14: Stay

19.8K 265 22
                                    

Author's Note: Click the external click for more excitement. :D

 

Chapter 14: STAY

 

Roxanne’s POV

Malakas ang sigawan sa labas ng St. Peter and Paul’s Hall. Sa totoo lang, alas-dos pa lang pero siksikan na ang mga estudyante sa labas. May mga nagtutulakan pa nga para lang mauna lang sa pagpasok sa hall. Papasok na rin kami ni Rebecca. Maaga kaming pumunta sa school dahil 2 hours before the program kailangan nando’n na ang mga naka-assign na sections sa bawat contestant.

Tinulungan kami  ng mga guards para makapasok ng hindi nasisira ang mukha sa sobrang siksikan. Alam mo ‘yung feeling na parang mahahampas ka anytime ng mga placard na may iba’t ibang nakasulat. Halos karamihan, Sir Rain, Sir Rye, at syempre si Sir Jael. Hihi. Hindi na ko magtataka.

“Roxanne! Gusto ko nang hubarin ‘tong suot ko! Please lang. Nakakaburyo,” sabi ni Rebecca sakin habang nagiistruggle kaming pumasok sa loob ng Hall. May dalawang guard ang nakaalalay sa amin. Kasabay rin naming pumasok ‘yung ibang student na tumutulong sa mga contesntants.

“SHHHH! Sinabi kong ‘wag ka munang sisigaw. ‘Wag ka ring magagalit. Smile lang,” at hinatak ko ang dulo ng buhok niya. Sa totoo lang, nakalugay ang buhok niya. Naka-headband rin siya. Simpleng dress na floral ang ipinasuot ko sa kanya. Buti pumayag siya. Takutin ko ba naman eh. Hihi.

Hindi na sumagot si Rebecca sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ng struggle, nakapasok na rin kami sa may backstage. Tatlong room ang ginamit. ‘Yung sa unang room magkakasama ang number 1 & 2 contestants. Sa second room, magkakasama rin ang contestant 3 & 4. Therefore, kasama pa rin pala naming sina Bec sa loob ng room number 3.

Nasa may backstage na nga kami. I can feel the pressure. Kanya-kanya nang handaan ng mga gamit. May nakita akong drums, gitara, at kung anu-ano pang musical instruments. Meron rin palang mga props sa likod. ‘Yung tipong pang-play. May marami ring mic stand sa likod. Gagamitin na rin siguro ni Sir Jael mamaya.

Nasa loob na kami n room number 3. Kahit magkakalaban ang  mga instructors na ito, kanya-kanya silang tawanan. Sa totoo lang, mga fans lang ata nila ang nagkakanda-awayan sa labas ng Hall. Naupo kami ni Rebecca sa isang tabi. May isang mahabang sofa kasi roon. Pang-tatlong tao. Halo-halo na rin ‘yung mga student assistant. Pero, 2 na lang pala per contestant ang pinayagang pumasok sa backstage.

“Pam. Ano pang kailangang ayusin?” tanong ko sa kanya habang pinipigil ko ang tawa ko sa itsura ni Bec. Ang tahimik niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Mamaya magbuga ‘to ng apoy eh. Buti wala pa si Ma’am Chloe, kundi baka hindi ko siya nauto tungkol sa dare naming kahapon.

Tinignan ako ni Pam ng nakangiti. “Ah… Ano Roxanne. Wala naman…” hindi ko rin mawari kung ngumingiti ba siya o kung anong sapi ang pumapasok sa isipan niya ngayon. Aha. Nakatingin siya kay Sir Rye? Okay fines. Gets ko na.

“Xanne… Ayoko na talaga. Gusto mo ba kong ganito?” nagmamakaawa na si Rebecca sa tono ng pananalita niya. Pero tinatawanan ko lang siya ngayon. Hindi ako naaawa sa kanya. Minsan kailangang magsakripisyo para sa mga bagay na gusto natin. Di ba?

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon