#2

1.4K 28 4
                                    

Pebrero ay sasapit na,

Araw na naman ng mga Puso,

araw ng mga may iniirog,

kaya paano na naman kami?

Kaming mga single

na ilang taon nang nag-aantay.

Sanay na nga kami sa araw na yan,

mapagsasabihan pa kaming bitter.

Mga salitang aming binabanggit

kahit wala namang taong idinadawit

ay matatawag pa kaming bitter sweet.

Hindi ba't karapatan namin yun?

Dahil hindi naman namin kayo sinaktan

o ang aming mga salita'y hindi sainyo nakalaan.

Sana lang kami ay tantanan

dahil kami rin ay nasasaktan.

Pamilya na lang ulit ang aming kasama

at ang mga kaibigang kapwa single.

Ilang oras lang at ang araw na ito

ay magiging parang bulang madaling maglaho.


***

Valentine's Day, para sa mga single ito'y ordinaryong araw lang. Mas pinipili nilang wag na lang lumabas, gumala dahil makakakita lang sila ng ikakadurog ng kanilang puso. Mga iba't ibang pakulo ng mga taong nagmamahal, mainam ng umiwas kesa makapagbitaw pa ng mga salitang maghahantong sa kanilang pagiging bitter. Mabuti na lang at may mga kaibigan silang single, na kasama nila sa pagdadrama at pagkukulong sa bahay. Pamilya at mga kaibigan na lang talaga ang kasangga sa pagdradrama. Bitter man, sana wag namang alone. Diba?

Buhay SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon