Paulit-ulit ko siyang sinusundan. Paulit-ulit ko rin siyang kinukulit kahit pa lunch or break time. Syempre, hindi ko siya kinukulit kapag may klase kami. We’re one room apart. Hindi pa naman LDR ito, ‘di ba? Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya ako pinakikisamahan ng maayos.

                “Uwi ka na? Sabay na tayo,” sabi ko sa kanya nang maabutan ko siyang mag-isa sa lobby one time. She smiled na parang nag-iisip ng sagot. Gusto ko na siyang hawakan sa kamay at iuwi, pero hindi pwede.

                “Kaya kong umuwi mag-isa,” sabi niya.

                “Kaya rin kitang ihatid,” sabi ko.

                “Tumigil ka nga. May mga bata pa.”

                “Sige, pag-alis na lang ba nila?”

                “The hell.”

                “Bec, may mga bata pa.”

                Muntik niya na akong batukan pero naudlot dahil nga may mga bata. Nakakatuwa, sa tuwing may dumadaan na service van para sunduin ang mga bata, mas na-eexcite akong sabayan siya pag-uwi.

                “Wala ng bata, Bec.” Nakatayo ako sa tabi niya. Nakatingin siya sa pintuan pero wala namang tao roon eh. I know, iniiwasan niya lang ako. Pakipot naman talaga ang mga babae.

                “Wala rin akong pakialam, Rye.” Nababara na ako. Damn.

                “Wala ka na bang kaunting awa para sa akin?” Nasa labas ang gwardya kaya nasasabi ko to ngayon.

                “Ikaw, may nararamdaman ka ba sa tuwing nagsisinungaling ka?” sambit niya.

                “Oo, nasasaktan ako kasi nasasaktan kita. Gusto kong bumawi.”

                “Sa palagay mo ba, matutuwa ako sa paghabol mo? Mas lalo akong naiinis.”

                “Please, give me one more week. I’ll prove to your na I’m sincere.”

                “Railey naman. Hindi ko kailangan ng isang linggo mo. Hindi ko kailangan ng effort mo. Alam mo ba kung anong kailangan ko mula sa’yo?”

                “Ano?” tanong ko.

                “I want freedom. Please, let me go. Let go of the idea na babalik pa ako sa’yo.”

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now